Sponsored Links
Advertisement

Pwede Pa Bang Umurong Sa Insurance Na Kinuha Kung Hindi Na Kayang Hulugan?


“ATTY., PWEDE BA KAMI UMURONG SA INSURANCE NA KINUHA NAMIN DAHIL HINDI NAMIN KAYANG HULUGAN ITO?”

ANG ISANG INSURANCE POLICY AY REQUIRED NA MAGBIGAY NA TINATAWAG NA “FREE LOOK” PROVISION KUNG SAAN BINIBIGYAN ANG BUMILI NG 10-30 DAYS NA PERIOD UPANG IKANSELA AT IPAGBIGAY ALAM ANG CANCELLATION AT REQUEST FOR REFUND SA INSURANCE COMPANY. AFTER MAG-EXPIRE ANG FREE LOOK PERIOD, ANG INSURANCE CONTRACT AY ISANG KONTRATA NA HINDI BASTA-BASTA PWEDENG IKANSELA NG CONSUMER. ANG KAWALAN NG KAKAYANAN NA IPAGPATULOY NA HULUGAN ANG MONTHLY INSTALLMENT NG BINILING INSURANCE AY HINDI ISANG VALID LEGAL REASON NA NAGBIBIGAY NG RIGHT TO CANCEL O KARAPATAN NA MAG-BACK OUT SA ISANG KONTRATA DAHIL ANG PARTY NA MAY KARAPATAN DITO AY ANG SUMUSUNOD AT NAGCOMPLY SA KONTRATA. 

Marami ang nasa sitwasyon na nakumbinsi na bumili ng life insurance policy on installment basis ngunit hindi sila sigurado kung maipapagpatuloy ang pagbabayad dito. Karaniwan ng mga nahihirapan na ipagpatuloy ang pagbabayad dito ay humihiling sa insurance company na magback-out sila at iparefund ang lahat ng nabayad nila. Ang usual na tanong sa E-Lawyers Online ay:

“Atty.! kumuha ako ng insurance 2 years ago ngunit kinapos na ako. Pwede ba hindi ko ituloy ang pagbayad sa insurance na kinuha ko at magparefund ng lahat ng binayad ko?”

Ang lahat ng insurance policy na binibili ay nirerequire ng Insurance Commission na magkaroon ng “free look period” o ang period o panahon na binibigay sa isang consumer o bumili ng insurance policy na pag-aralan ang kanyang biniling insurance at ikansela ito at humingi ng refund kung ayw niya itong ituloy. Ang free look period ay usually na binibigay ng mula 10 to 30 araw mula sa pagbili ng insurance policy ng consumer. Pagnag-expire ang free look period na ito, anumang request to cancel o magrefund ay hindi pwedeng ipilit sa insurance company o sa korte. Kung ang isang buyer ng life o health insurance ay hindi nakakabayad sa kanyang monthly installment, siya ay walang karapatan na magdemanda at pilitin ang insurance company na irefund ang kanyang mga nabayad dahil wala siyang right under the law to ask for rescission.

Ang tawag sa batas para makansela ang isang kontrata ay “rescission of contract”. Ayon sa Article 1191 ng New Civil Code: The power to rescind obligations is implied in reciprocal ones, in case one of the obligors should not comply with what is incumbent upon him. The injured party may choose between the fulfillment and the rescission of the obligation, with the payment of damages in either case. He may also seek rescission, even after he has chosen fulfillment, if the latter should become impossible. x x x”

Ibig sabihin nito, ang partido na pwedeng ipakansela ang kanyang kontrata kung ang partido na ito ay sumusunod sa mga terms ng kontrata at ang isang partido ay hindi sumunod sa kanyang obligasyon na nasa kontrata. Kung kaya, ang buyer na hindi nakakabayad ng kanyang installment payment sa insurance company ay hindi pwedeng pilitin ito na ikansela ang kontrata nila, magback-out at iparefund ang kanyang nabayad dahil siya ay hindi sumunod sa usapan na nasa kontrata. Ang buyer na hindi nakakabayad sa installment niya sa insurance company ay hindi matatawag na injured party. Pwede lamang ipakansela ng buyer ng insurance policy kung within the free look period ang pagkansela o ang insurance company ay hindi sumunod sa kontrata. Ngunit kung walang kasalanan ang insurance company, ang buyer ay hindi pwede ipakansela ang kontrata unless na pumayag ang insurance company.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa tamang pagbili ng insurance policy at kailangan na mga dokumento nito o sa tamang proseso ng annulment, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply