Sponsored Links
Advertisement

Maaari Bang Pilitin Ang Employer Na Iremit Diretso Ang Suporta Para Sa Anak?


“MAY KARAPATAN BA ANG BABAE NA PILITIN ANG EMPLOYER NG KANYANG ASAWA O LIVE-IN PARTNER NA LALAKI NA I-REMIT SA KANYA DIRETSO ANG SUPORTA SA KANYA AT SA ANAK?”

ANG EMPLOYER O KOMPANYA KUNG SAAN NAGTRATRABAHO ANG LALAKING ASAWA O LIVE-IN PARTNER AY WALANG KARAPATAN NA MAGDEDUCT O I-WITHHOLD O I-REMIT ANG PARTE NG SWELDO NIYA AT IBIGAY SA ASAWANG BABAE O SA MGA ANAK NITO BILANG SUPORTA KUNG WALANG NAKASAMPANG KASO AT WALANG COURT ORDER DAHIL ITO AY ISANG PRIBADONG PROBLEMA.

ANG HINDI PAGBIBIGAY NG SUPORTA O PAGBIBIGAY NG HINDI SAPAT NA SUPORTA SA ASAWA O KINAKASAMANG BABAE AT KANILANG MGA ANAK AY ISANG KRIMEN NA KUNG TAWAGIN AY ECONOMIC ABUSE UNDER REPUBLIC ACT NO. 9262. KUNG ANG ISANG KASO NG ECONOMIC ABUSE O PROTECTION ORDER SA KORTE AY ISINAMPA NA AT MERON NANG COURT ORDER NA MAGBIGAY NG SUPORTA, ANG EMPLOYER AY KAILANGAN SUMUNOD SA UTOS NG KORTE AT ANG HINDI PAGSUNOD SA PAG-REMIT, PAG-WITHHOLD O PAG-DELAY NG REMITTANCE NG SUPORTA SA BABAE O KANILANG ANAK AY PWEDENG MAKULONG FOR INDIRECT CONTEMPT.

Marami ang nagtatanong sa E-Lawyers Online kung pwede ba nilang pilitin ang employer ng mister nila na ibigay sa kanila ang sweldo dahil may karapatan sila na humingi ng suporta sa ama nito. Ganito ang katanungan ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Attorney, asawa ko po ay OFW at may employer siya dito sa Pilipinas. Sumulat po ako sa employer na ibigay sa akin ang kalahati ng sweldo ng mister ko bilang suporta dahil hindi kami pinapadalhan pero hindi po sila sumasagot. pwede ko ba sila kasuhan?”

Ayon sa Labor Code of the Philippines, ang isang employer ay walang karapatan na makialam sa sweldo ng kanyang empleyado at wala siyang karapatan na mag-deduct dito except kung may consent ang empleyado, union dues o may court order.

Art. 112. Non-interference in disposal of wages. No employer shall limit or otherwise interfere with the freedom of any employee to dispose of his wages. He shall not in any manner force, compel, or oblige his employees to purchase merchandise, commodities or other property from any other person, or otherwise make use of any store or services of such employer or any other person.

Art. 113. Wage deduction. No employer, in his own behalf or in behalf of any person, shall make any deduction from the wages of his employees, except:

In cases where the worker is insured with his consent by the employer, and the deduction is to recompense the employer for the amount paid by him as premium on the insurance;

For union dues, in cases where the right of the worker or his union to check-off has been recognized by the employer or authorized in writing by the individual worker concerned; and

In cases where the employer is authorized by law or regulations issued by the Secretary of Labor and Employment.

Dahil ang issue ng suporta ay isang pribadong problema, ang employer ay hindi pwedeng pilitin na i-deduct ito sa sweldo ng empleyado. Ngunit dahil ang issue ng suporta ay isang legal obligation, pwedeng pumunta ang nanay/asawa o anak sa korte at humingi nito. Ang R.A. 9262 otherwise known as Anti-Violence against Women and their Children Act ay nagpaparusa ng kulong sa hindi pagbibigay ng lalaki ng suporta sa kanyang asawa o kinakasamang babae at kanilang mga anak at ito ay tinatawag na “economic abuse”. Ito ay naiiba sa “psychological abuse” o “physical abuse” na karampatang kaparusahan din. Ang krimen na ito ay applicable sa mag-asawa o magkalive-in, kasal man o hindi, kung saan merong anak sila. Kasama dito ang pagpaparusa sa hindi pagbibigay ng lalaki ng sapat o maayos na suporta sa kanyang asawa o kinakasamang babae at kanilang mga anak. Ayon sa R.A. 9262, ang violence against women and children ay:
(a) “Violence against women and their children” refers to any act or a series of acts committed by any person against a woman who is his wife, former wife, or against a woman with whom the person has or had a sexual or dating relationship, or with whom he has a common child, or against her child whether legitimate or illegitimate, within or without the family abode, which result in or is likely to result in physical, sexual, psychological harm or suffering, or economic abuse including threats of such acts, battery, assault, coercion, harassment or arbitrary deprivation of liberty.

Ang krimen na hindi pagbibigay ng suporta sa asawa/kinakasama at mga anak ay pinaparusahan dahil ito ay isang uri ng “economic abuse” kung saan nalilimitahan at nakokontrol ang malayang paggalaw ng isang babae gawa ng ginagawa ng lalaki. Ang sitwasyong ito ay nakasaad sa Section 4 (e) ng R.A.9262 bilang isang uri ng “economic abuse” na magbibigay ng mental o emosyonal na pagdurusa sa biktima. Ang sinumang asawa o kasamang lalaki ang gumawa nito ay pinaparusahan ng prision correcional (6 months – 6 years imprisonment).

SECTION 5. Acts of Violence Against Women and Their Children.- The crime of violence against women and their children is committed through any of the following acts:

(a) x x x;

(b) x x x;

(c) x x x;

(d) x x x;

(e) Attempting to compel or compelling the woman or her child to engage in conduct which the woman or her child has the right to desist from or desist from conduct which the woman or her child has the right to engage in, or attempting to restrict or restricting the woman’s or her child’s freedom of movement or conduct by force or threat of force, physical or other harm or threat of physical or other harm, or intimidation directed against the woman or child. This shall include, but not limited to, the following acts committed with the purpose or effect of controlling or restricting the woman’s or her child’s movement or conduct:

(1) Threatening to deprive or actually depriving the woman or her child of custody to her/his family;

(2) Depriving or threatening to deprive the woman or her children of financial support legally due her or her family, or deliberately providing the woman’s children insufficient financial support;

(3) Depriving or threatening to deprive the woman or her child of a legal right;

(4) x x x;

(f) x x x;

(g) x x x;

(h) x x x:

(i) Causing mental or emotional anguish, public ridicule or humiliation to the woman or her child, including, but not limited to, repeated verbal and emotional abuse, and denial of financial support or custody of minor children of access to the woman’s child/children.”

SECTION 6. Penalties.- The crime of violence against women and their children, under Section 5 hereof shall be punished according to the following rules:

(a) x x x.

(b) x x x;

(c) Acts falling under Section 5(e) shall be punished by prision correccional (6 months and 1 day to 6 years imprisonment);

(d) x x x;

(e) x x x;

(f) Acts falling under Section 5(h) and Section 5(i) shall be punished by prision mayor.

Nasa Section 8 (g) rin ng R.A. 9262 na kung ang lalaki o ang employer niya ay hindi nakaremit, nag-withhold o nagdelay ng remittance ng suporta sa nanay o anak despite na merong court order dito, pwedeng ipakulong ang lalaki at employer niya for indirect contempt.

Sec. 8 (g) Directing the respondent to provide support to the woman and/or her child if entitled to legal support. Notwithstanding other laws to the contrary, the court shall order an appropriate percentage of the income or salary of the respondent to be withheld regularly by the respondent’s employer for the same to be automatically remitted directly to the woman. Failure to remit and/or withhold or any delay in the remittance of support to the woman and/or her child without justifiable cause shall render the respondent or his employer liable for indirect contempt of court;

Pwede lamang pilitin ang employer ng lalaki na magdeduct at magremit ng parte ng sweldo bilang suporta sa babae o anak nila kung merong court order. Kung walang court order, hindi pwedeng pilitin ang employer at hindi pwedeng ipakulong ito.

Kung gusto nyo magtanong ukol sa Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Law, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply