Sponsored Links
Advertisement

Tanggap Ba Sa Korte Ang DNA Testing Para Ipawalang Bisa Ang Pagiging Ama ng Bata?


“TANGGAP BA SA KORTE ANG DNA TEST PARA IPAWALANG BISA ANG PAGIGING AMA NG BATA?” 

ANG PAGIGING AMA NG ISANG BATA AY PWEDENG IPAWALANG BISA SA ISANG PROSESO NA PATERNITY CASE KUNG SAAN PINAPATUNAYAN SA KORTE NA WALA SIYANG LEGAL AT BIOLOGICAL NA RELASYON SA ISANG BATA.

ANG DNA TESTING AY ISA NANG PARAAN UPANG PATUNAYAN SA KORTE ANG PAGIGING ANAK AT KUNG SINO ANG KANYANG AMA O TATAY KAHIT ANG SINASABING AMA O TATAY AY PATAY NA.

Marami ang nagtatanong kung ano ba ang mga grounds para ipawalang bisa ang pagiging ama ng isang anak. Sapat na nga ba na ebidensiya ang pirma ng tatay sa birth certificate ng bata upang patunayan na siya talaga ang ama ng bata? Ganito ang problem ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Attorney, meron po ako suspetsa na ang bata na pinagbubuntis ng misis ko ay hindi sa akin. Kaso po ay baka papirmahin ako sa birth certificate ng bata paglabas. Hindi ko na po ba macontest ito later on sa korte?”

Ang pagiging ama o tatay sa isang bata ay pwedeng ipawalang bisa sa korte sa prosesong tinatawag na “paternity case” o “paternity suit” sa mga sumusunod na grounds:

1) Ito ay physically impossible sa ama o tatay na makipagtalik o to have sexual intercourse sa kanyang asawa within the first 120 days of the 300 days which immediately na sinundan ng pagkaanak ng bata dahil sa:

(a) physical incapacity of the husband to have sexual intercourse with his wife like impotent o hindi tinatayuan;

(b) husband and wife were living separately in such a way that sexual intercourse was not possible like those living abroad; or

(c) serious illness of the husband, which absolutely prevented sexual intercourse like those in the ICU, etc.;

(2) Proven for biological or other scientific reasons, ang bata ay hindi talaga sa ama o tatay like DNA, etc.; or

(3) That in case of children na ginawa through artificial insemination, ang written authorization or ratification of either parent was obtained through mistake, fraud, violence, intimidation, or undue influence.

Sa isang kaso na dinesisyon ng Korte Suprema, sinabi dito na ang DNA testing ay isang maasahan at otoridad na paraan na makakalap ng ebidensiya upang patunayan ang relasyon ng sinasabing anak sa kanyang sinasabing ama. Sinabi ng Korte Suprema na kahit patay na ang isang tao ay pwede pa rin siyang kunan ng biological sample upang gawin ang DNA testing at malaman kung talagang meron silang relasyon sa dugo.

In the case of “Estate Of Rogelio G. Ong versus Minor Joanne Rodjin Diaz, Represented by Her Mother and Guardian, Jinky C. Diaz”, G.R. No. 171713, December 17, 2007, isang bata ang nagclaim na siya ay anak ng isang lalaki na dating karelasyon ng kanyang nanay. Nanalo siya sa mababang korte ngunit ito ay inapela ng nasabing lalaki na sinasabing tatay ng bata at habang nakaapela ay namatay ang lalaki. Tinanggihan ng Korte Suprema ang mosyon ng pamilya ng lalaki at hindi pinigilan ang DNA testing dahil sinabi dito na kahit patay na ang isang tao ay pwede pa rin itong magkaroon ng DNA testing galing sa kanyang biological sample tulad ng buhok, tissue, body fluids at dugo kung saan magagamit sa comparison at upang malaman kung meron silang relasyon ng bata.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa pagsasampa ng kaso upang patunayan ang paternity or filiation o sa pagclaim ng mana ng mga bata at kailangan na dokumento dito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply