Sponsored Links
Advertisement

Pwede Bang Dahilan Ang Palaging Pag-aaway at Hindi Pagkakasundo Sa Annulment?


“LAGING PAG-AAWAY NG MAG-ASAWA DAHIL HINDI MAGKASUNDO, PWEDE BANG GROUND SA ANNULMENT OF MARRIAGE?” 

ANG HINDI PAGKAKASUNDO NG MAG-ASAWA (IRRECONCILABLE DIFFERENCE) O KAWALAN NG PAGKAKASUNDO NG MAG-ASAWA AT PAG-AAWAY NILA GAWA DITO AY HINDI GROUND SA ANNULMENT OF MARRIAGE O DECLARATION OF NULLITY OF MARRIAGE. HINDI RIN ITO MATATAWAG NA PSYCHOLOGICAL INCAPACITY KUNG ANG PAG-AAWAY O HINDI PAGKAKASUNDO AY BUNGA NG ISANG PSYCHOLOGICAL DISORDER NG ISA SA KANILA NA NASA PERSONALIDAD NA NILA BAGO PA LAMANG ANG KASAL.

Marami ang nagtatanong sa E-Lawyers Online kung pwede bang gamitin na ground para ipawalang bisa ang kasal ang araw-araw na pag-aaway ng mag-asawa dahil sa hindi magkasundo o walang pagkakasundo sila kahit sa anumang bagay. Ito ang tinatawag na irreconcilable differences na malimit na ginagamit sa ibang bansa bilang ground sa divorce. Pwede bang gamitin ito sa Pilipinas? Ganito ang problem ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Attorney, nag-asawa po ako last 2013. Nag-meet po kami abroad pero noong umuwi na po kami for good ng 2014 at nagsama sa iisang bahay ay lumabas na po ang totoong kulay niya. Lahat po ng bagay ay kontra siya at wala kami mapagkasunduan. Ang gusto niya ay ayaw ko po at ako naman, lagi siya ng kontra sa gusto ko. Hindi po ata kami compatible. Malaki po diperensiya ng aming mga pananaw sa buhay. Pwede ko po ba mapawalang bisa ang kasal namin dahil dito?”

Ang mga grounds sa annulment of marriage o declaration of nullity of marriage ay limitado lamang sa mga grounds na nakalagay sa Family Code particularly sa Articles 35, 36, 37, 45 and 46 ng Family Code at walang makikita dito na ang pagkawala ng pag-iibigan ng mag-asawa o falling out of love o hindi pagkakasundo ng mag-asawa ay pwedeng maging ground sa annulment of marriage. Nawawala lang ang bisa ng kasal sa pamamagitan ng kamatayan o desisyon ng korte sa annulment of marriage o declaration of nullity of marriage ng naayon sa grounds under Articles 35, 36, 37, 45 and 46 ng Family Code.

Ang Article 36 o ang ground na psychological incapacity ang usual na ginagamit ng mga tao ngunit ang tanong ng karamihan: “Ang irreconcilable differences ba ay magagamit bilang ground o evidence ng psychological incapacity?”

Nasa Article 36 ng Family Code na psychological incapacity must be characterized by (a) gravity, (b) juridical antecedence, and (c) incurability. In the case of  Juanita Carating-Siayngco vs. Manuel Siyangco, ang Supreme Court ay nagsabi na ang mere irreconcilable differences ng mag-asawa o hindi pagkakasundo ng mag-asawa ay hindi pwedeng gamitin na ground sa declaration of nullity of marriage due to psychological incapacity under Article 36. Ayon sa desisyon ng Supreme Court:

“Thus, from the totality of the evidence adduced by both parties, we have been allowed a window into the Siayngcos’s life and have perceived therefrom a simple case of a married couple drifting apart, becoming strangers to each other, with the husband consequently falling out of love and wanting a way out.

An unsatisfactory marriage, however, is not a null and void marriage. Mere showing of “irreconcilable differences” and “conflicting personalities” in no wise constitutes psychological incapacity. As we stated in Marcos v. Marcos:

Article 36 of the Family Code, we stress, is not to be confused with a divorce law that cuts the marital bond at the time the causes therefore manifests themselves. It refers to a serious psychological illness afflicting a party even before the celebration of the marriage. It is a malady so grave and so permanent as to deprive one of awareness of the duties and responsibilities of the matrimonial bond one is about to assume.

We are not downplaying the frustration and misery respondent Manuel might be experiencing in being shackled, so to speak, to a marriage that is no longer working. Regrettably, there are situations like this one, where neither law nor society can provide the specific answers to every individual problem.”

Ang hindi pagkakasundo o irreconcilable difference ay hindi rin magagamit bilang isa sa mga evidence upang patunayan ang ground na psychological incapacity dahil wala itong kaugnayan sa personality disorder. Ayon sa nasabing desisyon, ang psychological disorder ng asawa ay dapat ma-trace sa panahon na hindi pa kasal sila at ito ay kanyang nadala ng siya ay kinasal. Ayon sa desisyon, ang hindi pagkakaunawaan ng mag-asawa ay nagnggaling o nagsimula lamang ng sila ay mag-asawa at hindi ito naayon sa requirement ng batas na ito ay dapat magsimula bago pa lamang sila ikasal.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa declaration of nullity of marriage due to psychological incapacity under Article 36 at ang tamang proseso nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online sa  Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.


Leave a Reply