Sponsored Links
Advertisement

Legal Ba Ang Kasal Ng Magpinsan?


“LEGAL BA ANG KASAL NG MAGPINSAN?”

ANG KASAL NG DALAWANG MAGPINSANG BUO O MAGKADUGO WITHIN THE FOURTH CIVIL DEGREE OF CONSAGUINITY NA KUNG TAWAGIN AY FIRST COUSINS, AY VOID DAHIL SA PUBLIC POLICY AT PWEDE ITONG IPAWALANG BISA SA KORTE. KUNG ANG MAG-PINSAN NA NAGPAKASAL AY MAGSECOND COUSIN NA ANG RELASYON, ANG KANILANG KASAL AY TINUTURING NA NG BATAS NA LEGAL AND VALID.

May nagtanong sa E-Lawyers Online kung ano ang legal na epekto kung nagpakasal ang magpinsan at kung ano ang estado ng kanilang kasal. Ganito ang question sa E-Lawyers Online:

“Atty., meron po akong nakilala na malayong kamag-anak namin. Siya po ay anak ng pinsan ng tita ko. Distant relative na po pero pinsan ang tawagan namin. Nagkarelasyon po kami at gusto po namin magpakasal, pwede po ba?”

Karaniwang akala ng iba na ang lahat ng kasal sa pagitan ng magpinsan o magkamag-anak o magkadugo ay pinagbabawal ng batas. Hindi lahat ng kasal sa pagitan ng magpinsan o magkamag-anak o magkadugo ay pinagbabawal ng batas dahil ito ay applicable lamang sa kasal na within the fourth civil degree.

Ayon sa Article 38 (1) ng Family Code, ang kasal ng magpinsang buo within the fourth civil degree, regardless kung legitimate o illegitimate ang relasyon ng mga magulang nila, ay null and void for reasons of public policy at ito ay pwedeng ipa-annul sa korte. Ang relasyon na within the fourth civil degree ay ang magpinsang buo o mag first cousin. Ang reason ng pagbabawal dito ng batas ay ang kasal at pagsasama ng magpinsan o magkadugo ay maaring magbunga ng anak na may problema sa kanilang kalusugan at pisikal na kaanyuan dahil ang mga depekto ng kanilang mga dugo ay magsasama sa iisang tao, sa kanilang mga anak. Dahil ang pagbabawal sa pagpapakasal ng magkamag-anak ay nililimitahan lamang sa mag-first cousin, ang kasal sa pagitan ng magpinsan o magkamag-anak o magkadugo ay pinapayagan na kung ang ikakasal ay mag second cousin, and so on and so forth. Kung kaya ang kasal ng mag second cousin ay legal, valid at pinapayagan ng batas.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa annulment at kailangan na mga dokumento nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply