Sponsored Links
Advertisement

Makakakuha Pa Ba Ng Passport Kung May Record Na Patay Na?


 

Image result for passport

ANO GAGAWIN KO PARA MAKAKUHA NG PASSPORT DAHIL AYAW AKO BIGYAN NG NSO NG BIRTH CERTIFICATE DAHIL MAY RECORD NA PATAY NA DAW AKO DAHIL ANG MISTER KO NAGFILE NG JUDICIAL DECLARATION OF PRESUMPTIVE DEATH SA KORTE?

ANG ASAWA NA NADEKLARANG PATAY NA DAHIL SA ASAWA NIYA NA NAKAKUHA NG JUDICIAL DECLARATION OF PRESUMPTION OF DEATH SA ISANG SUMMARY PROCESS SA KORTE AY CONSIDERED NA PATAY NA SA PUBLIC RECORD NG GOBYERNO BILANG KANYANG LEGAL STATUS AT ITO AY MAIBABALIK LAMANG KUNG SIYA O SINUMANG TAO AY MAGSUBMIT SA LOCAL CIVIL REGISTRY NG KANYANG RESIDENCE O RESIDENCE NG KANYANG ASAWA NG KANYANG AFFIDAVIT OF RE-APPEARANCE. ANG PAGSUBMIT NG AFFIDAVIT OF RE-APPEARANCE AY MAY AUTOMATIC NA EPEKTO NA MAWALAN NG EPEKTO ANG IKALAWANG KASAL NG ASAWA NA NAKAKUHA NG JUDICIAL DECLARATION OF PRESUMPTION OF DEATH AT BUMALIK ANG EPEKTO NG UNANG KASAL.

May nagtatanong sa E-Lawyers Online kung ano ang remedy kung nadeklara ka ng korte na patay ka na at hindi ka makakuha ng passport at para ipawalang bisa ang decision ng korte sa judicial declaration of presumptive death na sinampa ng kanyang asawa na nag-asawa muli. Ganito ang question ng reader ng E-Lawyers Online:

“Yong mister ko atty, nagsampa ng judicial declaration of presumptive death at pinalabas niya na hindi na niya ako mahanap. Tapos nag-asawa sila muli. Nadiskubre ko lang yon ng mag-apply ako ng passport at hindi ako mabigyan ng birth certificate dahil may record ako ng death certificate sa NSO. Paano ko po maalis yon dahil need ko atty magka passport for work?”

Ang judicial declaration of presumptive death ay isang summary judicial process na ginagawa sa korte kung saan ang isang tao ay idinideklara na patay na dahil siya ay matagal nang nawawala at hindi na makita ng kanyang asawa at kamag-anak pagkatapos ang masugid na paghahanap nila sa nasabing tao. Ang purpose ng prosesong ito ay upang makapag-asawang muli ang asawa na hindi makakasuhan ng bigamy at upang mahati ang naiwan na mga ari-arian ng nawawala at ibigay sa kanyang mga taga-pagmana. Ang nasabing batas ay nasa Article 41 ng Family Code kung saan nirequire ng batas na magkaroon muna ng summary judicial process bago magpakasal muli ang naiwan na asawa:

Art. 41. A marriage contracted by any person during subsistence of a previous marriage shall be null and void, unless before the celebration of the subsequent marriage, the prior spouse had been absent for four consecutive years and the spouse present has a well-founded belief that the absent spouse was already dead. In case of disappearance where there is danger of death under the circumstances set forth in the provisions of Article 391 of the Civil Code, an absence of only two years shall be sufficient.

For the purpose of contracting the subsequent marriage under the preceding paragraph the spouse present must institute a summary proceeding as provided in this Code for the declaration of presumptive death of the absentee, without prejudice to the effect of reappearance of the absent spouse.

Ang Article 41 of Family Code ay nagsasaad na ang isang kasal na ginanap habang umiiral ang naunang kasal ay hindi epektibo o null and void. Pero kung ang ikalawang marriage ay ginanap kung saan ang asawa sa unang kasal ay nawawala for four (4) consecutive years at merong matibay na basehan na ang nawawalang asawa ay patay na, ito ay valid subject sa re-appearance ng nawawalang asawa. Ang presumptive death ng nawawalang asawa ay kailangan na i-file sa korte upang mag-issue ito ng judicial declaration of presumptive death. Kung wala ang judicial declaration of presumptive death at nagpakasal kayo, pwede ka makasuhan ng bigamy ng gobyerno o ng sinuman na tao.

Ano ang epekto nito sa taong nadeklarang patay na ng korte?

Isa sa epekto ng judicial declaration of presumptive death ay ang pagrerehistro ng “death certificate” ng tao na nadeklara ng korte na patay sa NSO o Philippine Statistics Authority. Kung narehistro na ang death certificate ng nawawalang asawa, siya ay considered na patay na at hindi na siya pwede kumuha ng passport o magtransact sa anumang sangay ng gobyerno. Maaalis lamang ang status ng nawawalang asawa bilang deceased person kung siya ay mag-sasampa sa local civil registrar ng Affidavit of Re-Appearance. Hanggat wala siya nito, siya ay considered na “legal na patay”.

Ano ang legal remedy ng asawa na nadeklarang patay na sa judicial declaration of presumptive death?

Dahil ang epekto ng judicial declaration of presumptive death ay nagiging patay ang isang tao sa mata ng batas, siya ay nawawalan ng maraming karapatan katulad ng pagkuha ng passport, pagtakbo sa election o pagboto at iba pa dahil nasa public record na siya ay patay na. Sa mata ng batas, ang taong ito ay patay na at hindi na pwedeng makipagtransakyon sa gobyerno. Upang mabawi ang kanyang legal status bilang isang buhay na tao, ang tao na nadeklarang patay na sa judicial declaration of presumptive death ay kailangan na magfile ng affidavit of re-appearance sa local civil registrar kung saan siya ay nakatira at kung saan ang marriage contract nila ay nakarehistro. Ayon sa Article 42 ng Family Code, kung ang sinumang tao ay nagsumbong o nagsuplong sa otoridad na buhay pa ang nawawalang asawa at nag-submit ng affidavit of reappearance ng nawawalang asawa, ang presumption of death is automatically terminated at ang ikalawang kasal bunga nito ay immediately voided o automatic na mawawala ang bisa nito, at babalik sa dating relationship ang mag-asawa sa unang kasal.

“Art. 42. The subsequent marriage referred to in the preceding Article shall be automatically terminated by the recording of the affidavit of reappearance of the absent spouse, unless there is a judgment annulling the previous marriage or declaring it void ab initio.

A sworn statement of the fact and circumstances of reappearance shall be recorded in the civil registry of the residence of the parties to the subsequent marriage at the instance of any interested person, with due notice to the spouses of the subsequent marriage and without prejudice to the fact of reappearance being judicially determined in case such fact is disputed. (n)”

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa judicial declaration of presumptive death at ang tamang proseso, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply