Sponsored Links
Advertisement

Paano Makakasuhan Ang Asawa Na Nasa Abroad Kung May Kinakasama Ng Iba?


 

“ATTY! ANG ASAWA KO PO AY MAY KABIT SA ABROAD, GUSTO KO PO SIYA IPA-DEPORT PARA MAPARUSAHAN SILA!” or “AYAW NA PO KAMI SUPORTAHAN NG TATAY NG MGA ANAK KO NA NASA ABROAD, GUSTO KO PO SIYA IPA-DEPORT SA ABROAD!”

ANG DEPORTATION AY HINDI REMEDYO LABAN SA ISANG OFW NA MAY PRIBADONG PROBLEMA SA PAMILYA KATULAD NG PAGKAKAROON NITO NG ILLEGAL NA RELASYON, HINDI PAGSUPORTA AT IBA PA. ANG DEPORTATION O REMOVAL PROCEEDINGS ANG TAWAG SA PAGPAPAALIS SA ISANG BANSA NG ISANG TAO NA ILLEGAL NA NANINIRAHAN O PUMASOK DITO, O LUMABAG NG KRIMEN SA NASABING BANSA O NAWALA ANG KANYANG LEGAL STATUS UPANG MANATILI DITO AT HINDI PARA SA MGA PRIBADONG PROBLEMA NG PAMILYA.

Marami ang nagtatanong sa E-Lawyers Online kung pwede ba nilang ipa-deport ang kanilang asawa na may ibang relasyon sa abroad o hindi na nagpapadala ng suporta galing sa abroad. Ganito ang usual na natatanggap namin na mga messages:

“Attorney, ang asawa ko po ay may kabit sa abroad at nagsasama sila sa iisang bubong. Gusto ko po na mapauwi ang aking asawa, pwede ko po ba ipa-deport siya at hindi na makabalik sa abroad? Help me po atty.”

Karaniwang humihingi ng payo sa E-Lawyers Online ang may mga problema sa kanilang asawa na nasa abroad at usually na gusto nilang mangyari ay madeport o mapabalik ang kanilang asawa sa Pilipinas. Ito nga ba ang tamang legal na remedyo laban sa mga asawang nagloloko na nasa abroad? In our opinion, ang deportation or removal proceeding ay hindi tama at praktikal na legal remedy sa mga asawang may kinakasama sa abroad, hindi nagsusuporta at kung ano-ano pa.

Ano ba ang sinasabing “DEPORTATION”? Ang deportation proceeding ay isang proseso kung saan ang isang bansa sa pamamagitan ng immigration department nila ay pinapaalis o pinababalik ang isang bisita/taong may ibang nasyonalidad, pabalik sa kanyang bansa dahil sa paggawa ng krimen dito, o illegal na pagpasok o illegal na pananatili sa bansa ng walang visa o pagkawala ng legal status upang manatili sa nasabing bansa. Ang deportation proceeding ay sinasampa o pinafile sa bansa kung saan nandoon ang tao na gustong paalisin o pabalikin. Isang example nito ay isang Overseas Filipino Worker na nasa Kuwait, ang deportation proceeding niya ay dapat isampa sa Kuwait dahil nandoon siya. Ang deportation ng nasabing OFW ay dapat may dahilan, katulad ng isa sa apat na nabanggit, either dahil sa paggawa ng krimen sa Kuwait, o illegal na pagpasok o illegal na pananatili sa Kuwait ng walang visa o pagkawala ng legal status upang manatili sa Kuwait. Ang deportation ay ginagawa dahil lumabag ang isang tao sa batas ng Kuwait at hindi sa batas ng Pilipinas. Ang OFW na may bawal na relasyon sa Kuwait ay kailangan na mapatunayan muna sa nasabing bansa na siya ay lumabag sa batas ng nasabing bansa bago siya madeport. Kung kaya, ang asawa na nasa Pilipinas ay hindi pwedeng magsampa ng deportation case sa Pilipinas laban sa kanyang asawa dahil pwede niya lamang ito gawin sa bansa kung saan nandoon ang asawa niya. Kailangan niyang pumunta sa nasabing bansa upang isampa ang deportation case.

Kung ang deportation ay hindi tama at praktikal na legal remedy, ano naman ang magandang legal remedy laban sa mga asawang nagloloko sa abroad? Maraming mga pamamamaraan upang ma-enforce ang rights ng mga asawa at anak laban sa naglolokong asawa na nasa abroad. Isa na diyan ang pagsasampa ng psychological abuse o kaya ay economic abuse kung ayaw magbigay ng suporta. Ang tatay o ama na hindi nagsusuporta sa anak, kasal man o hindi, ay pwede ng kasuhan ng economic abuse under Republic Act No. 9262 otherwise known as Anti-Violence Against Women and their Children Act. Ito ay isang criminal case. Ganun din ang pagsasampa ng psychological violence by reason of marital infidelity under RA9262. Ang mga kasong ito ay criminal cases kung saan pwede isampa sa Pilipinas at pwedeng mag-issue ang korte ng warrant of arrest laban sa asawa at ito ang pwedeng gamitin laban sa kanya instead na deportation. Nasa Section 8 ng Republic Act No. 8239 otherwise known Philippine Passport Act of 1996 na ang passport ay pwedeng hindi ma-issue, makansela o higpitan sa mga sumusunod na dahilan;

Sec. 8. Grounds for Denial, Cancellation or Restrictions. — The application for passport may be denied, cancelled or restricted only on the following grounds:

(a) Denial of Passport – 1. On orders of the court, after due notice and hearing, to hold the departure of an applicant because of a pending criminal case: 2. When so requested by the natural or legal guardian, if the applicant is a minor; 3. When the applicant has been found to have violated any of the provisions of this Act; 4. Such other disqualification under existing laws.

(b) Cancellation of Passport – 1. When the holder is a fugitive from justice; 2. When the holder has been convicted of a criminal offense: Provided, That the passport may be restored after service of sentence; or 3. When a passport was acquired fraudulently or tampered with.

(c) Restricted – 1. When the country of destination is in a state of political instability which could pose a danger to the Filipino traveler. 2. When diplomatic ties have been fractured or severed with the Philippines; 3. When the country of destination is subject to travel restriction by government policy, enforcement of action by the United Nations or in a state of war.

Once na makansela ang passport ng isang Filipino na nasa abroad, ang kanyang pag-stay sa isang bansa ay considered na illegal na at ito ang magbibigay sa gobyerno ng ibang bansa ng reason na siya ay ipadeport pabalik ng Pilipinas.
Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa legal remedy na nabanggit at ang tamang proseso nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com. 

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply