Sponsored Links
Advertisement

Paano Maaalis Sa NSO Ang Death Certificate?


“ATTY., NAGREHISTRO ANG EX KO NG DEATH CERTIFICATE KO PARA MAKASAL ULI SIYA, PAANO KO MAALIS SA NSO ANG DEATH CERTIFICATE?”

“SAAN PO BA IPATATANGGAL ANG IKALAWANG BIRTH CERTIFICATE KO KASI NA LOCK PO AKO SA NSO?”

ANG ANUMANG MALING DEATH CERTIFICATE O BIRTH CERTIFICATE NA NAREHISTRO O MALING ENTRY DITO AY DAPAT IPAKANSELA DIN SA KORTE UNDER RULE 108 NG RULES OF COURT DAHIL HINDI MAHIHIRAPAN ANG NASABING TAO SA PAG-AAYOS NG PAPELES SA GOBYERNO KUNG MAY DALAWA SIYANG BIRTH CERTIFICATE KATULAD NG SA PAGKUHA NG PASSPORT, SSS CLAIMS AT IBA PA. ANG LEGAL REMEDY NA ITO AY TINATAWAG NA PETITION FOR CANCELLATION OF ENTRY IN THE CIVIL REGISTRY AT ITO AY SINASAMPA SA REGIONAL TRIAL COURT KUNG SAAN MATATAGPUAN ANG LOCAL CIVIL REGISTRY NA PINAGREHISTROHAN NITO.

Marami ang may karanasan na sa maling narehistro na birth certificate, nadobleng certificate o death certificate at marami ang hindi nakakaalam kung ano ba ang dapat gawin para ito ay maayos. May nagtanong sa E-Lawyers Online ng ganito:

“Hiwalay po ako ng matagal sa asawa ko. Nag-apply ako ng SSS pension at pinakuha ako ng birth certificate sa NSO, pero meron na lumabas ako na death certificate. Pinalabas ng ex ko na patay na ako para makasal siyang muli. Paano ko ba ipatatanggal itong death certificate?”

“Atty., akala ko po ay wala ako birth certificate kaya po nagpa late registration ako. After ko makakuha ng passport at magrenew, bigla po lumabas ang una ko birth certificate. Paano ko po ba maayos dahil nalock ako sa NSO?”

As a general rule, lahat ng mali o error na entry sa birth certificate ay dapat i-correct sa pamamagitan ng petition for correction entry sa Regional Trial Court na sumasakop sa Local Civil Registry kung saan nakarehistro ang birth certificate ayon sa Article 412 ng Civil Code na nagsasabi “No entry in a civil register shall be changed or corrected, without a judicial order.” Ang procedure para sa pagko-correct ng mali o error na entry sa birth certificate ay nasa Rule 108 ng Rules of Court. By way of an exception, ang typhographical error o clerical error sa name or surname na nakalagay sa birth certificate ay pwede nang i-correct ng summary procedure sa Local Civil Registry at hindi na kailangan mag-file pa ng petition sa korte under R.A. 9048.

Ganun din, under Republic Act No. 10172, ang error o mali sa gender o kasarian (Example: Ang “Male” ay naging “Female” sa birth certificate at ang “Female” ay naging “Male”) at ang error sa birthday (covered lang nito ang Day at Month na error) sa birth certificate ay pwede nang ayusin at i-correct sa Local Civil Registrar na hindi dadaan ng korte ayon sa Section 5 ng Republic Act 10172. Sa proseso ng Administrative Summary Correction sa Local Civil Registrar, ang pagcorrect ay madali dahil ito ay magfile lamang ng petition, magsubmit lamang ng documents na required at ipa-publish ito ay pwede nang mag-issue ng correction ang local civil registrar.

Kung ang ang error ay hindi typhographical error o clerical error sa name or surname, o clear error sa gender/kasarian o birthday or birth month, at ang error ay substantial katulad ng error sa name o surname, name of father and mother, year of birth, place of birth, date and place of marriage, nationality of the child or father or mother at iba pa, ang mga ito ay hindi pwedeng ipa-correct sa local civil registrar at kailangan na dumaan sa proseso ng correction of entry sa korte. Sa prosesong ito, kailangan ng applicant/petitioner na magfile ng petition sa korte, ipa-publish ang petition sa newspaper at patunayan ng evidence sa korte na mali ang entry at kailangan itama at saka lamang magdesisyon ang korte na i-correct ang entry.

Kung mayroon naman na mali o dobleng birth certificate o maling rehistro ng death certificate, kailangan din na dumaan ito sa proseso sa korte under Rule 108 ng Rules of Court. Ayon sa Rule 108 ng Rules of Court:

SECTION 1. Who may file petition.Any person interested in any act, event, order or decree concerning the civil status of persons which has been recorded in the civil register, may file a verified petition for the cancellation or correction of any entry relating thereto, with the [RTC] of the province where the corresponding civil registry is located.

SEC. 3. Parties.When cancellation or correction of an entry in the civil register is sought, the civil registrar and all persons who have or claim any interest which would be affected thereby shall be made parties to the proceeding.

SEC. 4. Notice and publication. Upon the filing of the petition, the court shall, by an order, fix the time and place for the hearing of the same, and cause reasonable notice thereof to be given to the persons named in the petition. The court shall also cause the order to be published once a week for three (3) consecutive weeks in a newspaper of general circulation in the province. (emphasis, italics and underscoring supplied)

Kailangan na dumaan ito sa proseso ng korte upang makansela ang mali o dobleng birth certificate o maling rehistro ng death certificate dahil ang civil registrar at NSO ay gagalaw lamang sa pag-kansela nito kung may final and executory na court order ang korte.

Kung gusto nyo magtanong ukol sa dalawang proseso (1) Administrative Summary Correction sa Local Civil Registrar; at (2) Judicial Correction of Entry sa Regional Trial Court, register at my website at www.e-lawyersonline.com. 

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.


Leave a Reply