Sponsored Links
Advertisement

May Batas Bang Nagbabawal Sa Mga Byuda Na Magpakasal Pagkatapos Mamatay Ang Asawa?


“MAY BATAS BA NA NAGBABAWAL NA ANG BYUDA AY HINDI PWEDE AGAD MAGPAKASAL PAGKAMATAY NG ASAWA?”

ANG ARTICLE 351 NG REVISED PENAL CODE AY TINUTURING NA KRIMEN NOON ANG PAGPAPAKASAL NG ISANG BYUDA SA LOOB NG TATLONG DAANG ARAW MULA SA PAGKAMATAY NG KANYANG ASAWA AT ITO AY MAY APRUSANG KULONG. NGUNIT SA BAGONG BATAS NA REPUBLIC ACT NO. 10655, ANG BATAS NA ITO AY PINAWALANG BISA DAHIL SA PAGIGING DISCRIMINATORY SA MGA BABAE. 

May nagtanong sa E-Lawyers Online na byuda kung pwede na siya magpakasal after ng 4 months dahil namatay na ang kanyang asawa. Ganito ang tanong niya:

“Atty., may nagsabi sa akin na after 1 year pa ako pwede magpakasal simula ng mabyuda ako. Totoo po ba yon? May batas po bang ganun?

May mga batas noon na ginawa upang maiwasan ang kalituhan kung sino ang tatay ng isang bata na pinanganak ilan buwan matapos mamatay ang asawa at ilang buwan na ikasal sa ikalawang asawa ang byuda. Ito ay ang Article 84 ng New Civil Code na nagsasabi:

Article 84. No marriage license shall be issued to a widow till after three hundred days following the death of her husband, unless in the meantime she has given birth to a child. (n)

Upang ipatupad ito, ang pag-aasawa ng isang byuda within 300 days simula ng pagkamatay ng kanyang asawa ay ginawang krimen na may parusang kulong ayonsa  Artile 351 of the Revised Penal Code of the Philippines (Act No. 3815), which reads:

“Art. 351. Premature marriages. Any widow who shall marry within three hundred and one days from the date of the death of her husband, or before having delivered if she shall have been pregnant at the time of his death, shall be punished by arresto mayor1 and a fine not exceeding 500 pesos.

The same penalties shall be imposed upon any woman whose marriage shall have been annulled or dissolved, if she shall marry before her delivery or before the expiration of the period of three hundred and one day after the legal separation.”

Dahil sa mga makabagong teknolohiya kung saan madali nang makita kung sino ang totoong tatay ng isang bata katulad ng DNA test, genetics at iba pa, ang batas na ito ay hindi na mahalaga at dahil na rin sa pagiging discriminatory nito sa mga babae, on 13 March 2015, President Benigno Aquino III signed into law Republic Act No. 10655, which repealed Article 351 of the RPC. Ang “premature marriage” ay ngayon ay hindi na krimen o decriminalized na. R.A. 10655 reads: “Without prejudice to the provisions of the Family Code on paternity and filiation, Article 351 of Act No. 3815, otherwise known as the Revised Penal Code, punishing the crime of premature marriage committed by a woman, is hereby repealed.” (Sec. 1)

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa marriage o legal separation at kailangan na mga dokumento nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply