Sponsored Links
Advertisement

Maaari Bang Pilitin Ang Developer Na Ibalik Ang Downpayment?


ANG CONTRACT TO SELL PARA SA PAGBILI NG INSTALLMENT NG HOUSE AND LOT O CONDOMINIUM UNIT SA ISANG DEVELOPER AY ISANG KONTRATA NA HINDI BASTA-BASTA PWEDENG IKANSELA NG BUYER. ANG KAWALAN NG KAKAYANAN NA IPAGPATULOY NA HULUGAN ANG MONTHLY INSTALLMENT NG BINILING HOUSE AND LOT O CONDOMINIUM UNIT SA ISANG DEVELOPER AY HINDI ISANG VALID LEGAL REASON NA NAGBIBIGAY NG RIGHT TO CANCEL O KARAPATAN NA MAG-BACK OUT SA ISANG KONTRATA DAHIL ANG PARTY NA MAY KARAPATAN DITO AY ANG SUMUSUNOD AT NAGCOMPLY SA KONTRATA.

Marami ang nasa sitwasyon na bumili ng house and lot o condominium unit sa mga subdivision developer o condominium developer on installment basis at pumirma ng Reservation Application o Contract to Sell ngunit hindi sila sigurado kung maipapagpatuloy ang pagbabayad dito. Karaniwan ng mga nahihirapan na ipagpatuloy ang pagbabayad dito ay humihiling sa developer na magback-out sila at iparefund ang lahat ng nabayad nila.

Ang usual na tanong sa E-Lawyers Online ay: “Atty.! Ayaw i-cancel at i-refund ng subdivision developer ang mga binayad ko, pwede ko ba sila idemanda?”

Kung ang isang buyer ng house and lot o condominium unit ay hindi nakakabayad sa kanyang monthly installment, siya ay walang karapatan na magdemanda at pilitin ang developer na irefund ang kanyang mga nabayad dahil wala siyang right under the law to ask for rescission.

Ang tawag sa batas para makansela ang isang kontrata ay “rescission of contract”. Ayon sa Article 1191 ng New Civil Code: The power to rescind obligations is implied in reciprocal ones, in case one of the obligors should not comply with what is incumbent upon him.

The injured party may choose between the fulfillment and the rescission of the obligation, with the payment of damages in either case. He may also seek rescission, even after he has chosen fulfillment, if the latter should become impossible. x x x”

Ibig sabihin nito, ang partido na pwedeng ipakansela ang kanyang kontrata kung ang partido na ito ay sumusunod sa mga terms ng kontrata at ang isang partido ay hindi sumunod sa kanyang obligasyon na nasa kontrata. Kung kaya, ang buyer na hindi nakakabayad ng kanyang installment payment sa developer ay hindi pwedeng pilitin ang developer na ikansela ang kontrata nila, magback-out at iparefund ang kanyang nabayad dahil siya ay hindi sumunod sa usapan na nasa kontrata. Ang buyer na hindi nakakabayad sa installment niya sa developer ay hindi matatawag na injured party. Pwede lamang ipakansela ng buyer ng subdivision lot or condominium unit ang Contract to Sell niya kung may sira ang bahay, o hindi nadeliver on time ang condominium o hindi nadevelop ang project dahil ang developer ay hindi sumunod sa kontrata. Ngunit kung walang kasalanan ang developer, ang buyer ay hindi pwede ipakansela ang kontrata unless na pumayag ang developer.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa tamang pagbili ng house and lot o condominium unit sa developer at kailangan na mga dokumento nito o sa tamang proseso ng annulment, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply