Sponsored Links
Advertisement

May Prescriptive Period Ba Sa Pagsampa Ng Money Claim Sa Recruitment Agency?


“ATTORNEY, PWEDE BANG SINGILIN KO ANG AGENCY KO AFTER ONE YEAR NA PINAUWI AKO NG AMO KO SA ABROAD NG WALANG DAHILAN? ANO BA ANG PRESCRIPTIVE PERIOD PARA MAGSAMPA NG MONEY CLAIM SA RECRUITMENT AGENCY?”

ANG PRESCRIPTIVE PERIOD O TANING NA ORAS UPANG MAGSAMPA NG KASO FOR MONEY CLAIMS O SINGILIN ANG ISANG RECRUITMENT AGENCY FOR ILLEGAL DISMISSAL NG OFW AT IBA PANG VIOLATION NG OFW CONTRACT AY THREE (3) YEARS NA BIBILANGIN MULA SA ORAS KUNG SAAN NAGAWA ANG VIOLATION. KUNG ANG MONEY CLAIM AY HINDI NASAMPA SA LABOR COURT SA LOOB NG THREE YEARS, ANG OFW AY WALA NANG KARAPATAN NA MAGSAMPA NITO.

Karaniwang problema ng ating mga OFW ay ang pagpapauwi ng amo ng walang dahilan, kulang na sweldo at iba pang violation ng OFW contract. May nagtatanong sa E-Lawyers Online kung hanggang kailan ba pwedeng magsampa ang isang OFW ng money claim. Ganito ang question ng isang reader:

“Attorney, 1 year po ako nagwork bilang DH sa Hongkong at kulang ang sweldo ko dahil iniba ito ng nandoon na ako at noong sinisingil ko ang amo ko ay bigla akong pinauwi ng dahilan sa Pilipinas. Ako rin bumili ng sarili ko airplane ticket. Sabi ng agency ko ay wala dahil sila magagawa. More than 1 year na po ako sa Pilipinas, pwede pa po ba ako magsampa ng kaso at singilin ang agency?”

Ang lahat ng OFW contracts ay dapat ma-approbahan ng POEA. Ito ay sinasubmit sa POEA pagkatapos pirmahan ng worker at ito ay inaaprobahan ng POEA. Kung ang OFW contract ay approved na ng POEA, ito ay hindi na pwedeng baguhin ng agency o ng employer ng walang approval ng POEA. Ang pagbabago o pagpapalit ng kontrata o contract ng isang OFW kasama na ang sweldo o pagpapalit ng period of contract kung walang approval ng POEA ay considered na “illegal recruitment” under Republic Act No. 10022, as amended. Ang pagbabago o pagpapalit ng kontrata o contract ng isang OFW ay kailangan o dapat nakakasama o nababawasan ang karapatan ng OFW sa kontrata. Kung ang terms and condition ng OFW contract ay makakaganda sa buhay ng OFW katulad ng pagtataas ng sweldo o pagsasa-ayos ng kanyang tirahan at kundisyon ay hindi matatawag na illegal recruitment. Sinasabi sa Section 5, amending Section 6 ng R.A. 8042:

“SEC. 6. Definition. – For purposes of this Act, illegal recruitment shall mean any act of canvassing, enlisting, contracting, transporting, utilizing, hiring, or procuring workers and includes referring, contract services, promising or advertising for employment abroad, whether for profit or not, when undertaken by non-licensee or non-holder of authority contemplated under Article 13(f) of Presidential Decree No. 442, as amended, otherwise known as the Labor Code of the Philippines: X X X It shall likewise include the following acts, whether committed by any person, whether a non-licensee, non-holder, licensee or holder of authority:

“(i) To substitute or alter to the prejudice of the worker, employment contracts approved and verified by the Department of Labor and Employment from the time of actual signing thereof by the parties up to and including the period of the expiration of the same without the approval of the Department of Labor and Employment;

Ang prescriptive period o taning na oras upang magsampa ng kaso for money claims o singilin ang isang recruitment agency for illegal dismissal ng OFW at iba pang violation ng OFW contract ay three (3) years na bibilangin mula sa oras kung saan nagawa ang violation. Kung ang money claim ay hindi naisampa sa labor court sa loob ng three (3) years mula ng maganap ang violation, ang OFW ay wala nang karapatan na magsampa nito. Ito ay ayon sa Article 219 ng Labor Code:

ART. 291. Money claims. – All money claims arising from employer-employee relations accruing during the effectivity of this Code shall be filed within three years from the time the cause of action accrued; otherwise they shall be forever barred.

All money claims accruing prior to the effectivity of this Code shall be filed with the appropriate entities established under this Code within one year from the date of such effectivity, and shall be processed or determined in accordance with implementing rules and regulations of the Code; otherwise they shall be forever barred.

Ang money claims ay kailangan na isampa sa National Labor Relations Commission, ang ahensiya ng gobyerno na may jurisdiction to hear and decide labor cases including OFW money claims.

Kung gusto nyo magtanong ukol sa illegal recruitment o kailangan nyo ng tulong ukol dito, register at my website at www.e-lawyersonline.com

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply