Sponsored Links
Advertisement

May Parusa Ba Ang Hindi Pagbabalik Ng Kustodiya Ng Menor De Edad Na Bata Sa Magulang?


“MAY PARUSA BA ANG HINDI PAGBABALIK NG KUSTODIYA NG MENOR DE EDAD NA BATA SA KANYANG MAGULANG?” 

ANG HINDI PAGBABALIK SA MENOR DE EDAD NA BATA SA KANILANG MAGULANG NG TAONG PINAG-IWANAN NG BATA AY ISANG KRIMEN NA KUNG TAWAGIN AY “FAILURE TO RETURN A MINOR” NA MAY PARUSANG KULONG.

Minsan ay may mga magulang na dahil sa mahirap na circumstances ay naiiwan nila ang kanilang mga anak sa mga kamag-anak o kaibigan para pansamantalang alagaan. Ngunit dahil napamahal na ang bata sa pinag-iwanan na kamag-anak o kaibigan, kung minsan ay ayaw na itong ibalik sa magulang kung ito ay kinukuha na. Ganito ang problem ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Attorney, may anak po ako sa pagkadalaga at iniwan ko po muna ito sa parents ng dati kong kalive-in para ako makapag abroad. Pinadalhan ko po siya ng suporta at pera. After a year po ay binalikan ko ang anak ko at kinuha ko na ngunit ayaw na sa akin na ibigay nila. Ano po ba pwede kong gawin?”

Ang hindi pagbabalik ng menor de edad na bata ng taong pinagiwanan ng bata ay isang krimen na kung tawagin ay “FAILURE TO RETURN A MINOR” na may parusang kulong ayon sa Article 270 ng Revised Penal Code:

“Art. 270. Kidnapping and failure to return a minor. — The penalty of reclusion perpetua (30 YEARS IMPRISONMENT OR MORE) shall be imposed upon any person who, being entrusted with the custody of a minor person, shall deliberately fail to restore the latter to his parents or guardians.”

Hindi pwedeng gawing dahilan ng kamag-anak o kaibigan na abandonado na ang bata. Ang pag-iwan ng magulang sa kanyang anak sa mga relative ng kanyang asawa ay hindi nakakawala ng karapatan ng magulang upang makuha uli ang custody ng anak dahil hindi ito abandonment. Ang pag-iiwan ay isa lamang temporary custody at hindi abandonment o pagwawaksi ng parental authority sa bata. Sa kaso ng Supreme Court sa Sagala-Eslao vs Court of Appeals (G.R. No. 116773. January 16, 1997), ang isang anak ay naiwan sa grandmother dahil namatay na ang father ng mga anak at pagkatapos ay nag-asawa uli ang nanay ngunit nang kukunin na ang bata, tumanggi ang grandmother na wala nang right ang nanay na kunin ang bata dahil inabandona na niya ito. Sinabi ng Supreme Court na walang abandonment na ang pag-iwan sa bata ng nanay sa grandmother ay temporary custody lang sinabi dito na nawawala lang ang parental authority ng magulang sa kanyang anak kung ito ay kanyang (1) pina-adopt, (2) kung siya ay nabaliw at under guardianship ng korte o (3) pag-surrender ng bata sa orphanage. Kung wala dito sa tatlong nasabi ng batas, pwedeng mabawi ang custody ng bata sa pinag-iwanan nito.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa maayos na pagbawi ng bata due to temporary custody at kailangan na mga dokumento nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply