Sponsored Links
Advertisement

May Parusa Ba Kung Palagi Kang Tinatakot at Minumura?


“ATTY., MAY PARUSA BA KUNG PAULIT-ULIT AKONG MINUMURA AT TINATAKOT SA TEXT, CHAT O EMAIL NG DATING KALIVE-IN KO?”

ANG PAULIT-ULIT NA PAGMUMURA NG LALAKI (HUSBAND, EX-HUSBAND, LIVE-IN PARTNER OR EX-LIVE IN O BOYFRIEND O EX-BF) SA BABAENG KANYANG KAPAREHA (WIFE, EX-WIFE, LIVE-IN PARTNER OR EX O GIRLFRIEND O EX-GF) UPANG KONTROLIN ANG AKSIYON O GALAW NG NASABING BABAENG KAPAREHA AY ISANG URI NG PSYCHOLOGICAL VIOLENCE O ABUSE AT ISANG KRIMEN NA PINAPARUSAHAN NG BATAS UNDER REPUBLIC ACT NO. 9262 OTHERWISE KNOWN AS THE ANTI-VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR CHILDREN ACT.

Ang karaniwang problema na dinudulog sa E-Lawyers Online ay ang mga problema ng mga nanay na nagtratrabaho sa abroad o OFWs at ang mga anak nila ay nasa tatay o nasa kanilang mga magulang. Dahil cellphone lamang ang means of communication ng magkapareha, ang mga babae OFW ay usually nakakadanas na paulit-ulit na pagmumura mula sa kanilang mga kaparehang lalaki. Ganito ang question ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Attorney, please help po na tumigil ang kalive-in ko. Lagi niya ako minumura sa text at sa FB para mapilitan akong magpadala sa kanya ng pera. Tinatakot din niya ako na ilalayo ang anak ko at hindi ko na makikita. Ano po ba dapat ikaso sa kanya?”

Ang iba naman ay hindi pinapakita ang anak o hindi pinapakausap sa nanay kung hindi siya bibigyan ng pera o para maibigay ang kagustuhan ng lalaki. Kung minsan, ang mga gawain ito ay ginagamit ng lalaki para lamang makakuha ng malaking pera sa asawang babae na nasa abroad. Ang iba ay natatakot at bumibigay sa takot at may iba naman na lumalaban ngunit hindi alam kung paano. Karamihan ng mga nagtanong sa E-Lawyers Online ay naliwanagan sa karapatan ng mga babae sa batas kung kaya nalaman nila na may batas dito at napagtanto na ang ganitong gawain katulad ng paulit-ulit na pagmumura sa babae, emotional blackmail, hindi pagpapakita o pagpapakausap sa mag anak o bantang pananakot na pagtatakas o hindi na makikita ang anak ng lalaki (husband,ex-husband, live-in partner, boyfriend) o illegal at hindi karapatdapat na pagkakait o hindi pagbibigay ng custody o visitation right ng anak sa asawang babae, kalive-in, girlfriend o dating girlfriend ay isang ‘PSYCHOLOGICAL VIOLENCE OR ABUSE” na pinaparusuhan ng Republic Act No. 9262 otherwise known as Anti-Violence Against Women and Their Children Act.

Ayon sa Section 5 (e) (1) ng Republic Act No. 9262 otherwise known as Anti-Violence Against Women and Their Children Act, “the crime of violence against women and their children is committed through any of the following acts:

(a) x x x

(b) x x x

(c) x x x

(d) x x x

(e) Attempting to compel or compelling the woman or her child to engage in conduct which the woman or her child has the right to desist from or desist from conduct which the woman or her child has the right to engage in, or attempting to restrict or restricting the woman’s or her child’s freedom of movement or conduct by force or threat of force, physical or other harm or threat of physical or other harm, or intimidation directed against the woman or child. This shall include, but not limited to, the following acts committed with the purpose or effect of controlling or restricting the woman’s or her child’s movement or conduct:

(1) Threatening to deprive or actually depriving the woman or her child of custody to her/his family; x x x

(3) Depriving or threatening to deprive the woman or her child of a legal right; x x x

(i) Causing mental or emotional anguish, public ridicule or humiliation to the woman or her child, including, but not limited to, repeated verbal and emotional abuse, and denial of financial support or custody of minor children of access to the woman’s child/children. x x x

Ito ay isang criminal case na may parusang pricion correccional o six (6) months and 1 day to six (6) years na pagkakakulong.

Ang nsabing mura na nasa text message, chat o email ay isang evidence ng psychological abuse na hindi dapat idelete. Ang Republic Act No. 8972 known as E-Commerce Law at ang Supreme Court Administrative Matter No. 01-7-01-SC.- Re: Rules on Electronic Evidence ay nagsasabi na ang email, text or private message ay isang electronic evidence at katumbas ng isang documentary evidence. Kung kaya ang pag-amin ng tao sa isang email, text, chat or private message sa Facebook ay isang evidence na pwedeng gamitin sa korte laban sa nagsend nito at ito ay pwedeng ipresenta sa korte sa pamamagitan ng affidavit of evidence at pagpapakita ng nasabing email, text, chat or private message sa Facebook sa loob ng korte. Ganon din ang mga pictures, video at mga audio recording or chat conversation ay mga electronic evidence din.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa PSYCHOLOGICAL ABUSE at mga karapatan under the Anti-Violence Against Women and Their Children Act o sa psychological abuse at kailangan na mga dokumento nito, register at my website atĀ www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang linkĀ http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.

 


Leave a Reply