Sponsored Links
Advertisement

Ano Ang Hiling Mo Sa Administrasyon Ngayong 2018?


Bilang OFW tuwing nagbabago ang taon, nagkakaroon din tayo ng expectation o mga munting hiling sa pamahalaan.

Narito ang mga sagot nila:

Rolando Carabeo: Pagtuunan nang gobyerno ang mga OFW na babalik nang Pilipinas na di alam ang magiging kapalaran lalo na ang mga OFW na galing sa Middle East.  (OFW Jeddah)

Lorna Miralpis: Sa tingin dapat magkaroon retirement pay para sa mga ofw na 10 taon pataas na nag work sa ibang bansa dahil batid naman nating lahat na d lahat may ipon pag uwi sa pnas ng sa ganon may pang puhunan sila. (OFW Malaysia)

Vivith Andalahao: OWWA – hinihiling ko na mapadali ang pag imprinta sa OFW I.D. at mapadali ang assistance ng OFW all over the world. (OFW Lebanon)

Ernita Santos: Effective Reintegration program.

Liza Badella: Simple lng po pls help ofw lahat na sana suprise visiting bawat bahay para Makita kung ano angklgayan ng bawat isa ok ba o hinde visiting with interview buwan buwan kaya week lalo dito sa middle East.

Tacs Astacan: Iyong mga clinic ang mahal ng singil sa medical fee, hindi nmn maayos ung check up.. pdos na kung ano ano ung ibenibinta sa mga paalis.training fee na halos 20k para sa hsw.

Bong Jusi: Para sa akin ang isang dapat pagtuunan ng gobyerno para sa mga OFW ay ang maisa ayos ang mga usaping bilateral ng magkabilang bansa saanmang pandarayuhan naroroon ang mga naturan. Sa karanasan ko na lang. Sa tagal ng panahon ng pangangamuhan binabawas ang kontribusyon sa sweldo para sa Insurance at the end of each struggles umuwi ng walang natanggap na benepisyo o long term of service man. Hindi makatarungan na sariling katas ng dugo at pawis ay di makamtan… Panahon na para pagtuunsn ng pansin at aksyunan na iyan

Luchie Michie Taopo: Sana wag ng makialam ang BOC sa balikbayan box naming mga OFW. (OFW Macau)

Nars Lau: Umpisahan natin ang pagbabago sa ating mga sarili, magsikap para umunlad ang kabuhayan at dapat magka isa ang mga taumbayan para sugpuin at labanan ang kurapsyon sa ating gobyerno.

Ric Pilonio: Bilang isang pilipino ang dapat baguhin ay ang pagiging pasaway, kung driver tyo maging displinado s kalsada at sundin ang mga batas s kalsada upang maiwasan ang sakuna, ang pagtatapon ng basura s tamang lalagyan upang maiwasan ang pagbara nito s mga kanal, magmahalan para walang kaguluhan, magbalik loob sa Diyos upang maging mas matatag! Para sa pamahalaan, dapat eh ipatupad ng maayos ang batas, at maging totoo s mga tao at wag maging plastik! Guminhawa nawa ang kabuhayan ng mga pilipino para kaming mga OFW ay makauwi na! Pagpalain NG Diyos ang Pilipinas. Happy new year sa lahat!

Nor Lito: Lalong maging masipag bilang pilipino at magtiwala at laging i share ang dasal para Sa pamahalaan ng Philippians…ambag ko magsikap para hndi maging pabigat Sa bansa .

Shei Lha: Dapat ibalik na ang death penalty,at number one sa listahan ang mga taong gobyerno na magnanakaw sa kaban nang bayan

Nemar Tampac: Bilang tunay na pilipino at ofw ang babaguhin ko sa aking self ay hndi pakinggan ang hndi makakatulong sa akin at magsusumikap ako ng legal. Para naman sa mga kababayan ko dapat wag na natin iasa lahat sa ating gobyerno dahil wala tayong mapala sa kanila dahil kung may maibigay man silang tulong sa atin malamang lalake na naman ang utang ng ating bansa. Para naman sa gobyerno ng pilipinas lalo sa mga pulitiko local man o national dapat gumising na sila sa katutuhanan at wag nilang sarilihin ang biyaya na binigay ni god. At dapat itigil na nila ang pagpapahirap sa mga pilipino at ibigay nila ang dapat ibigay na tulong at serbisyo ayon sa kanilang sinumpaang tungkulin para sa bayan. Dapat gamitin nila sa tama ang mga buwis ng tao lalo na ang mga buwis naming mga ofw’s at wag na nilang gamitin ang mga mahihirap na pilipino para sa kanilang mga propaganda para sa pansariling intensyon bilang pulitiko at may planung tatakbo sa mga matataas na position.

Jun Bondoc: Kahit anong pagsisikap at pagbabago ang gawin mo ay tiyak malayo ang pag asenso kung nandyan pa rin ang mga magnanakaw sa gobyerno, dapat mga magnanakaw sa gobyerno ang tanungin kung ano nga ba ang kanilang new years resolution para sa taon na ito.

Ter Rhe: Bilang OFW dito sa Gitnang Silangan dapat lamang na sumunod tayo sa alituntunin ng bansang ating pinagtatrabahuhan, ang anumang problema ng OFW ay magiging problema rin ng gobyerno natin. Maging tapat at sumunod sa batas ng Saudi Arabia at iwasan ang anumang masamang gawa. Ipagpatuloy nalang sana ng Pnoy government ang tuwid na daan, pagpuksa sa mga corrupt at tiwaling ahensya ng gobyerno at isulong ang batas na magproprotekta sa OFW gaya ng tamang compensation sa mga distress at umuuwing kababayan natin. Bilang OFW ipakita natin ang pagmamahal sa trabaho upang magreflect ito sa atin bilang Filipino at madagdagan pa ang tiwala ng ibang lahi sa atin.


Leave a Reply