Sponsored Links
Advertisement

May Pananagutan Ba Ako Sa Batas Kung Ang Umutang Ay Ipinakilala Ko Lang?


“ATTY., MAY KASO BA AKO SA NAGPA-UTANG KUNG PINAKILALA KO LANG ANG AKING KAIBIGAN NA GUSTONG HUMIRAM NG PERA? PWEDE BA AKO MASINGIL NIYA?” 

ANG REPRESENTASYON NG KAKAYAHANG MAGBAYAD NG ISANG TAO NA AY KAILANGANG NAKASULAT O NAKALAGAY SA ISANG KONTRATA UPANG MAKASUHAN ANG TAO NA NAGBIGAY NG NASABING REPRESENTASYON AT UPANG MASINGIL SIYA SA ANUMANG DANYOS O DAMAGES NA NAKAMIT GAWA NG NASABING REPRESENTASYON. KUNG HINDI NAKASULAT ANG NASABING REPRESENTASYON, ANG TAONG NAGBIGAY NITO AY HINDI PWEDENG KASUHAN SA KORTE O IPATUPAD ANG ANUMANG USAPAN TUNGKOL DITO SA KORTE. 

Ang pagpapautang ng pera, lalo na ito ay pinagpaguran at pinagtrabahuhan mabuti, ay isang maselang bagay. Lalo na kung ang pagpapautang ay may kasamang representasyon mula sa isang kaibigan o kamag-anak na ang umuutang ay may kakayahang magbayad. Paano kung nakumbinsi ka sa representasyon ng isang tao at pinautang mo ang isang tao at hindi naman nagbayad? Pwede mo ba habulin siya? Ganito ang problema ng isang kababayan natin na nagtanong sa E-Lawyers Online:

“God bless atty., ask ko lang po if may pananagutan ba ako kasi nagpakilala lang ako ng friend ko na need mag-loan. Tinanong lang ako if ok ba siya tapos pinautang na ng kasama ko sa work. Ngayon, hindi nagbayad at ako ngayon ang hinahabol, pwede ba yon atty?”

“Atty., may kaunti ako pautang at may dinala sa akin na sangla ng lupa ang kamag-anak ko. Pinautang ko dahil ok daw magbayad. Ngayon nagtatago na, pwede ko ba kasuhan kamag-anak ko?”

Hindi lahat ng kontrata o kasunduan ay dapat nakasulat. Ngunit may mga kasunduan o agreement na dapat ay nakasulat upang makaiwas sa fraud o panloloko. Ito ang tinatawag na Statute of Frauds. Isa samga kasunduan na kailangan ay may nakasulat na kasunduan ay ang pagsagot ng isang tao sa utang o pagdefault ng ibang tao. Ganun din, kailangan din na nakasulat ang anumang representasyon ng isang tao tungkol sa kakayahan ng isang tao na magbayad ng kanyang utang. Ayon sa Statute of Frauds na napapaloob sa Article 1403, paragraph (2), of the New Civil Code, ang mga sumusunod na transaksyon ay kailangan may kasulatan o nakasulat sa papel at napirmahan, para ito ay maging enforceable o ipatupad ng korte:

(a) x x x

(b) Special promise to answer for the debt, default, or miscarriage of another o ang pangakong sumagot sa pagbabayad ng utang, o hindi pagtupad o pagkakasala ng ibang tao;

(c) x x x;

(d) x x x.

(e) x x x;

(f) Pagrepresenta o pagbibigay ng representasyon sa credit o kakayahan ng pagbabayad ng third person.

Maliwanag sa Article 1403, paragraph (2), sub-paragraph (f), of the New Civil Code ang representasyon ng saing tao para sabihin na may kakayahan ang ibang tao na magbayad ng utang ay kailangan na nakasulat sa isang kontrata at pirmado ng taong nangako na maging guarantor. Kung ang transaksyon ay walang kasulatan, hindi ito pwedeng ipatupad sa korte at hindi pwede magdemanda ang mga partidos dito. Kung kaya ang isang taong naging guarantor ng utang ng isang tao ay walang pinirmahan na kontrata ng guaranty, hindi siya pwedeng singilin sa utang kung hindi nagbayad ang umutang. Ganund din kung nagsabi siya na maayos magbayad ng utang ang isang tao na hindi nakasulat ay wala siyang liability dito.

Ayon sa Supreme Court case na Asia Production, Co., Inc. vs. Pano [G.R. No. L-51058 January 27, 1992], “the purpose of the statute is to prevent fraud and perjury in the enforcement of obligations depending for their evidence on the unassisted memory of witnesses by requiring certain enumerated contracts and transactions to be evidenced by a writing signed by the party to be charged.” Ang purpose ng statute of frauds ay upang maiwasan ang pagsasabi ng hindi totoo kaya kailangan ito ay nakasulat lagi.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa mga transaksyon na nangangailangan ng dokumento nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply