Sponsored Links
Advertisement

May Pinamanang Lupa Ngunit Ang Hawak Lamang Ay Deed Of Donation


“MAY DONASYON PONG LUPA SA AKIN ANG TITA KO AT GINAGAMIT KO NA PO ITO. ANG HAWAK KO LAMANG AY DEED OF DONATION NA PIRMADO NIYA. NGAYON PO AY PATAY NA ANG TITA KO AT GUSTO KO NA ILIPAT SA PANGALAN KO ANG LUPA PERO SABI SA MUNISIPYO AY WALANG BISA DAW ANG HAWAK KO NA PAPEL DAHIL WALA NOTARYO AT WALANG PIRMA KO, TAMA PO BA?”

ANG DONASYON NG LUPA AY KAILANGAN AY NASA NOTARYADONG DOKUMENTO AT BAGO MAILIPAT ANG TITULO SA PINAGBIGYAN NG LUPA NA DONASYON KAILANGAN DIN NIYA NA BAYARAN ANG DONOR’S TAX. BUKOD PA DITO, ANG DONASYON NG LUPA AY KAILANGAN DIN NA MAY NAKASULAT NA PAGTANGGAP ANG PINAGBIGYAN NG LUPA NA NOTARYADO DIN NA DAPAT IPAALAM SA NAGDONASYON HABANG SIYA AY BUHAY PA. ANG DONASYON SA LUPA AY WALANG BISA KUNG ITO AY WALANG NAKASULAT NA PAGTANGGAP NG TAONG PINAGBIGYAN AT HINDI IPINA-ALAM SA NAGDONASYON HABANG SIYA AY BUHAY PA. 

May mga donasyon ng lupa na ginagawa na verbal lamang at ito ay walang epekto. Meron naman na may dokumento ngunit hindi ito sapat para maging epektibo ang isang donasyon ng lupa. Ganito ang problema ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Musta po atty. Meron po binigay na lupa sa akin ang lolo ko at may pinirmahan siya na papel habang ako ay nasa abroad. Pag-uwi ko po ay binigay niya sa akin ito at nagpatayo ako ng bahay sa lupa. After ko po bumalik sa abroad, nabalitaan ko po na namatay na ang lolo ko na nagbigay. Pag-uwi ko po ay agad kong dinala sa Registry of Deeds ang papel ko para malipat sa name ko ang title pero ayaw po nila irehistro dahil wala notaryo at walang signature ko. Humingi din sila ng katunayan na buhay pa ang lolo ko. Pwede ko po ba malipat ang titulo sa akin? Valid po ba ang donsyon sa akin?”

Ang donasyon ay isang sagradong aksyon ng isang nagmamay-ari ng lupa at ito ay nagiging epektibo lamang kung ang batas ay nasunod ayon sa mga formalities nito. Ito ay naayon sa Article 725 ng New Civil Code:

“Article 725. Donation is an act of liberality whereby a person disposes gratuitously of a thing or right in favor of another, who accepts it.“

Ayon sa Supreme Court decision “unlike ordinary contracts (which are perfected by the concurrence of the requisites of consent, object and cause pursuant to Article 1318 of the Civil Code), solemn contracts like donations are perfected only upon compliance with the legal formalities under Articles 748 and 749 [Abellana vs. Sps. Ponce, G.R. No. 160488, September 3, 2004].

Ayon sa Article 749 ng New Civil Code, upang maging epektibo ang donation ng lupa sa isang tao ay kinakailangan ito na ilagay sa isang dokumento at notaryado. Kaiba sa mga pang-karaniwang kontrata na valid pa rin bagamat hindi ito notaryado. Mahigpit ang batas sa ganitong uri ng donasyon ng lupa sapagkat ito ay nagsasalin ng karapatan sa isang lupain na walang anumang konsiderasyon o bayad. Sa katunayan, maging ang pag-tanggap sa ganitong donasyon ay kinakailangan din na notaryado upang maging epektibo. Ang usual na dokumento para dito ay tinatawag na “DEED OF DONATION.”

Article 749. In order that the donation of an immovable property may be valid, it must be made in a public document, specifying therein the property donated and the value of the charges which the donee must satisfy.

The acceptance may be made in the same deed of donation or in a separate public document, but it shall not take effect unless it is done during the lifetime of the donor.

If the acceptance is made in a separate instrument, the donor shall be notified thereof in an authentic form, and this step shall be noted in both instruments.

Ang pagtanggap ng donasyon sa isang notaryadong dokumento ng taong pinagbigyan ng donasyon ay isang mahalagang bahagi ng donasyon para ito ay maging epektibo at ang acceptance ng donation o pagtanggap dito ay kailangan din na ipa-alam sa nagdonate para ito maging epektibo. Sabi sa Supreme Court decisions, ang pag-communicate ng acceptance ng donation during the lifetime ng donor ay mahalaga din:

“As a mode of acquiring ownership, donation results in an effective transfer of title over the property from the donor to the donee, and is perfected from the moment the donor knows of the acceptance by the donee, provided the donee is not disqualified or prohibited by law from accepting the donation. Once the donation is accepted, it is generally considered irrevocable, and the donee becomes the absolute owner of the property. The acceptance, to be valid, must be made during the lifetime of both the donor and the donee. It may be made in the same deed or in a separate public document, and the donor must know the acceptance by the donee.” Quilala vs. Alcantara [G.R. No. 132681. December 3, 2001]

Hanggat hindi pa ina-accept ang donation in writing at hindi pa ito pinapaalam officially sa donor, ang donation ay walang bisa at hindi epektibo. Kung ang acceptance ay ginawa na patay na ang donor, ang donation ay invalid at walang legal na epekto.

Kung gusto nyo magtanong ukol sa donasyon ng lupa, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online


Leave a Reply