Sponsored Links
Advertisement

Makukulong Pa Rin Ba Kung Napatay Ang Asawa Habang Nahuli Sa Aktong Nakikipagtalik Sa Iba?


“MAY PARUSA BANG KULONG SA ASAWA SA PAGKAKAPATAY NIYA SA ASAWA NIYA NA NAHULI NIYA SA AKTONG NAKIKIPAGTALIK SA IBA?

ANG ASAWA NA NAKAPATAY O MALUBHANG NAKASUGAT SA ASAWA O SA KABIT NITO NA NAHULI NIYA SA AKTO NA NAKIKIPAGTALIK O NAKIKIPAGSEX SA KABIT AY WALANG PARUSANG KULONG KUNDI DESTIERRO LAMANG O PAGBABAWAL SA KANYA NA PUMUNTA SA LUGAR NA PINANGYARIHAN NG INSIDENTE. ANG BATAS NA ITO AY HINDI APPLICABLE KUNG ANG ASAWA NA NAKAHULI AY PUMAPAYAG SA PAGTATAKSIL NG KANYANG ASAWA.

May nagtanong sa E-Lawyers Online tungkol sa problema niya sa asawa ng kapatid niya na may karelasyong iba habang nasa abroad siya. Ganito ang tanong niya:

“Atty., nabalitaan ko po na may kalaguyo ang asawa ng kapatid ko at natatakot ako na mahuli ang kabit niya na nasa bahay nila at masaktan sila ng kapatid ko. Ayaw ko po makulong ang kapatid ko dahil lamang sa asawa niya. Ano po ba parusa sa kapatid ko kung sakali?”

Kung minsan, ang mga nagtataksil sa asawa ay nahuhuli sa akto ng pagtatalik kasama ang kanyang kabit at dahil sa bugso ng damdamin ay napapatay o nasusugatan ng malubha ang asawang nagtaksil at ang kanyang kabit ng asawang nakahuli. Ano ang parusa sa asawang nakapatay o nakasugat sa asawa at kabit na nahuli sa akto?

Alam niyo ba na sa Article 247 ng Revised Penal Code ay nagsasabi na ang sinumang legal na kasal na tao na nasurpresa ang kanyang asawa sa akto ng pakikipagtalik sa ibang tao, at napatay niya ang asawa o ang kabit o pareho sa panahong yon o pagkatapos ng pagkakasurpresa o malubhang nasugatan sila, ang nasabing asawa na nakapatay o malubhang nakasugat ay paparusahan ng destierro.

ART. 247. Death or physical injuries under exceptional circumstances. — Any legally married person who, having surprised his spouse in the act of committing sexual intercourse with another person, shall kill any of them or both of them in the act or immediately thereafter, or shall inflict upon them any serious physical injuries, shall suffer the penalty of destierro.

If he shall inflict upon them physical injuries of any other kind, he shall be exempt from punishment.

These rule shall be applicable, under the same circumstances, to parents with respect to their daughters under eighteen years of age, and their seducers, while the daughters are living with their parents.

Any person who shall promote or facilitate the prostitution of his wife or daughter, or shall otherwise have consented to the infidelity of the other spouse, shall not be entitled to the benefts of this article.

Ang destierro ay isang parusa sa batas kung saan ang akusado ay hindi kinukulong ngunit siya ay pinagbabawalan lamang na pumunta sa lugar ng insidente kung saan naganap ang patayan na may nakatakdang layong kilometro. Ang destierro under Article 247 ay itinuturing na hindi parusa ngunit proteksiyon laban sa anumang paghihiganti ng mga kaanak ng babae o kabit na napatay o nasugatan ng malubha.

Kung ang sugat na natamo ng asawa o ng kabit ay hindi malubhan, walang parusa ang igagawad sa asawa na nakahuli sa kanila sa akto.

Ang batas na ito ay applicable rin sa mga magulang na nahuli ang kanilang mga anak na babae na under 18 years of age at ang kanilang seducer sa akto ng pakikipagtalik, kung ang anak ay kasama nila sa bahay.

Ngunit kung ang asawa ay pumapayag o hayagan na pumapayag sa pagtataksil ng asawa, ang batas na ito ay hindi pwedeng gamitin.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa death under exceptional circumstances at kailangan na mga dokumento nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang linkhttp://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.


Leave a Reply