Sponsored Links
Advertisement

Sapat Na Bang Ebidensya Na May Anak Si Mister Sa Ibang Babae Para Makasuhan ng Concubinage?


“SAPAT NA BA PATUNAYAN NA MAY ANAK ANG MISTER SA IBANG BABAE O MAY HAWAK NG BIRTH CERTIFICATE NG BATA PARA MAKASUHAN SIYA NG CRIMINAL CASE NA CONCUBINAGE?”

“ANG PAGKAKAROON BA NG ANAK SA IBANG BABAE NG ISANG LALAKING KASAL AY MATATAWAG NANG CONCUBINAGE?”

ANG CONCUBINAGE O PAGKAKAROON NG SEKSWAL NA RELASYON NG ISANG KASAL NA LALAKI SA BABAE NA HINDI NIYA ASAWA AT PAGBABAHAY DITO AY ISANG KRIMEN NA MAY PARUSANG KULONG. ANG PAGKAKAROON NG ANAK NG ISANG KASAL NA LALAKI SA IBANG BABAE O BIRTH CERTIFICATE NG ANAK SA IBANG BABAE HABANG KASAL SIYA AY HINDI MAGAGAMIT NA EVIDENCE SA KASONG CONCUBINAGE DAHIL ANG PINAPARUSAHAN DITO AY ANG PAGBABAHAY NG KABIT O PAGKAKAROON NG SEXUAL RELATIONSHIP UNDER SCANDALOUS CIRCUMSTANCES. 

ANG BIRTH CERTIFICATE NG ISANG BATA AY CONFIDENTIAL AT HINDI PWEDE BASTANG KUNIN NG WALANG UTOS NG KORTE NGUNIT KUNG ITO AY NAKUHA NG ISANG PRIBADONG TAO, ITO AY PWEDENG TANGGAPIN NG KORTE BILANG EBIDENSIYA.

Marami ang nagtatanong sa E-Lawyers Online kung ang birth certificate ng bata na anak ng mister niya sa kanyang kabit ay malinaw na ebidensiya ng concubinage at pwede na ipakulong ang misterniya. Ganito ang question ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Atty., alam ko na po kung saan nakarehistro ang anak sa kabit ng mister ko. Pwede po ba ako kumuha ng copy? Kung makuha ko po, sapat na po ba yon bilang evidence ko para makasuhan ko siya ng criminal case na concubinage? Magagamit niya ba ito sa korte laban sa akin?”

Ayon sa Article 334 ng Revised Penal Code – Concubinage. – Any husband who shall keep a mistress in the conjugal dwelling, or shall have sexual intercourse, under scandalous circumstances, with a woman who is not his wife, or shall cohabit with her in any other place, shall be punished by prision correccional in its minimum and medium periods. The concubine shall suffer the penalty of destierro.

Ang concubinage o pakikiapid ng isang kasal na lalaki sa ibang babae ay isang krimen kung saan ang pinaparusahan ay ang kanyang pagbabahay sa kabit sa mismong bahay ng mag-asawa, o pagkakaroon ng eskandalosong sekswal na relasyon sa kabit o pagbabahay sa ibang lugar kung saan sila ay nagpapakilala na legal husband and wife. Ang mahalagang evidence ng concubinage ay ang picture o video kung saan makikita na ang lalaki at ang kanyang kabit ay magkasama sa isang bahay at mga witnessess na magtetestify tungkol sa kanilang pagsasama. Ang parusa ng lalaki ay prision correcional o pagkakakulong ng 6 months and 1 day to 6 years ngunit ang parusa sa kabit ay destierro o pagpapapaalis o pagbabawal sa kanya na pumunta sa municipality kung saan nandoon ang pamilya ng lalaki o babaeng asawa. Samakatuwid, ang kabit ay hindi makukulong.

Ang pagkakaroon ng anak sa ibang babae ay hindi nangangahulugan ng kasong concubinage. Kung kaya ang pagkakaroon ng anak sa ibang babae ay hindi agad matatawag na concubinage dahil hindi ang pagkakaroon ng anak sa kabit pinaparusahan ng batas kundi ang pagbabahay ng kabit. Ayon sa Revised Penal Code, ang mga elements of crime of concubinage na dapat patunayan sa korte ay ang mga sumusunod:

  1. That the man must be married o siya ay kasal.
  2. That he committed any of the following acts:
    1. Keeping a mistress in the conjugal dwelling po pagbabahay ng kabit sa bahay nilang mag-asawa.
    2. Having sexual intercourse under scandalous circumstances with a woman who is not his wife o pagkakaroon ng pakikipagtalik kung saan ito ay eskandaloso.
    3. Cohabiting with her in any other place p pagbabahay ng kabit sa ibang lugar.
  3. That as regards the woman she must know him to be married o may alam ang kabit na ang lalaki ay kasal sa ibang tao.

Ang concubinage ay hindi ground sa annulment dahil hindi ito nakalagay sa Family Code bilang ground. Ang adultery at concubinage ay private crimes na ibig sabihin na hindi ito maiisampa sa korte kung wala ang kooperasyon ng asawang biktima.

Pwede bang kumuha ng birth certificate ng bata ang misis at gamitin ito sa korte bilang evidence ng concubinage?

Sa Supreme Court case na Tolentino vs. Mendoza [A.C. No. 5151.  October 19, 2004], sinabi dito na pwedeng gamitin ang birth certificate na evidence kahit ito ay confidential in nature:

Rule 24, Administrative Order No. 1, series of 1993, which provides as follows:

Rule 24.  Non-Disclosure of Birth Records. –

(1)  The records of a person’s birth shall be kept strictly confidential and no information relating thereto shall be issued except on the request of any of the following:

a. the concerned person himself, or any person authorized by him;

b. the court or proper public official whenever absolutely necessary in administrative, judicial or other official proceedings to determine the identity of the child’s parents or other circumstances surrounding his birth; and

c. in case of the person’s death, the nearest of kin.

(2)  Any person violating the prohibition shall suffer the penalty of imprisonment of at least two months or a fine in an amount not exceeding five hundred pesos, or both in the discretion of the court. (Article 7, P.D. 603)

Section 3, Rule 128 of the Revised Rules on Evidence provides that “evidence is admissible when it is relevant to the issue and is not excluded by the law or these rules.”  There could be no dispute that the subject birth certificates are relevant to the issue.  The only question, therefore, is whether the law or the rules provide for the inadmissibility of said birth certificates allegedly for having been obtained in violation of Rule 24, Administrative Order No. 1, series of 1993.

Note that Rule 24, Administrative Order No. 1, series of 1993 only provides for sanctions against persons violating the rule on confidentiality of birth records, but nowhere does it state that procurement of birth records in violation of said rule would render said records inadmissible in evidence.  On the other hand, the Revised Rules of Evidence only provides for the exclusion of evidence if it is obtained as a result of illegal searches and seizures.  It should be emphasized, however, that said rule against unreasonable searches and seizures is meant only to protect a person from interference by the government or the state.In People vs. Hipol, we explained that:

The Constitutional proscription enshrined in the Bill of Rights does not concern itself with the relation between a private individual and another individual. It governs the relationship between the individual and the State and its agents. The Bill of Rights only tempers governmental power and protects the individual against any aggression and unwarranted interference by any department of government and its agencies.  Accordingly, it cannot be extended to the acts complained of in this case. The alleged “warrantless search” made by Roque, a co-employee of appellant at the treasurer’s office, can hardly fall within the ambit of the constitutional proscription on unwarranted searches and seizures.

Consequently, in this case where complainants, as private individuals, obtained the subject birth records as evidence against respondent, the protection against unreasonable searches and seizures does not apply.”

Ano ang silbi ng birth certificate ng anak sa kabit para sa kasong kriminal na concubinage?

Ito ay hindi sapat na evidence ng concubinage dahil ang birth certificate ng anak sa kabit ay isa lamang supporting evidence na nagkaroon ng sexual relationship ang mister at ang kabit. Ang dapat patunayan sa concubinage ay ang pagbabahay sa kabit sa bahay ng mag-asawa o sa ibang lugar o eskandalosong relasyong sekswal. Kung ito ay mapapatunayan na bunga ng one-night stand lamang, hindi magagamit ang birth certificate para kasuhan ang mister ng concubinage.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa adultery o annulment ng marriage at kailangan na dokumento dito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply