Sponsored Links
Advertisement

Ano Ang Internet Piracy?


 

“ATTY., MAY GINAWA AKONG TULA AT NAPOST KO SA FACEBOOK WALL KO. AFTER ONE DAY AY NAKITA KO NA LANG NA NAKAPOST SA ISANG FACEBOOK PAGE AT SINASABI DOON NA GAWA NG ADMIN YON. PWEDE KO BA KASUHAN SIYA?”

ANG WALANG PAHINTULOT NA PAGGAMIT NG PICTURE, VIDEO AT POST NG ISANG TAO NA NASA KANYANG FACEBOOK, INSTAGRAM, TWITTER ACCOUNT O IBA PANG SOCIAL NETWORKING SITES AY ISANG KRIMEN NA KUNG TAWAGIN AY INTERNET PIRACY AT PINAPARUSAHAN NG KULONG UNDER REPUBLIC ACT NO. 8972 OTHERWISE KNOWN AS E-COMMERCE LAW.

Marami na ngayon sa Facebook, Instagram, Twitter at iba pang social networking site ang kumukopya ng mga picture, video at post ng ibang tao at ginagamit ito upang manloko o sirain ang personalidad ng ibang tao. Ang iba naman ay para gamitin sa negosyo. Ganito ang question ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Nagphotoshoot kami atty noong nag-outing kami sa Boracay at ginamit ng kaaway ko ang pictures namin para mang-akit siya ng foreigner sa pagchat. Ano kaso pwede atty.?”

“Atty., ano ikakaso ko sa gumagamit sa Facebook ng mga pictures ko. Naphoto grab at ngayon ginagamit para palabasin na ako nagrecruit sa networking pero hin di naman ako.”

Marami ang hindi nakakaalam na ang ganitong gawain ay isang krimen na pinaparusahan ng kulong na kung tawagin ay “internet piracy.” Ang Republic Act No. 8972 known as E-Commerce Law of 2000 ay nagpaparusa sa dalawang krimen na ginagawa sa internet. Ito ay ang “hacking” at ang isa naman ay “internet piracy”. Ayon sa Section 172.1 and 172.2 ng Republic Act No. 8293 otherwise known as Intellectual Property Code of the Philippines, “literary and artistic works, hereinafter referred to as “works”, are original intellectual creations in the literary and artistic domain protected from the moment of their creation”. “Works are protected by the sole fact of their creation, irrespective of their mode or form of expression, as well as of their content, quality and purpose.” Ibig sabihin nito, mula sa simula ng pagkakagawa ng iyong work katulad ng poem, article, song o anu pa man na literary or artistic work, ito ay protektado na ng batas. Kung kaya ang mga picture, video at post ninyo sa Facebook at iba pang social networking sites na kayo ang gumawa ay considered na sa inyo ito.

Kung may tao na walang pahintulot na gumamit ng iyong picture, video o post, agad mong kunin ang screen shot ng post bilang electronic evidence at kumalap pa ng evidence at witnesses para ma-establish ang identity ng gumawa nito. Nasa Supreme Court Administrative Matter No. 01-7-01-SC.- Re: Rules on Electronic Evidence ay nagsasabi na ang email, screen shot ng isang internet page or private message ay isang electronic evidence at katumbas ng isang documentary evidence. Kung kaya ang screen shot sa Facebook ay isang evidence na pwedeng gamitin sa korte laban sa nagsend nito at ito ay pwedeng ipresenta sa korte sa pamamagitan ng affidavit of evidence at pagpapakita ng nasabing screen shot sa Facebook sa loob ng korte.

Ang parusa sa “internet piracy” ay fine o pagmumulta at kulong ayon sa Section 33 (b) ng Republic Act No. 8972 known as E-Commerce Law of 2000.

(b) Piracy or the unauthorized copying, reproduction,
dissemination, distribution, importation, use, removal,
alteration, substitution, modification, storage, uploading,
downloading, communication, making available to the
public, or broadcasting of protected material, electronic
signature or copyrighted works including legally protected
sound recordings or phonograms or information material
on protected works, through the use of telecommunication
networks, such as, but not limited to, the internet, in a manner that infringes intellectual property rights shall be punished by a minimum fine of one hundred thousand pesos (P100,000.00) and a maximum commensurate to the damage incurred and a mandatory imprisonment of six (6) months to three (3) years;

Kung gusto nyo magtanong ukol sa internet piracy, register at my website atwww.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

Kung gusto niyo naman ng video-chat consultation, magregister sa www.lexmeet.com.

All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.


Leave a Reply