Sponsored Links
Advertisement

Ang Suporta Ba Sa Asawa at Anak Ay Napuputol Kung Napawalang Bisa Na Ang Kasal?


“ANG SUPORTA BA SA ASAWA AT ANAK AY NAPUPUTOL KUNG NAPAWALANG BISA ANG KASAL NG MAG-ASAWA?” 

ANG MAG-ASAWA AY MAY OBLIGASYON NA SUPORTAHAN ANG ISAT-ISA HABANG KASAL SILA O HABANG HINDI PA ANNULLED O WALANG BISA ANG KASAL NILA AT ANG OBLIGASYON NA SUPORTAHAN ANG ISAT-ISA AY NAWAWALA LAMANG KUNG MERON NANG FINAL DECISION ANG KORTE SA ANNULMENT OF MARRIAGE/DECLARATION OF NULLITY OF MARRIAGE NGUNIT PWEDENG MAG-ORDER ANG KORTE NA SUPORTAHAN NG GUILTY PARTY ANG INNOCENT PARTY SA LEGAL SEPARATION. ANG SUPORTA SA ANAK AY MAGPAPATULOY KAHIT ANNULLED O WALA NANG BISA ANG KASAL NG MAG-ASAWA UNLESS ORDERED BY THE COURT.

May nagtatanong sa E-Lawyers Online kung ang obligasyon ng suporta ay sa anak lamang? Meron ding nagtatanong na kung naghiwalay na ang mag-asawa ay may karapatan pa rin ba ang asawa na suportahan ang isat-isa? Hanggang saan ba kailangan suportahan ng mag-asawa ang isat-isa? Ang mga tanong na ito ang usual na gumugulo sa isipan ng ating mga kaibigan dahil ito ang karaniwang nangyayari ngayon. Ganito ang question ng isang reader:

“Attorney, magandang hapon po. Matagal na po ako hiwalay sa asawa at may 2 anak. Nabalitaan ko po na balak magsampa ng annulment of marriage ang aking asawa. Kaunti lamang po ang suporta niya sa amin at baka po mawala pa kung maging successful po ang sinampang annulment niya. Ano po ba ang epekto pag na aprobahan ng korte ang annulment of marriage na sinampa ng mister kaugnay po sa suporta sa amin?”

Bilang kasagutan, ang Art. 68 ng Family Code ay nagsasabi na “the husband and wife are obliged to live together, observe mutual love, respect and fidelity, and render MUTUAL HELP AND SUPPORT. Ibig sabihin, ang mag-asawa ay may obligation na magbigay ng suporta sa isat-isa. Ang batas na ito ay sinundan ng Article 105 kung saan sinabi na “subject to the provisions of the succeeding articles, the following are obliged to support each other to the whole extent set forth in the preceding article: (1) The spouses;”.

Kung naghiwalay naman ang mag-asawa, nasa Article 100 ng Family Code na ang separation de facto o paghihiwalay ng mag-asawa at hindi na nagsasama sa iisang bubong pero walang legal separation o annulment galing sa korte ay hindi naapektuhan ang kanilang relasyon ngunit ang asawa na umalis sa bahay o ayaw tumira dito ng walang sapat na dahilan o rason ay walang karapatan sa support. Kung napilitan ang asawang babae na umalis ng bahay nila dahil sa pananakit ni mister o pambababae nito, meron siya sapat na dahilan at meron pa rin siyang karapatan pa rin na humingi ng suporta sa asawa. Kung kaya, kung ang mister ay umalis ng bahay upang manirahan sa kanyang mistress, wala siyang karapatan na suportahan ni misis.

Ayon naman sa Article 198 ng Family Code, kung nagsampa sa korte ng legal separation or for annulment of marriage, and for declaration of nullity of marriage, ang mag-asawa at mga anak ay kukuha ng support sa kanilang conjugal properties or the conjugal partnership, at kung wala ay sa separate properties ng mag-asawa. Pagkatapos ng final judgment granting the petition o desisyon na nagpapawalang bisa sa kasal, ang obligation of mutual support sa isat-isa ng mag-asawa ay nawawala. However, in case of legal separation, the court may order that the guilty spouse shall give support to the innocent one, specifying the terms of such order.

Ang pagsuporta sa anak ay mananatili at hindi mawawala kung may final decision ang korte sa annulment of marriage or declaration of nullity of marriage unless meron desisyon ang korte na ang bata ay hindi anak ng mag-asawa.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa suporta o sustento ng magulang o Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Childr, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply