Sponsored Links
Advertisement

Maaari Bang Irenew Ang 2 Passport?


“ATTORNEY, DALAWA PO ANG PASSPORT NA KINUHA KO, ISA BILANG SINGLE AT ISA BILANG MARRIED. MAY PROBLEMA PO BA AKO KUNG IRENEW KO SILA PAREHO?”

ANG PAGKAKAROON NG DALAWANG VALID AT UNEXPIRED NA PASAPORTE AY ISANG KRIMEN NA PINAPARUSAHAN NG REPUBLIC ACT NO. 8239 OTHERWISE KNOWN AS THE PHILIPPINE PASSPORT ACT OF 1996.

KUNG ANG PAGKUHA NG IKALAWANG PASSPORT AY UPANG BAGUHIN ANG KANYANG SURNAME AT CIVIL STATUS FROM “MARRIED” TO “SINGLE”, ITO AY ISA RING KRIMEN NA PINAPARUSAHAN NG REPUBLIC ACT NO. 8239 OTHERWISE KNOWN AS THE PHILIPPINE PASSPORT ACT OF 1996. ANG BABAENG KASAL PA NA GUMAMIT NG APELYIDO NG ASAWA NIYA AY HINDI NIYA NA ITO PWEDENG BAGUHIN KUNG ITO AY GINAMIT NA NIYA SA KANYANG PASSPORT, SSS, GSIS AT IBA PANG GOVERNMENT DOCUMENTSO PUBLIC RECORDS HANGGAT HINDI PATAY ANG ASAWA O ANNULED O NAPAWALANG BISA NG KORTE ANG KANYANG KASAL.

May mga friends kami na na-encounter sa E-Lawyers Online kung saan binabalak nila na mag-apply ng bagong passport gamit ang kanilang “maiden name” o apelyido sa pagkadalaga at baguhin ang kanilang civil status from “married” to “single”. Karamihan sa kanila ay mga hiwalay na sa kanilang asawa at may kagustuhan na tanggalin na ang mga husband’s surname sa kanilang passport. Ganito ang tanong ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Attorney, may dalawa po akong passport, isa single at isa married. May problema po ba ako kung pareho ko silang irenew? Una ko po nakuha ay ang passport na married ako ngunit hiwalay na kami. May nakikilala po akong foreigner at gusto ako ipetisyon sa bansa niya kaya kumuha po uli ako ng isang passport para naman sa single ako para makuha niya ako. Kaso po ay nagkahiwalay din kami. Kaya po may 2 ako passport. Ano po ba maganda gawin?”

Ang ganitong gawain na kumuha ng ikalawang passport ay isang krimen na may parusang kulong. Kung nakapamili na ang isang babaeng kasal ng gagamitin niya na apelyido at ginamit na niya ito sa passport niya, BIR, SSS o GSIS ay hindi na niya ito pwedeng baguhin kaagad ayon sa isang Supreme Court decision (Remo vs. Secretary of Foreign Affairs, G.R. 169202, March 5, 2010.) na nagsasabi na ang kung ang isang Filipina na kasal ay gumamit na sa kanyang husband’s surname sa kanyang passport, hindi na siya pwedeng bumalik ng paggamit sa surname niya sa pagkadalaga o bumalik sa paggamit ng maiden name niya except in cases kung saan (1) death of the husband, (2) divorce (married to foreigner) (3) annulment, or (4) declaration of nullity of marriage. Kung ang kasal ng isang Filipina ay hindi pa annuled or declared invalid ng korte, hindi niya magagamit ang kanyang maiden name o apelyido sa pagkadalaga sa replacement/renewal passport niya.

Kung kaya ang isang tao ay kumuha ng dalawang pasaporte at ito ay pareho niyang ginagamit at hindi nasurrender sa DFA, ito ay isang krimen na may parusang kulong. Ang Department of Foreign Affairs din ay may power na kumpiskahin agad ang nasabing pasaporte. Ang mga Filipino na pwede lang magkaroon ng dalawang pasaporte ay ang mga government official or diplomatic officers at ang kanilang mga pamilya.

Ayon sa Section 19 (e) ng Republic Act No. 8239 also known as “Philippine Passport Act of 1996″ No person or individual may hold more than one valid passport, except as provided for in Section 7 hereof, and any individual who possesses more than one unexpired passport shall, for every unexplored passport found in his possession, be punished by a fine of not less than Fifteen thousand pesos (P15,000) nor more than Sixty thousand pesos (P60,000) and imprisonment of not less than eighteen (18) months but not more than six (6) years: Provided, That the maximum fine and imprisonment shall be imposed by the court if he attempts to use or actually uses an unexpired passport which is not in his name.”

Ganun din, ang pag-apply ng ikalawang passport kung saan may maling deklarasyon sa civil status at pinalabas na “single” ngunit ang totoo ay “married” pa siya ay may karampatang parusa din sa batas. Anumang “false statement” o intensiyonal na panloloko sa mga deklarasyon sa application o sa passport ay isang krimen. Ayon sa Section 19 (b) (2) ng Republic Act No. 8239 also known as “Philippine Passport Act of 1996” any person who “uses or attempts to use any passport which was secured in any way by reason of any false statements, shall be punished by a fine of not less that Fifteen thousand pesos (15,000) nor more than Sixty thousand pesos (60,000) and imprisonment of not less that three (3) years, but not more than ten (10) years;”

Kung gusto nyo magtanong ukol sa tamang paggamit ng apelyido o surname sa pasaporte o tamang pagkuha ng pasaporte, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.


Leave a Reply