Sponsored Links
Advertisement

Pwede Bang Magpalate Registration Ng Birth Certificate Para Macorrect ang Maling Entry?


“PWEDE KA BANG MAGPA LATE REGISTRATION NG IKALAWANG BIRTH CERTIFICATE PARA MACORRECT ANG ERROR SA UNANG BIRTH CERTIFICATE? ITO BA ANG TAMANG REMEDYO SA BATAS?”

ANG MGA SUBSTANTIAL ERROR SA BIRTH CERTIFICATE KATULAD NG FIRST NAME (EXAMPLE: “JOSE” TO “GEORGE”), SURNAME (EXAMPLE: FATHER’S SURNAME INSTEAD OF MOTHER’S MAIDEN NAME IF NOT MARRIED), NATIONALITY, NAME OF FATHER OR MOTHER, DATE/PLACE OF MARRIAGE, YEAR OF BIRTH AT IBA PA AY KAILANGAN DUMAAN SA PETITION FOR CORRECTION SA KORTE UNDER RULE 108 NG RULES OF COURT.

May nagtanong sa E-Lawyers Online na kung may mali o error sa entry sa birth certificate ng tao ay pwede ba siyang magpa late registration na lang ng ikalawang birth certificate at doon niya icorrect ang mali sa unang birth certificate niya. Ganito ang question ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Attorney, ang magulang ko po ay hindi kasal at nakalagay sa unang birth certificate na ang surname ko ay father’s surname pero dapat po ay mother’s maiden name dahil illegitimate po ako. Since kailangan ko po na ang apelyido ko ay sa mother ko para mapetisyon niya ako sa abroad, nagpa late register ako uli ng panibagong birth certificate sa NSO na correct na ang surname ko. Kaso hindi na ako pinayagan ng NSO na makakuha ng ikalawang birth certificate. Ano po ba maganda gawin?

Ayon sa Civil Registration Law ang “a report of a vital event made beyond the reglamentary period is considered delayed.”The birth of a child shall be registered within thirty (30) days from the time of birth in the Office of the Civil Registrar of the city/ municipality where the birth occurred. Report made beyond this period is considered late.” ito ang tinatawag na “late registration”.

Pwede ka bang magpa-late registration para macorrect mo sa ikalawang birth certificate ang maling entry sa unang birth certificate? Hindi po.

Ang isang tao ay allowed lang na magkaroon ng isang birth certificate na nakarecord sa NSO. Kung anong birth certificate ang unang nakarehistro, ito ang dapat na gamitin. Kung may error sa unang birth certificate, ito ay pwede lamang na icorrect sa pamamagitan ng administrative or court order. Hindi tamang remedyo ang magpalate register ng ikalawang birth certificate. As a general rule, lahat ng mali o error na entry sa birth certificate ay dapat i-correct sa pamamagitan ng petition for correction entry sa Regional Trial Court na sumasakop sa Local Civil Registry kung saan nakarehistro ang birth certificate ayon sa Article 412 ng Civil Code na nagsasabi “No entry in a civil register shall be charged or corrected, without a judicial order.” Ang procedure para sa pagko-correct ng mali o error na entry sa birth certificate ay nasa Rule 108 ng Rules of Court.

By way of an exception, ang typhographical error o clerical error sa name or surname na nakalagay sa birth certificate ay pwede nang i-correct ng summary procedure sa Local Civil Registry at hindi na kailangan mag-file pa ng petition sa korte under R.A. 9048. Meron tayo bagong batas na Republic Act No. 9084 at 10172 tungkol dito ngunit hindi lahat ng mali o error sa entry sa birth certificate ay pwede nang ipa-correct sa Local Civil Registrar. Kailangan muna alamin kung anong klaseng mali o error ang nasa birth certificate upang malamang kung ano ang tamang proseso para sa pag-correct nito dahil meron tayo dalawang proseso (1) Administrative Summary Correction sa Local Civil Registrar; at (2) Judicial Correction of Entry sa Regional Trial Court.

Ganun din, under Republic Act No. 10172, ang error o mali sa gender o kasarian (Example: Ang “Male” ay naging “Female” sa birth certificate at ang “Female” ay naging “Male”) at ang error sa birthday (covered lang nito ang Day at Month na error) sa birth certificate ay pwede nang ayusin at i-correct sa Local Civil Registrar na hindi dadaan ng korte ayon sa Section 5 ng Republic Act 10172. Sa proseso ng Administrative Summary Correction sa Local Civil Registrar, ang pagcorrect ay madali dahil ito ay magfile lamang ng petition, magsubmit lamang ng documents na required at ipa-publish ito ay pwede nang mag-issue ng correction ang local civil registrar.

Kung ang ang error ay hindi typhographical error o clerical error sa name or surname, o clear error sa gender/kasarian o birthday or birth month, at ang error ay substantial katulad ng error sa name o surname, name of father and mother, year of birth, place of birth, date and place of marriage, nationality of the child or father or mother at iba pa, ang mga ito ay hindi pwedeng ipa-correct sa local civil registrar at kailangan na dumaan sa proseso ng correction of entry sa korte. Sa prosesong ito, kailangan ng applicant/petitioner na magfile ng petition sa korte, ipa-publish ang petition sa newspaper at patunayan ng evidence sa korte na mali ang entry at kailangan itama at saka lamang magdesisyon ang korte na i-correct ang entry.

All other errors na hindi nabanggit sa R.A. 9048 at R.A. 10172 ay considered na substantial errors na pwede lamang macorrect by filing a petition sa Regional Trial Court. Ang paglate registration ng ikalawang birth certificate para lamang macorrect ang error sa unang birth certificate ay hindi allowed ng batas at hindi tamang remedyo sa nasabing problema. Upon discovery ng NSO ng second birth certificate, ito ay kaagad na ibla-block at hindi na makakakuha ng copy nito. Kung nagpalate registration with full knowledge na meron na talagang unang birth certificate, ito ay isang krimen na tinatawag na falsification of public document na may parusang kulong.

Kung gusto nyo magtanong ukol sa dalawang proseso (1) Administrative Summary Correction sa Local Civil Registrar; at (2) Judicial Correction of Entry sa Regional Trial Court, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.


Leave a Reply