Sponsored Links
Advertisement

Maaari Bang Palitan Ang Pangalan Sa Local Civil Registrar?


 

“ATTY., PWEDE KO BANG PALITAN ANG NAME KO SA LOCAL CIVIL REGISTRAR DAHIL GUSTO KO YONG PALAYAW KO NA LANG PARA HINDI MAHABA?”

ANG PANGALAN O APELYIDO NG ISANG TAO AY HINDI PWEDENG BAGUHIN NG WALANG COURT ORDER. ANG LAHAT NG PAGBABAGO NG PANGALAN O APELYIDO AY KAILANGAN NA DUMAAN SA PROSESO NG RULE 103 NG RULES OF COURT, ANG RULE PARA SA CHANGE OF NAME OF A PERSON. ANG CHANGE OF NAME AY KAKAIBA SA CORRECTION NG TYPHOGRAPHICAL ERROR SA NAME.

Marami ang nagtatanong sa E-Lawyers Online tungkol sa pagbabago ng name o pangalan na karaniwan nilang ginagamit na kakaiba sa nakalagay sa kanilang birth certificate. Ganito ang problem ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Atty., ang kinagisnan ko po na pangalan ay “Jonjon” at ito gamit ko sa mga papel ko pero ngayon ko lang nakita na “Jose Pablo” ang name ko na nasa birth certificate. Pwede ko ba palitan na lang ito sa munisipyo namin?”

Akala ng iba na ang pagpapalit ng name sa birth certificate ay madali na at pwede nang gawin sa Local Civil Registrar. Mali ang akala na ito dahil ang pinapayagan lamang na administrative correction ng birth certificate ay yong typhographical error sa name katyulad ng “Marlun” to “Marlon”. Pero kung ang pagbabago o pagpapalit ng name ay substantial katulad ng “Jose Pablo” to “Jonjon”, ito ay kailangan na dumaan sa korte.

Ang pagbabago ng name o surname ng isang tao ay kailangan laging dumaan sa korte. Ang Article 376 ng Civil Code of the Philippines ay nagsasabi na “no person can change his name or surname without judicial authority”. A proseso sa pagpapalit ng pangalan o apelyido na may permiso ng korte ay nasa Rule 103 of the Revised Rules of Court. Under Sec. 1 of said rule: “a person desiring to change his name shall present the petition to the Court of First Instance of the province (now RTC) in which he resides, or in the City of Manila, to the Juvenile and Domestic Relations Court.”

Ang gobyerno ay may interest sa mga pangalan at apelyido ng mga mamamayan ng Pilipinas for purposes of identification. Ang pagpapalit ng pangalan o apelyido ay isang privilege o pahintulot lamang at hindi ito karapatan na pwedeng ipilit. Ang tao na gustong palitan ang kanyang pangalan o apelyido ay magbigay ng mabigat o maayos na dahilan na makapagjustify sa pagpapalit nito. Kung hindi, pwede itong ideny ng korte. Ayon sa kaso ng Supreme Court: A person can effect a change of name under Rule 103 (CHANGE OF NAME) using valid and meritorious grounds including (a) when the name is ridiculous, dishonorable or extremely difficult to write or pronounce; (b) when the change results as a legal consequence such as legitimation; (c) when the change will avoid confusion; (d) when one has continuously used and been known since childhood by a Filipino name, and was unaware of alien parentage; (e) a sincere desire to adopt a Filipino name to erase signs of former alienage, all in good faith and without prejudicing anybody; and (f) when the surname causes embarrassment and there is no showing that the desired  change  of name was for a fraudulent purpose or that the change of name would prejudice public interest.” [Republic v. Hernandez, 323 Phil. 606, 637-638 (1996)]

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa change of name or surname at kailangan na mga dokumento nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply