Sponsored Links
Advertisement

Pwede Bang Mangialam Ang Tiyahin Sa Paghahati Ng Mana?


“ATTORNEY, PWEDE BA MAKIALAM ANG MGA TIYAHIN KO SA PAGHAHATI NAMIN NG PROPERTIES NA NAIWAN NG MAGULANG NAMIN?”

ANG MAY KARAPATAN NA MAGHATI AT MAG-AYOS NG PROPERTIES NA NAIWAN NG ISANG NAMATAY AY ANG KANYANG MGA NAIWAN NA ANAK AT ASAWA, O KUNG WALA SILA AY ANG NAIWANG MAGULANG BILANG MGA COMPULSORY HEIRS. BILANG MGA COMPULSORY HEIRS, SILA ANG TINATALAGA NG BATAS NA DIREKTANG MAGMAMANA SA MGA PROPERTIES NA NAIWAN NG NAMATAY AT PROTEKTADO ANG KANILANG PARTE, MAY LAST WILL AND TESTAMENT O WALA NA NAIWAN ANG NAMATAY.

Karaniwan namin na-encounter na humihingi ng payo ay ang pakikialam ng mga tiyo at tiya (kapatid ng magulang) sa paghahati ng mga ari-arian na naiwan ng kanilang magulang.Marami ang nagtatanong sa E-Lawyers Online kung ang tiyo at tiya nila ay tagapagmana sa ari-arian ng kanilang magulang o hindi at kung ano ang kanilang gagawin upang labanan ang ganitong gawain ng mga tiyo at tiya nila. Ganito ang question ng reader:

“Attorney, namatay na po ang tatay namin at may naiwan na 4 na lupa na sakahan at 1 residential. Sabi po ng kapatid niya na hatiin na daw namin ang 4 na sakahan para makuha niya ang parte niya bilang tagapagmana ng tatay namin dahil kapatid siya. May mana po ba na matatanggap ang mga tiyo at tiya namin at kahati po ba namin sila?”

Ang New Civil Code of the Philippines ay ang kinapapalooban ng mga batas sa pagmamana o “Law on Succession” at sa batas na ito ay ang “order of Succession” o ang pagkakasunod sunod ng mga magmamana sa ari-arian ng isang namatay. Ang unang may priority sa mana ng properties ng isang namatay ay ang kaniyang “Compulsory Heirs”.

A person’s compulsory heirs are the following: 1) legitimate children and descendants, with respect to their legitimate parents and ascendants; 2) in default of the foregoing, legitimate parents and ascendants, with respect to their legitimate children and descendants; 3) the widow or widower; and 4) acknowledged illegitimate children (Article 886, Civil Code of the Philippines).

Bilang isang compulsory heir, sila ang may pangunahing karapatan na magmana at hindi ito pwedeng tanggalin o bawasan dahil ito ay protektado ng batas. Ngunit bilang compulsory heir, meron pa rin na sinunod na order of succession o pagkakasunod-sunod ng pagmamana. Ayon sa Article 979 ng New Civil Code (Law on Succession), kung walang last will and testament ang isang taong namatay, ang batas ng pagmamana na susundin ay ang nasa New Civil Code at ang unang may karapatan mag-mana sa ari-arian ng namatay ay ang kanyang mga anak at asawa (direct descending line). Kung walang mga anak at asawa, saka lang binibigyan ng batas ng karapatan na magmana ang mga magulang ng namatay (direct ascending line) ayon sa Article 985. Kung walang anak, asawa o magulang ang namatay na tao, saka lamang pwedeng magmana ang mga kapatid ng mga namatay (tiyo at tiya) at mga pamangkin (collateral relatives). Kung walang kamag-anak ang namatay, ang ari-arian niya ay mapupunta sa State o sa Republic of the Philippines bilang kahulihang tagapagmana.

Ang nasabing order of succession ay may prinsipyo na sinusunod na “”NEARER RELATIVE EXCLUDE THE FARTHER RELATIVE” O ANG BATAS NA ANG KAMAG-ANAK NA MALAPIT SA DUGO ANG UNANG MAY KARAPATAN NA MAG-MANA AT HINDI ANG MALAYONG KAMAG-ANAK SA DUGO”. Kung kaya ang taong namatay na may ari-arian ay dapat manahin ng kanyang asawa at anak. Kung wala siyang asawa at anak, saka lamang pwedeng mabigyan ng mana ang kanyang magulang. Kung wala siyang asawa, anak at magulang, saka lamang pwedeng mabigyan ng mana ang kanyang mga kapatid at pamangkin. Ang presence o pagkakaroon ng asawa at anak ay automatic na nageexclude sa mga parents at sibling o kapatid na magmana sa ari-arian ng namatay.

Ang tanong ng reader ay kung pwede bang makialam na i-settle ang hatian ng mana ng kanyang pamangkin? Ang sagot ay hindi dahil hindi siya compulsory heir. Ang compulsory heir lamang ang pwedeng mag settle ng estate ng isang deceased person together with all other compulsory heir.

Kung ang mga magulang, tiyo at tiya ay kinamkam ang ari-arian ng mga namatay at hindi nabigyan ang mga asawa at anak nito, ang mga ito ay pwedeng ipakansela sa korte dahil wala silang karapatan na tanggalan ng karapatan na magmana ang asawa at anak ng namatay. Ang korte lamang ang may karapatan na magdeklara na walang karapatan ang isang tao na magmana at wala nang iba.

Bilang compulsory heir, wala rin pagkakaiba ang kanilang share sa mana except kung ito ay illegitimate child. Walang batas na nagsasabi na ang mga lehitimong kapatid ay magkakaiba ang matatanggap na mana based sa kanilang edad o kasarian. Kung namatay na ang magulang, saka lang nalilipat ang karapatan sa mana at mana na ito ay equally divided sa lahat ng lehitimong anak, regardless ng age, sex at iba pang circumstances dahil ang batas ang nagtatakda nito known as “LEGITIMES”.

Ang LEGITIME ay ang karapatan ng tagapagmana o heir na magmana sa ari-arian ng kanyang magulang na nakareserba ng batas para sa kanya. Hindi ito pwedeng mabago, mabawasan o madagdagan ng sinuman ng hindi naayon sa New Civil Code dahil ito ay fix na ng batas. Pwede lamang itong i-waive ng tagapagmana kung patay na ang magulang niya at kailangan ito ay nakasulat at ang tagapagmana ay nakapirma.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa mana o inheritance at kailangan na dokumento dito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply