Sponsored Links
Advertisement

Domestic Violence

  • 273
    Shares

ANG KASONG DOMESTIC VIOLENCE LABAN SA LALAKI NA GINAWA NIYA SA KANYANG ASAWA O KALIVE-IN NA BABAE O ANAK NIYA KATULAD NG PHYSICAL ABUSE, PSYCHOLOGICAL ABUSE O ECONOMIC ABUSE” NA ISANG PAGLABAG SA R.A. 9262 O ANTI-VIOLENCE AGAINST WOMEN AND CHILDREN ACT AY HINDI NA KAILANGAN NA DUMAAN SA BARANGAY.

UNDER R.A. 9262, ANG KAPITAN O KAGAWAD NG BARANGAY AY PINAGBABAWALAN NA IMPLUWENSIYAHAN O PILITIN ANG BABAE NA IURONG ANG KASO O MAKIPAGKASUNDO SA LALAKI NG LABAG SA KANYANG KALOOBAN.

May nagtatanong sa E-Lawyers Online tungkol sa pang-aabuso ng kanilang mga asawa sa kanila at sa kanilang mga anak. Akala ng iba ay kailangan pa nilang dumaan sa barangay at sila ay ayaw dumaan dito dahil sila ay pipilitin ng kapitan o kagawad na makipag-kasundo. Ganito ang tanong nila:

“Attorney, ang asawa ko po ay bihira nang umuwi sa amin dahil may kabit siya at pag umuwi ay lasing pa at inaaway kaming lahat. Gusto ko po siyang kasuhan. Kailangan ko po ba na dumaan muna sa barangay? Ang kapitan po kasi ay tiyo niya at katulad ng dati ay pagsasabihan lang at babalik na naman.”

Ayon sa Republic Act No. 9262 otherwise known as Anti-Violence Against Women and Their Children Act, ang isang babae o anak nito ay may karapatan na magsampa ng kasong kriminal laban sa asawa, kalive-in o boyfriend kung may physical abuse, psychological abuse o economic abuse. Pwede rin siya kumuha ng temporary at permanent protection order sa barangay o korte laban sa asawa, ka-live in o karelasyon. Ang temporary at permanent protection order ay binibigay ng korte sa babae na biktima ng physical abuse, psychological abuse at economic abuse laban sa asawa, ka-live in o karelasyon. Itong order na ito ay nababawal sa lalaki na lumapit, pumunta, makipag-usap o magpakita sa babae na may nakatakdang layo. Kasama dito ang utos ng korte na i-harass, asaran, tawagan sa telepono o kontakin o makipag komunikasyon sa babae o anak niya. Inuutusan din ng korte sa protection order na lumayo sa bahay na tinitirhan ng babae at anak nito ang lalaki, kasama na ang mga lugar kung saan nandoon ang babae o anak katulad ng workplace, school at iba pang lugar.

Dahil ang kasong physical abuse, psychological abuse o economic abuse under R.A. 9262 ay may parusang prision correcional (6 months to 6 years imprisonment) o prision mayor (6 years to 12 years imprisonment), ito ay hindi na kailangan na dumaan sa barangay conciliation at pwede nang idiretso sa pagsasampa sa korte. Kung ito naman ay sinampa muna sa barangay, ang kapitan o kagawad ng barangay ay pinagbabawalan na impluwensiyahan o pilitin ang babae o anak na iurong ang kaso o makipagkasundo sa lalaki ng labag sa kanyang kalooban. Ito ay nasa Section 27 ng R.A. 9262:

Section 33. Sec. 33. Prohibited Acts. – A Punong Barangay, Barangay Kagawad or the court hearing an application for a protection order shall not order, direct, force or in any way unduly influence he applicant for a protection order to compromise or abandon any of the reliefs sought in the application for protection under this Act. Section 7 of the Family Courts Act of 1997 and Sections 410, 411, 412 and 413 of the Local Government Code of 1991 shall not apply in proceedings where relief is sought under this Act.

Failure to comply with this Section shall render the official or judge administratively liable.

In addition, Section 27 at 47 ng Implementing Rules and Regulation ng R.A. 9262 ay nagsasabi na: Law enforcers and other government personnel shall not mediate or conciliate or influence the victim-survivor or applicant for a protection order to compromise or abandon the relief sought.

Section 47, paragraph (o): Shall not attempt to influence the victim-survivor to abandon her claims. All forms of amicable settlement under the Katarungang Pambarangay such as mediation, settlement, conciliation, arbitration shall not apply to cases of VAWC in the Act xxx.”

Kung gusto nyo magtanong ukol sa R.A. 9262, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.


  • 273
    Shares

Leave a Reply