Sponsored Links
Advertisement

Kailangan Pa Bang Bayaran Ang Utang Kung Hinatak Na Ang Motorcycle?


“ATTY., YONG MOTOR KO PO NA BINILI AY HINATAK NA TAPOS PINABABAYARAN PA ANG UTANG, PWEDE BA YON?”

ANG ACT. NO. 4122 O OTHERWISE KNOWN AS “RECTO LAW” NA ISINAMA SA ARTICLE 1484 NG NEW CIVIL CODE AY ISANG BATAS NA PINIPIGILAN ANG ISANG SELLER NG PERSONAL PROPERTY BY INSTALLMENT NA ABUSOHIN ANG KANYANG KARAPATAN. SA BATAS NA ITO AY BINIBIGYAN LAMANG ANG SELLER O NAGBENTA NG PERSONAL PROPERTY BY INSTALLMENT KUNG HINDI NA MAKABAYAD ANG BUYER NG KARAPATAN NA SINGILIN ANG PURCHASE PRICE O KANSELAHIN ANG BENTAHAN AT BAWIIN ANG BINENTA O I-FORECLOSE O REMATAHIN ANG CHATTEL MORTGAGE. ANG KARAPATAN NA ITO NG SELLER AY PWEDENG NIYANG PAMILIAN PERO HINDI PWEDE GAMITIN NG SABAY-SABAY.   

Marami ang nagtatanong sa E-Lawyers Online na umutang ng motorsiklo na naremata na ng nagbenta pero sinisingil pa rin sila sa purchase price nito. Ganito ang problem ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Mapagpalang umaga atty., umutang po ako ng motorsiklo ng hulugan sa isang tindahan pero po ay after 6 months ay hindi ko na nahulugan. Kinuha na po ng pinagbilhan ko ang motor dahil hinatak agad nila. Ngayon po ay pinagbabayad pa ako sa utang. Pwede po ba yon atty?”

Ang Act No. 4122 o ang “Installment Sales Law” o ang tinatawag na “Recto Law” ay isang batas na pinasa ni Claro M. Recto noong 1933. Ang batas na ito ay isinama sa ating New Civil Code under Article 1484. Ayon sa Article 1484  of the New Civil Code, in a contract of sale of personal property the price of which is payable in installments, the vendor may exercise any of the following REMEDIES:

1. Exact fulfillment of the obligation, should the buyer fail to pay any installment;
2. Cancel the sale, should the buyer’s failure to pay cover two or more installments;
3. Foreclose the chattel mortgage on the thing sold, if one has been constituted, should the buyer’s failure to pay cover two or more installments. In this case, he shall have no further action against the purchaser to recover any unpaid balance of the price. Any agreement to the contrary shall be void.

Malinaw sa batas na ito na ang remedyo sa batas ng seller pagbayarin ang buyer sa presyo o kaya ay ikansela ang bentahan kung 2 beses na pumalya ang buyer sa installment o rematahin ang nakasanglang personal property na wala na siyang karapatan na kunin ang anumang pera para sa kabayaran ng purchase price sa biniling gamit. Pwedeng mamili ang seller ng isang remedyo sa nasabing batas pero hindi niya pwedeng pagsabayin ang 2 o 3 remedyo sa batas dahil ang pagpili sa isa ay considered na waiver sa iba pang remedyo.

Ayon sa Supreme Court na kaso Universal Motors Corp vs. Dy Hian That, et. al. [G.R. No. L-23788, May 16, 1969] The three remedies under this article, available to the vendor who has sold personal property on the installment plan, are alternative, not cumulative. In other words, if the vendor has elected to avail himself of any of the remedies, he is deemed to have renounced the others. (Tolentino, Civil Code of the Philippines, Vol. V, 1959 ed., p. 27 citing the case of Pacific Commercial vs. de la Rama, O. G. August 9, 1941, p. 1224). Samakatuwid, kagaya ng seller na nagbenta ng motor sa reader ng E-Lawyers Online, hindi na niya pwedeng singilin pa ng utang ang buyer dahil hinatak na niya ang motor.

Kung merong katanungan o gustong magkonsulta ukol sa sale of personal property by installment, visit www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply