Sponsored Links
Advertisement

Maaari Bang Gamitin Sa Annulment of Marriage Dahil “Pinikot” o Tinakot Kaya Nagpakasal?


 

“ATTY., PINIKOT PO AKO NG MISIS AT TINAKOT PO AKO NG TATAY NIYA NA SIGA KUNG HINDI KO PAKAKASALAN. AFTER MAMATAY ANG TATAY NG MISIS KO AY PATULOY KAMI NAGSAMA PERO AFTER 2 YEARS AY NAGHIWALAY DIN KAMI, PWEDE KO PO BA MAGAMIT NA GROUND ANG PANANAKOT SA AKIN SA ANNULMENT?”

ANG SAPILITANG PAGPAPAKASAL O PWERSADONG PAGPAPAKASAL O TINATAWAG NA “PIKOT” AY PWEDENG GAMITIN NA GROUND SA ANNULMENT OF MARRIAGE AT IPAWALANG BISA ANG KASAL NGUNIT ANG GROUND NA ITO AY HINDI MAGAGAMIT KUNG MAY NANGYARING “RATIFICATION” KUNG SAAN PAGKATAPOS NA MAWALA ANG FORCE, INTIMIDATION OR UNDUE INFLUENCE AY MALAYA AT BOLUNTARYONG NAKISAMA SIYA SA ASAWA AT HINDI AGAD SIYA NAGSAMPA NG KASO.

May nagtanong sa E-Lawyers Online kung siya ay napilitan lamang na magpakasal sa kanilang asawa gawa ng pananakot o pwersa pero siya ay matagal na nakisama sa kanyang asawa ay kung pwede pa siya magsampa ng annulment of marriage. Ganito ang question ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Meron po ako asawa atty na pinikot ako dahil nabuntis ko sya at magulo pamilya niya sa probinsiya at natakot ako sa banta ng tatay niya na magkakagulo pamilya namin if hindi ko panagutan siya. After a year, namatay ang tatay niya pero nagsama pa rin kami ng mga 3 years hanggang magkahiwalay. May epekto ba ang hindi ko pagsasampa agad ng annulment atty? Ano masasabi nyo sa kaso ko?”

May dalawang klase na depektibong kasal sa Family Code: (1) Void marriages ; at (2) Voidable Marriages. Ang mga void marriages ay may mga kawalan ng essential o formal requirements ng marriage katulad ng wala sa tamang edad, may una pang kasal, walang lisensiya at iba pa. Ang ganitong kasal ay walang bisa mula pa lamang sa simula at hindi pwedeng maging valid kailanman. Pwede itong ipawalang bisa sa korte anytime at walang expiration kung kailang ka pwede magsampa sa korte. Ang tawag sa pagpapawalang bisa ng ganitong kasal ay Petition for Declaration of Nullity of Marriage.

Ang mga voidable marriages naman ay mga kasal na may depekto sa consent ng isa sa mga kinasal pero ito ay pwedeng maging valid sa pamamagitan ng pag-expire ng period na magsampa nito sa korte o kaya ay ang pag-ratify nito sa pamamagitan ng malayang pakikisama sa asawa. Ang tawag sa pagpapawalang bisa ng ganitong kasal ay Petition forAnnulment of Marriage.

Ang pikot o sapilitang pagpapakasal o pwersadong pagpapakasal gawa ng intimidation (pananakot) o force (pangpepwersa) o undue influence (hindi dapat na impluwensiya) ay isang ground sa annulment of marriage at pwedeng ipa-annul sa korte ngunit kailangan itong mai-file sa loob ng five (5) na taon mula sa araw ng simula ng mawala ang pananakot o pwersa o hindi dapat na impluwensiya. Ito ay nasa Article 45 ng Family Code.

Article 45. A marriage may be annulled for any of the following causes, existing at the time of the marriage:

(4) That the consent of either party was obtained by force, intimidation or undue influence, unless the same having disappeared or ceased, such party thereafter freely cohabited with the other as husband and wife;

Ang “pikot” na kasal ay ginagawang voidable marriage dahil wala ang isang essential requirement ng isa sa mga kinasal kung saan wala siyang malayang consent na binigay ng kinasal siya. Dahil dito, pinapayagan ng batas na ipawalang bisa ito kung nawala na ang force, intimidation o undue influence. Ngunit ang ganitong ground ay hindi na pwedeng gamitin kung may nangyari nang “ratification” kung saan nawala ang pananakot o pwersa o hindi dapat na impluwensiya at malayang nakisama ang taong tinakot o pinuwersa o naimpluwensiyahan sa kanyang asawa, hindi na siya pwedeng magsampa ng kaso. Ang malayang pakikisama ng asawa na tinakot, pinuwersa o inimpluwensiyahan pagkatapos mawala ang pananakot, pwersa at impluwensiya ay considered ng batas na pinagtibay na niya at pumayag na siya sa kasal kung kaya ang ground na ito ay hindi na pwedeng gamitin kung may ratification. At the first instance na nawala ang pananakot, pwersa at impluwensiya ay kailangan na niya magfile ng annulment sa korte upang maiwasan ang epekto ng ratification.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa annulment at kailangan na mga dokumento nito, register at my website atĀ www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang linkĀ http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply