Sponsored Links
Advertisement

Maaari Bang Magamit Na Ebidensya Ang Post Ng Paninirang Puri Sa Social Media?


“ATTY., PAANO KO PO MAGAGAMIT NA EBIDENSYA ANG POST NG PANINIRANG PURI SA FACEBOOK SA KORTE?”

ANG PICTURE, TEXT/CHAT/PRIVATE MESSAGE AT MGA POST SA SOCIAL NETWORKING SITES AT MGA EMAIL AY ISANG ELECTRONIC EVIDENCE NA PWEDENG GAMITIN SA KORTE AYON SA SUPREME COURT A.M. NO. 01-7-01-SC OTHERWISE KNOWN AS THE RULES ON ELECTRONIC EVIDENCE. UPANG MAGAMIT NA ELECTRONIC EVIDENCE, KAILANGAN NA ITO AY MA-PRESERVE SA PAMAMAGITAN NG SCREEN SHOT AT AFFIDAVIT OF EVIDENCE NG TAO NA NAKAKITA AT NAKATANGGAP NG NASABING POST SA FACEBOOK AT ITO AY I-AUTHENTICATE O PATOTOHANAN NA MERON SIYANG DIREKTA AT PERSONAL NA KAALAMAN SA NASABING POST O COMMENT.

Naging talamak na ngayon ang paninirang puri sa Facebook at sa mga naging biktima nito ay hindi agad sila makapagsampa ng kaso dahil marami pa rin na hindi alam na ang mga post at comment na ito ay electronic evidence na tinatanggap na sa korte. Paano nga ba kumuha ng electronic evidence para sa pagsasampa ng kaso gamit ito? Ito ang tanong ng reader ng E-Lawyers Online:

“Musta po atty. Please help us po dahil sa paninira po sa akin sa Facebook. Nakita po namin ito at agad na kumuha ng camera at kinunan ng picture pero after that po ay nadelete na po ang post. Pwede ba namin ito gamitin? Ito po ba ay electronic evidence?

Ang post sa Facebook, Instagram at iba pang social networking sites ay pwedeng gamitin na electronic evidence. Ang Republic Act No. 8972 known as E-Commerce Law at ang Supreme Court Administrative Matter No. 01-7-01-SC.- Re: Rules on Electronic Evidence ay nagsasabi na ang email, text or private message ay isang electronic evidence at katumbas ng isang documentary evidence. Kung kaya ang isang post, comment, email, text, chat or private message sa Facebook ay isang evidence na pwedeng gamitin sa korte laban sa nagsend nito at ito ay pwedeng ipresenta sa korte sa pamamagitan ng affidavit of evidence at pagpapakita ng nasabing post, comment, email, text, chat or private message sa Facebook sa loob ng korte. Ganon din ang mga pictures, video at mga audio recording or chat conversation ay mga electronic evidence din.

Ngunit ang mga email, text, chat or private message sa Facebook considered pa rin na privilege communication o protektadong komunikasyon na hindi pwedeng gamitin sa korte kung ito ay between sa lawyer-client o sa doctor-patient na usapan at ang paggamit nito sa korte bilang evidence ay pinagbabawal ng batas dahil strictly confidential ang mga usapang ito.

Sa reader na nagtanong, ang kanyang picture ay matatawag na “electronic evidence” pero hindi matibay ito kung hindi kumpleto ang nakuhan niyang picture ng paninirang puri. Ang the best na electronic evidence ng isang post o comment sa Facebook ay ang “screen shot” nito kung saan buong makikita URL, name of the FB account at ang mismong post o comment sa Facebook. Bukod pa dito, kailangan mo ng “affidavit of evidence” kung saan ang mismong tao na nakakita at nakatanggap ng post o comment bilang electronic evidence ay i-authenticate niya ito na ito ay totoo at siya ay may personal knowledge sa katotohanan nito. Ito ay naayon sa Section 1, Rule 9 ng Rules of Electronic Evidence:

“SECTION 1. Affidavit of evidence. – All matters relating to the admissibility and evidentiary weight of an electronic document may be established by an affidavit stating facts of direct personal knowledge of the affiant or based on authentic records. The affidavit must affirmatively show the competence of the affiant to testify on the matters contained therein.”

Kung gusto nyo magtanong ukol sa post, comment, email, chat, privatde or text message as electronic evidence, register at my website at www.e-lawyersonline.com

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply