Sponsored Links
Advertisement

May Karapatan Bang Magmana ang Bata Na Ipinanganak Lamang After Mamatay Ang Kanyang Tatay?


“MERON BA KARAPATAN MAGMANA ANG ISANG BATA NA PINANGANAK LAMANG AFTER NA MAMATAY ANG KANYANG TATAY?”

ANG PAGSILANG NG ISANG TAO AY ANG NAGBIBIGAY SA KANYA NG PERSONALIDAD SA BATAS. ANG PERSONALIDAD NG ISANG TAO AY NAGBIBIGAY SA KANYA NG MGA KARAPATAN SA BATAS AT MGA OBLIGASYON SA BATAS AT TUMANGGAP NG MGA BUNGA NITO. NGUNIT PINAPAYAGAN NG BATAS NA ANG ISANG BATA NA HINDI PA ISINISILANG AY UPANG MAGKAROON NG PERSONALIDAD SA BATAS NA MAKAKABUTI SA KANYA SA KUNDISYON NA SIYA AY PINANGANAK AT NABUHAY BILANG TAO.

ANG ISANG EXAMPLE KUNG SAAN ANG ISANG BATA NA HINDI PA ISINISILANG AY NAGKAROON NG PERSONALIDAD SA BATAS AY ANG KARAPATAN NA MAGMANA SA ARI-ARIAN NG KANYANG TATAY KUNG NAMATAY ANG TATAY BAGO PA LAMANG SIYA PINANGANAK.

May nagtanong sa E-Lawyers Online kung may karapatan ba ang isang bata na magmana sa tatay kung saan bago pa lamang isilang ang bata ay namatay na agad ang ama niya. Ganito ang question niya:

“Atty., tanong ko lang po may karapatan ba ang anak ko sa mga claims or properties ng father nya? Kahit hndi naka pirma sa birth certificate ang papa kasi nmatay po sya before ako nanganak. Pareho po kming single.salamat po and godblz?”

Ayon sa New Civil Code, ang pagsilang ng isang tao ang nagbibigay sa kanya ng sibil na personalidad. Ang civil personality o legal personality ay ang kakayahan ng isang tao na maging subject ng batas at pagkakaroon ng karapatan sa batas at obligasyon sa batas at magtamasa ng mga epekto ng batas. Samakatuwid, kailangan muna na isilang ang isang tao para magkaroon siya ng karapatan sa batas. Ngunit, ang New Civil Code ay nagbibigay ng karapatan sa isang bata na sinapupunan pa lamang ng nanay niya na magtamasa ng karapatan na makakabuti sa kanya sa kundisyon na siya ay ipanganak ng naayon sa batas. Ito ay nasa Article 40 and 41 ng New Civil Code:

Art. 40. Birth determines personality; but the conceived child shall be considered born for all purposes that are favorable to it, provided it be born later with the conditions specified in the following article. (29a)

Art. 41. For civil purposes, the fetus is considered born if it is alive at the time it is completely delivered from the mother’s womb. However, if the fetus had an intra-uterine life of less than seven months, it is not deemed born if it dies within twenty-four hours after its complete delivery from the maternal womb. (30a)

Ibig sabihin ng Article 41, kailangan na ang bata sa sinapupunan ay lumabas sa tiyan ng nanay at ito ay nabuhay ng 24 oras para siya magkaroon ng legal na personalidad. Isa sa mga example ng ganitong kaso ay ang bata na nabuo sa sinapupunan ng nanay at habang nagdadalan-tao siya ay biglang namatay ang tatay at pagkatapos ay saka lamang siya pinanganak. Kagaya ng question ng isang reader ng E-Lawyers Online, siya ay may karapatan na tumanggap ng mana sa mga properties ng tatay niya. Kailangan lamang niya patunayan ang paternity o relation sa dugo ng bata sa kanyang tatay.

Ang paternity ay ang legal na relasyon ng bata sa kanyang tatay at kung ito ay napatunayan, ang karapatan sa suporta, mana at paggamit ng apelyido ng tatay ay madaling ma-establish. Ang akala ng karamihan na ang pirma sa birth certificate lamang ang pwedeng magpatunay ng paternity o relasyon ng anak sa kanyang tatay o kaya ang DNA test kung saan ang dugo ng bata at ng tatay ay ineexamine ng mga doktor kung ang kanilang genes ay nag-match. Ang dalawang paraan na ito ay isa lamang sa maraming paraan para patunayan ang paternity o relasyon ng anak sa kanyang ama. Kahit hindi kasal ang kanyang mga magulang o hindi siya gumagamit ng apelyido ng tatay o hindi siya na-acknowledge ng tatay niya sa birth certificate niya, maraming paraan na nasa Family Code at Rules of Court na patunayan ang relasyon ng bata sa kanyang ama at hindi lang ang birth certificate niya.

Nasa Article 172 ng Family Code na pwedeng patunayan ang relasyon ng anak sa tatay/nanay sa pamamagitan ng: (1) Birth Certificate ng bata o final judgment/decision ng korte na nagpapatunay ng relasyon; or (2) Ang pag-amin ng magulang sa public document or a private handwritten instrument and signed by the parent concerned. Kung wala ito, pwedeng gamitin ang mga testimoniya at mga evidence ng (1) The open and continuous possession of the status of a legitimate child; or (2) Any other means allowed by the Rules of Court and special laws.

Bilang example, ang pag-amin ng magulang sa public document and signed by the parent concerned ay pwedeng mga dokumento sa SSS, GSIS at iba pang government records applications kung saan nakalista ang anak bilang “Children”. Ganun din, ang pag-amin ng magulang sa private handwritten instrument and signed by the parent concerned ay katulad ng mga Christmas cards at iba pang pagbati na may katagang “to my son” at may pirma ng nasabing tatay.

Pwede rin patunayan ang open and continuous possession of the status of a legitimate/illegitimate child sa pamamagitan ng mga testimoniya ng mga witnesses ng mga kaibigan, kakilala at kamag-anak o ang reputasyon bilang mag-ama sa komunidad. Pwede ipasa sa korte ang mga video o picture kasama ang mga testimoniya dito. Marami pang mga paraan sa Rules of Court na pwedeng gamitin upang patunayan ang paternity katulad ng pag-amin sa text messages, Facebook page at mga email.

Kung kaya hindi reason sa pagtanggi ng suporta ang kawalan ng pirma sa birth certificate ng bata. Ang tatay o ama na hindi nagsusuporta sa anak, kasal man o hindi, ay pwede ng kasuhan ng economic abuse under Republic Act No. 9262 otherwise known as Anti-Violence Against Women and their Children Act. Ito ay isang criminal case. Ganun din, ang tatay na pinagkakait sa anak ang tamang pag-acknowledge sa anak after na patunayan ito sa korte ay isang uri ng psychological abuse.

Kung gusto nyo magtanong ukol sa civil personality, inheritance at paternity case, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply