Sponsored Links
Advertisement

Paano Makukuha Ang Perang Pinadala Pero Nagdeny Ang Nakatanggap?


“ATTY., NAGREMIT AKO SA FRIEND KO NG P50,000 PARA IBIGAY SA PAMILYA KO PERO NAGDENY SIYA NA NATANGGAP NIYA, ANO PO KASO PWEDE?”

ANG PAG-DENY O PAGTANGGI O HINDI PAG-AMIN NA MAY TINANGGAP SIYA NA PERA, PROPERTY OR GOODS SA ISANG TAO AY ISANG KRIMEN NA ESTAFA NA MAY PARUSANG KULONG.

Marami ang nakakaranas kung saan nagbibigay ng pera bilang patago o pautang sa isang tao ngunit pag tumagal at kinuha na ay bigla idi-deny o sasabihin na wala siyang natanggap na pera. Meron ding mga OFW na nakaranas na nagpa money remittance sa kaibigan para makibigay sa pamilya ngunit hindi ito ibinigay at bagkus ay nagdeny din na natanggap din ang pera. Ganito ang question ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Atty., nag-remit ako sa Pilipinas ng pera sa friend ko para ibigay sa pamilya ko pambili ng constrcution materials for my house. Pero hindi niya binigay at ginastos sa casino at sinabi pa sa akin na wala naman daw siya natanggap. Ano po pwede ko ikaso?”

Bagamat walang nakukulong sa hindi pagbabayad ng utang ayon sa Section 20, Article III, Bill or Rights ng 1987 Constitution which states that “no person shall be imprisoned for non-payment of debt” o “walang sinuman ang pwedeng ikulong dahil lamang sa hindi niya pagbabayad ng utang”, ang panloloko o pag-abuso ng tiwala sa pera o tinatawag na Estafa ay isa sa dahilan ng pagkakakulong ayon sa batas ng Pilipinas. Isa sa mga klase ng “estafa” ay ang paggamit ng pera ng isang tao na pinagkatiwala para sa isang purpose at ginastos ito sa personal na gamit ng may hawak. Ito ay tinatawag na “conversion”. Matatawag na ang perang nagastos dito ay isang “utang” ngunit ito ay pinaparusahan ng kulong hindi dahil sa hindi pagbabayad ng utang kundi sa panloloko o pag-abuso ng tiwala na binigay sa kanya. Ito ay ayon sa Article 351 Par. 1 (b) ng Revised Penal Code:

ART. 315. Swindling (estafa). – Any person who shall defraud another by any of the means mentioned hereinbelow shall be punished by:

x x x                             x x x                             x x x

1.  With unfaithfulness or abuse of confidence, namely:

x x x                             x x x                             x x x

 (b)       By misappropriating or converting to the prejudice of another, money, goods or any other personal property received by the offender in trust or on commission, or for administration, or under any other obligation involving the duty to make delivery of, or to return the same, even though such obligation be totally or partially guaranteed by a bond; or by denying having received such money, goods or other property;

x x x                             x x x                             x x x.

Ayon sa Korte Suprema, the elements of estafa through misappropriation or conversion as defined in Article 315, par. 1(b) of the Revised Penal Code are: (1) that the money, good or other personal property is received by the offender in trust, or on commission, or for administration, or under any other obligation involving the duty to make delivery of, or to return, the same; (2) that there be misappropriation or conversion of such money or property by the offender or denial on his part of such receipt; (3) that such misappropriation or conversion or denial is to the prejudice of another; and (4) that there is a demand made by the offended party on the offender. [Barrameda v. Court of Appeals, 313 SCRA 477, 484 (1999), citing Fontanilla v. People, 258 SCRA 460 (1996) and Manahan, Jr. v. Court of Appeals, 255 SCRA 202 (1996)].

Subalit bago makasuhan ng Estafa, kailangan muna magpadala at makatanggap ng personal ang gumastos ng pera ng demand letter dahil ito ay isang mahalagang elemento sa pagsasampa ng kasong Estafa. Ang maling pagbibigay nito ay makakaapekto sa kaso at magreresulta ng pagkadismiss ng kaso. Ngunit sabi ng Supreme Court, ang demand ay pwedeng oral o written:

” x x x demand under this kind of estafa need not be formal or written. The appellate court observed that the law is silent with regard to the form of demand in estafa under Art. 315 1(b), thus: When the law does not qualify, We should not qualify. Should a written demand be necessary, the law would have stated so. Otherwise, the word demand should be interpreted in its general meaning as to include both written and oral demand. Thus, the failure of the prosecution to present a written demand as evidence is not fatal. x x x” [Asejo, vs. People, G.R. No. 157433, July 24, 2007] 

Ang penalty sa estafa ay depende sa amount na nakuha ng akusado at kung ito ay P12,000-P22,000, ito ay kulong o imprisonment from 6 months and 1 day to 6 years. Kung mas mataas pa sa P22,000 ang nakuha o nalokong pera, ang parusang kulong ay magsisimula sa 6 years at for every P10,000 na sobra na na-estafa o naloko ay magdadagdag ang korte ng 1 year na pagkakakulong pero hindi pwedeng lumampas ng 20 years ang pagkakakulong.

Kung merong katanungan o gustong magkonsulta ukol sa Estafa, visit www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply