Sponsored Links
Advertisement

Maaari Bang Kasuhan Ng Estafa Ang Sariling Kapatid?


“PWEDE BANG KASUHAN NG ESTAFA ANG IYONG KAPATID DAHIL SA PANLOLOKO SA PERA? PAANO KUNG KASABWAT ANG AKING HIPAG, PWEDE KO BA SIYA KASUHAN”

ANG IYONG ASAWA, MAGULANG, ANAK AT KAPATID, AT MGA IN-LAWS BY REASON OF MARRIAGE AY HINDI MO PWEDENG KASUHAN NG CRIMINAL CASE NA THEFT O PAGNANAKAW, SWINDLING/ESTAFA O PANLOLOKO AT MALICIOUS MISCHIEF O MALISYOSONG PANINIRA NG GAMIT NGUNIT MERON SIYA OBLIGASYON NA BAYARAN ANG ANUMANG PERA NA NAKUHA O DANYOS NA NATAMO. ANG IBANG KAMAG-ANAK NA HINDI IMMEDIATE FAMILY AY HINDI COVERED NG BATAS NA ITO.

Sa pamilyang Filipino, ang pera ang karaniwan na nagiging ugat ng pag-aaway ng mag-asawa, magulang, anak at mga kapatid. Kung minsan, may mga asawa na gumagawa ng pagnanakaw o panloloko upang makakuha lang ng pera sa asawa, magulang, anak at mga kapatid. Kung minsan ay kasama ang mga in-laws sa mga nakawan, panloloko o pagsira ng gamit. Ganito ang question ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Atty., pwede ko ba idemanda ang kapatid ko na nanloko sa akin ng ibenta nya sa akin ang laptop na hindi pala sa kanya. Pwede ko ba isama hipag ko na kasama sa panloloko?”

Alam nyo ba na ang iyong asawa, magulang, anak at mga kapatid kasama ang parents-in-law, childred-in-law and brother/sisters-in-law na kasama sa bahay ay hindi mo pwedeng kasuhan ng criminal case na pagnanakaw o panloloko/swindling/estafa o malisyosong paninira ng gamit kung ginawa ito nila sa iyo? Ayon sa Article 332 ng Revised Penal Code, ang iyong asawa, magulang, anak at mga kapatid kasama ang parents-in-law, childred-in-law and brother/sisters-in-law ay exempted sa criminal liability ngunit pwede mo silang singilin sa perang nakuha o sa danyos na natamo.

Art. 332. Persons exempt from criminal liability. — No criminal, but only civil liability, shall result from the commission of the crime of theft, swindling or malicious mischief committed or caused mutually by the following persons:

1. Spouses, ascendants and descendants, or relatives by affinity in the same line.

2. The widowed spouse with respect to the property which belonged to the deceased spouse before the same shall have passed into the possession of another; and

3. Brothers and sisters and brothers-in-law and sisters-in-law, if living together.

The exemption established by this article shall not be applicable to strangers participating in the commission of the crime.

Ang exemption na ito sa criminal liability ay hindi applicable sa sinumang tao na kasama sa pagnanakaw o panloloko/swindling/estafa o malisyosong paninira ng gamit na hindi kamag-anak na nabanggit.

Ayon sa Korte Suprema sa kasong Intestate Estate of Manolita vda de. Carungcong vs. People [G.R. No. 181409, February 11, 2010], ang Article 332 ay ginawa para ipreserba ang harmony sa pamilya at maiwasan ang eskandalo, “the spirit of Article 332 is to preserve family harmony and obviate scandal.”

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa estafa, theft at malicious mischief, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply