Sponsored Links
Advertisement

Sampung Kautusan Sa Pagpapautang


 

“TEN COMMANDMENT SA PAGPAPAUTANG NG PERA SA KAMAG-ANAK O KAIBIGAN!”

ANG PAGPAPAUTANG NG PERA AY HINDI BASTA-BASTA DAHIL ANG UMUTANG AY PWEDENG HINDI MAGBAYAD NA WALANG KINAKATAKUTAN NA KASO DAHIL ANG HINDI PAGBABAYAD NG SIMPLENG UTANG AY WALANG PARUSANG KULONG. ANG PAGPAPAUTANG AY DAPAT NASA TAMANG PANAHON, LUGAR AT DAHILAN AT ANG E-LAWYERS ONLINE AY GUMAWA NG GUIDE PARA MAGING PROTEKTADO ANG NAGPAPAUTANG NG PERA SA KANYANG KAMAG-ANAK O KAYA KAIBIGAN. 

Marami ang nagtatanong sa E-Lawyers Online tungkol sa mga tumakbo at hindi nagbayad ng utang sa kanila. Usually ay mga usapan lang sa Facebook ang utangan ng kanilang mga kamag-anak o kaibigan at lumalabas na marami ang napapahamak dahil sa lubos na tiwala at kawalan ng tamang inpormasyon para protektahan ang kanilang interes sa nasabing transaksyon. Ganito ang question ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“OFW po ang sir Atty at may naipon na pera sa 5 years ko na work. Nagmessage kaibigan ko sa Pinas at nag-ask na pautangin ko siya 100,000 at naconvince nya ako sa chat namin. Pinadala ko pera by money remittance ang pera ng wala kasulatan man lang. Pag-uwi ko po after 1 years ay siningil ko siya pero ayaw na niya ako bayaran. Lesson po sa akin ang nangyari atty, makibigyan naman po ako ng guide para hindi na ito maulit. Tatanawin ko po malaking utang loob ito.”

Dahil sa kahilingan ng nasabing OFW at dahil na rin sa dami ng OFW na naloloko at nauutangan at hindi makasingil dahil sa kawalan ng ebidensiya para masingil sa korte ang utang, ang E-Lawyers Online ay gumawa ng isang sampung guide para sundin ng sinuman sa pagpapautang sa kaniyang kaibigan o kamag-anak. Ang guide na ito ay para sa mga simpleng utangan ng pera na nangyayari sa ating community. In case of doubt, mas maganda na sumangguni sa abogado. Ito ang “sampung utos ng tamang pagpapautang sa kamag-anak o kaibigan.”

1. Thou shall lend money for the needy and not for his/her luxury. 

Hindi masama ang magpautang ngunit kailangan na ito ay nasa tamang panahon, dahilan, kakayahan at lugar. Ang pagpapautang ay isang pagtulong kung ang pinauutang ay kailangan na kailangan ang pera dahil sa emergency na need katulad ng pampa-ospital, trabaho, negosyo at iba pa na may malaking apekto sa tao kung hindi agad malulunasan. Ngunit kung ang pagpapautang ay para sa luho o bisyo ng tao, ito ay isang pagkunsinti na hindi nakakatulong sa nasabing tao. Bagkus, ito ay nakakasama dahil ang pagpapautang para sa luho o bisyo ay mas lalong magpapahamak sa nasabing tao.

2. Thou shall not impose high interest rate for it will be later on reduced by the court.

Una, ang malaking tubo ay hindi makatao at dapat iwasan. Ikalawa, ang interest rate o tubo sa utang ay pwedeng pabawasan sa korte kung ito ay unconscionable o shocking to the ordinary conscience of man, depende sa circumstances ng pagkuha ng utang. Sabi ng Supreme Court “The imposition of an unconscionable rate of interest on a money debt, even if knowingly and voluntarily assumed, is immoral and unjust. It is tantamount to a repugnant spoliation and an iniquitous deprivation of property, repulsive to the common sense of man. It has no support in law, in principles of justice, or in the human conscience nor is there any reason whatsoever which may justify such imposition as righteous and as one that may be sustained within the sphere of public or private morals.” [Sps. Castro vs. tan, G.R. No. 168940, November 24, 2009]

3. Thou shall not lend to a person who does not haggle or negotiate for a lower interest rate or a longer period of payment.

Based sa experience, ang tao na umuutang na tumatawad sa tubo o kaya sa terms of payment ay may malaking probability na magbabayad dahil alam niya ang kakayahan niya na magbayad at kung saan at kailan ito magiging available. Usually, ang tao na umutang na kahit gaano kataas ang sabihin na tubo ang usually na pumapalya dahil hindi nila pinagiisipan kung paano babayaran o walang balak na bayaran ang utang. Naranasan mo rin ba ito kung saan ang umutang ay oo ng oo sa tubo at kundisyon pero kalaunan ay hindi rin nagbagayad?

4. Thou shall require the borrower to sign a promissory note with the rate of interest and date of payment.

Although pwedeng singilin ang pautang based sa oral or verbal contract, mas magandang may kasulatan ang naganap na utangan para malinaw ang terms and condition nito at walang duda sa parehong partidos. Ganun din, ang tubo o interest sa utang ay hindi masisingil kung wala ito sa kasulatan o hindi nakalagay sa agreement. Ang Article 1956 of the New Civil Code ay nagsasaad na “hindi pwedeng sumingil ng tubo o interest sa perang pinautang kung ito ay hindi napagkasunduan sa isang kasulatan” (No interest shall be due unless it has been expressly stipulated in writing). Ayon sa bagong kaso ng Supreme Court Dario na Nacar v. Gallery Frames and/or Felipe Bordey, Jr., G.R. No. 189871, August 13, 2013, ang tubo sa isang utang na walang kasulatan ay 6% per annum lamang ang interest rate.

5. Thou shall ask the borrower to acknowledged receipt of the money he/she borrowed in writing.

Karaniwan na problema ng nagpapautang ay wala sila ebidensiya na talagang natanggap ang perang pinautang ng taong umutang. Upang maiwasan ito, isang simpleng acknowledgment receipt na may pirma ng taong umutang ay sapat na. Ang money remittance slip kung saan ebidensiya na pinadala mo sa pangalan niya tapos ilagay mo na “loan” ay sapat na rin. Kahit ang simpleng email message, text message or chat message na “Natanggap ko na ang inutang ko na pera” ay pwede rin. Kung meron ka nito, i-deny man niya na natanggap niya ay pwede mo siya pakulong sa krimen na estafa under Article 351 Par. 1 (b) ng Revised Penal Code.

6. Thou shall not throw documents or delete or erase chat or email history evidencing your transaction.

Kagaya ng nabanggit sa huli, ang mga dokumento like promissory notes, receipts, money remittance slips, chats, text messagess at email messages ay mga ebidensiya na makakatulong para patunayan na may utang ang isang tao sa inyo. Ito ang magliligtas sa iyo para hindi lumipad ang perang pinautang at maglahong parang bula. Ang mga ebidensiya na ito ang magpre-pressure sa umutang na magdalawang isip na tumkabo dahil kumpleto ka ng ebidensiya.

7. Thou shall ask the borrower to have a co-maker or guarantor and ask him/her to sign the promissory note.

Sapat ba na kaharap mo ang guarantor sa abutan ng perang inutang? Hindi. Maliwanag sa Article 1403, paragraph (2), sub-paragraph (b), of the New Civil Code ang pangakong sumagot sa pagbabayad ng utang, o hindi pagtupad o pagkakasala ng ibang tao ay kailangan na nakasulat sa isang kontrata at pirmado ng taong nangako na maging guarantor. Kung ang transaksyon ay walang kasulatan, hindi ito pwedeng ipatupad sa korte at hindi pwede magdemanda ang mga partidos dito. Kung kaya ang isang taong naging guarantor ng utang ng isang tao ay walang pinirmahan na kontrata ng guaranty, hindi siya pwedeng singilin sa utang kung hindi nagbayad ang umutang.

8. Thou shall lend only your extra money and require borrower to post security such as check or property, if any.

May busilak na puso ang sinumang tao na pinapautang ang perang kanyang pinagpaguran na dapat ay gagamitin sa sarili o sa pamilya bagkus ay pinauutang sa iba para makatulong. Ngunit ang ganitong gawain ay hindi praktikal dahil mas lalo itong magdadagdag ng problema at magbubunga ng conflict sa dalawa. Dapat ay extra money lamang ay ipautang o kung ano ang bukal at nararapat na halaga. Upang maging secured sa pagpapautang, mas makakabuting humingi ng prendang tseke o kaya lupa o kotse at ilagay ito sa promissory note. Mas mainam na hawakan ang titulo o kaya LTO document ng kotse para maiwasan na ito ay mabenta ng umtang.

9. Thou shall make written demand to borrower in case of his/her failure to pay on time and keep such document.

Nasa batas ng Pilipinas na ang anumang sibil na obligasyon ay masasabing hindi natupad o nabayaran pagkatapos siyang makatanggap ng “demand” o paghahabol o paghiling ng pagpapatupad. Ito ang tinatawag na “No demand, No delay rule” na nasa Article 1169 ng New Civil Code. Ang hindi pagsunod sa “No demand, No delay rule” na nasa Article 1169 ng New Civil Code at pagsasampa ng kaso sa korte kaagad ay pwedeng maging dahilan ng pagkakadismiss nito. Ito ang nangyari sa isang kaso na nadesisyonan ng Supreme Court sa General Milling Corp. vs. Sps. Librado, Ramos, [G.R. No. 193723, July 20, 2011] kung saan sinabi ng korte na premature o masyadong maagap ang pagsasampa ng foreclosure at pagsingil sa loan dahil walang napresentang evidence na nag-demand muna ang creditor sa debtor.

10. Thou shall file court claim within the prescribed period lest you forfeit your right to go to court.

Isa sa mga pinagmumulan ng pagsasampa ng kaso ay ang pagutang ng pera. Kalimitan ay tumatagal ang pagbabayad o paniningil at marami ang hindi nakakaalam na ito ay may palugit ang batas na dapat sundin. Ayon sa Article 1144 ng New Civil Code, kung ang utangan ay may kasulatan, ito ay pwedeng isampa ng hindi hihigit sa sampung taon mula ng ito ay inutang. Kung ang utangan naman ay walang kasulatan, ito ay pwedeng isampa sa korte ng hindi hihigit na anim na taon mula ng inutang ang pera ayon sa 1145 ng New Civil Code.

Ang nasabing guide sa pagpapautang ay based sa batas at sa mga experience na naranasan at pwede pang madagdagan. Ang mahalaga ay dapat may concern tayo sa pagpapautang dahil ang pera ay hindi pinupulot lamang, ito ay pinapapaguran. Bagamat mahirap sundan ang mag nasabing guide, kung ang umuutang ay bukas loob talaga na magbabayad, ang mga nasabing requirement ay hindi dapat isipin na walang tiwala ang nagpapautang sa umuutang. Ito ay senyales na ang gagawing transaksyon ay ginagagawang malinaw para panatilihin ang tiwala ng bawat isa sa isat-isa. Ang pagpapautang at mga epekto nito ay marami nang nasirang pagkakaibigan o relasyon dahil hindi malinaw ang mga kundisyon nito. Kung malinaw ang kundisyon na nakasulat, walang mangyayaring pagtatalo dahil malinaw na nakasulat ito. Kung sakaling may hindi nasulat dito, saka lamang gagamitin ang pagiging magkamag-anak o magkaibigan para maayos ang hindi pagkakaunawan. Ito ang dapat na maayos na utangan.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa problema sa utang, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

Kung gusto niyo naman ng video-chat consultation, magregister sa www.lexmeet.com.

All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.


Leave a Reply