Sponsored Links
Advertisement

Pwede Bang Ipatanggal Ang Apelyido Ng Tatay ng Anak?


“PWEDE BA TANGGALIN ANG APELYIDO NG TATAY NG ANAK KO SA KANYANG BIRTH CERTIFICATE DAHIL NIREHISTRO NIYA NA WALA AKO ALAM DAHIL UMALIS NA AKO PAPUNTA ABROAD?”

“ATTY, PAPALITAN KO PO SURNAME NG ANAK KO SA PAGKABINATA, GAMIT NIYA AY MOTHER’S SURNAME AT NGAYON GAGAMITIN NIYA SA AKIN GAGAMITIN NIYA, KAILANGAN PA BA PIRMA NG NANAY NIYA?”

ANG PIRMA NG NANAY AY KAILANGAN UPANG MAGAMIT NG ISANG MENOR DE EDAD NA ILLEGITIMATE CHILD ANG APELYIDO NG KANYANG TATAY SA KANYANG CERTIFICATE OF LIVE BIRTH KASAMA ANG AFFIDAVIT TO USE SURNAME OF FATHER (AUSF) NA PIRMADO NG TATAY. KUNG WALA ANG DALAWANG PIRMA NG NANAY AT TATAY SA NASABING DOKUMENTO, HINDI PWEDENG GAMITIN NG MENOR DE EDAD NA ILLEGITIMATE CHILD ANG APELYIDO NG KANYANG TATAY.

Marami ang nagtatanong sa E-Lawyers Online kung kailangan ba ang pirma o consent ng nanay ng isang illegitimate child if ang apelyido ng tatay ay ipapagamit sa anak sa kanyang birth certificate. Ganito po ang question ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Atty., may anak po ako sa pagkabinata at nirehistro po namin ng nanay niya gamit ang apelyido ng nanay niya sa birth certificate ng bata. Hiwalay na po kami at nasa akin ang bata ang mag-3 years old na siya. Gusto ko i-apelyido sa akin bilang tatay niya. Kailangan pa ba ng pirma ng nanay niya?”

Ayon sa Article 176 ng Family Code, ang illegitimate child ay dapat gumamit ng apelyido ng kanyang nanay. “Art. 176. Illegitimate children shall use the surname and shall be under the parental authority of their mother, and shall be entitled to support in conformity with this Code. The legitime of each illegitimate child shall consist of one-half of the legitime of a legitimate child. x x x”

Ito ay na-amend na ng R.A. 9255:

“Illegitimate children shall use the surname and shall be under the parental authority of their mother, and shall be entitled to support in conformity with this Code. However, illegitimate children may use the surname of their father if their filiation has been expressly recognized by the father through the record of birth appearing in the civil register, or when an admission in a public document or private handwritten instrument is made by the father. Provided, the father has the right to institute an action before the regular courts to prove non-filiation during his lifetime. The legitime of each illegitimate child shall consist of one-half of the legitime of a legitimate child.”

Ang Republic Act No. 9255 otherwise known as “An Act Allowing Illegitimate Children to Use the Surname of their Father, Amending for the Purpose, Article 176 of Executive Order No. 209, Otherwise Known as the “Family Code of the Philippines” ay nagsasabi na pwede nang gamitin ng isang anak sa labas/illegitimate child ang apelyido o surname ng kanyang ama/tatay. Kahit hindi kasal ang babae sa isang lalaki, pinapayagan na ng batas ang bata na gamitin ang surname ng tatay pero dapat ay sundin ang requirements ng R.A 9255. Ang nanay o kanyang illegitimate child ay hindi pwedeng pilitin ang tatay na ipagamit ang apelyido sa bata kung walang permiso at nakasulat na consent ang tatay. Bago gamitin ng illegitimate child ang apelyido ng tatay, dalawang dokumento ang dapat pirmahan ng tatay ayon sa R.A. 9255:

(1) Public document or private handwritten document na pinirmahan ng tatay kung saan inaako ng tatay na ang nasabing anak sa labas/illegitimate child ay kanyang anak; at

(2) Affidavit of the Father Allowing to Use His Surname by the Illegitimate Child.

Kailangan ba ang pirma ng nanay bago ipagamit ang apelyido ng tatay sa kanilang illegitimate child?

Yes. Kung ang illegitimate child ay menor de edad pa, ang pirma ng nanay ay kailangan sa Affidavit of the Father Allowing to Use His Surname by the Illegitimate Child. Ayon sa Philippine Statistical Authority Administrative Order No. 01, Series of 2016 otherwise known as “Revised Implementing Rules and Regulations of Republic Act No. 9255 based on the Supreme Court Ruling in the case of “Grande vs . Antonio “, G.R. 206248 dated  February 18, 2014”, the use of the father’s surname by an illegitimate child requires the written consent of the mother or Affidavit of Use of Surname of Father (AUSF), to wit:

“Rule 8.  Effects of Recognition

8.1  As  a rule, an illegitimate child not acknowledged  by the father  shall use the surname of the mother.

8.2  Illegitimate child acknowledged by the father shall  use the surname of the mother if no AUSF is executed.

8.3  An illegitimate child aged 0-6 years  old acknowledged  by the father shall  use the surname of the father, if the mother or the guardian, in the absence of the mother, executes the AUSF.

8.4  An illegitimate child aged 7 to  17 years  old  acknowledged  by the father  shall use the surname of the father if the child executes  an AUSF fully  aware of  its consequence  as attested  by the  mother or guardian. (Emphasis Ours)

Kung wala ang dokumento na ito na pirmado ng tatay at nanay, hindi pwedeng ipagamit ng tatay at nanay sa kanyang illegitimate child ang apelyido ng kanyang tatay at pwedeng ipa-correct o ipatanggal sa korte ang apelyido ng tatay dahil walang pagsunod sa R.A. 9255. As a general rule, lahat ng mali o substantial error na entry sa birth certificate ay dapat i-correct sa pamamagitan ng petition for correction entry sa Regional Trial Court na sumasakop sa Local Civil Registry kung saan nakarehistro ang birth certificate ayon sa Article 412 ng Civil Code na nagsasabi “No entry in a civil register shall be charged or corrected, without a judicial order.” Ang procedure para sa pagko-correct ng mali o error na entry sa birth certificate ay nasa Rule 108 ng Rules of Court. Dahil walang pagsunod sa R.A. 9255, pwede itong i-consider na substantial error na pwedeng icorrect sa korte.

Ngunit, kung meron naman na nasubmit sa Local Civil Registrar na ganitong dokumento, na pinapayagan niya na ipagamit sa kanyang illegitimate child ang kanyang apelyido at pumayag ang nanay, hindi na ito pwede baguhin ng nanay at hindi na pwedeng ibalik pa ito sa apelyido ng nanay dahil ang pagpapagamit ng apelyido ng tatay sa isang illegitimate child ay makakabuti sa estado ng bata.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa proseso ng R.A. 9255 at kailangan na mga dokumento nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply