Sponsored Links
Advertisement

May Expiration Ba Ang “Secret Marriage”?


“ATTY., TOTOO PO BA NA PAG NAGPASECRET MARRIAGE KAMI, MAY EXPIRATION PERIOD ITO NA 6 MONTHS?”

ANG “SECRET MARRIAGE” O ANUMANG URI NG KASAL WALANG EXPIRATION PERIOD DAHIL ITO AY VALID, MAY EPEKTO AT PERMANENTE ANG BISA ONCE NA MAGKAROON NG REQUIRED MARRIAGE CEREMONY WITH FORMAL REQUIREMENTS KUNG SAAN ANG IKINASAL AY HUMARAP SA SOLEMNIZING OFFICER AT SA DALAWANG WITNESSES NA NASA LEGAL NA WASTONG GULANG NA TINATANGGAP NILA ANG ISAT-ISA BILANG MAG-ASAWA.  

May nagtatanong sa E-Lawyers Online kung totoo daw ba na may expiration period daw ang secret marriage ayon sa sinasabi ng nagkasal sa kanila. Ganito ang tanong ng isang reader:

“HI, atty, nagpasecret marriage kami last 4 months at sabi ng nagkasal sa amin ay after 6 months, if hindi kami bumalik ay magexpire ang 6 months at wala na bisa ang kasal namin, totoo ba yun dahil gusto ko uli magpakasal dahil naghiwalay na kami?”

Marami ang nagtanong tungkol sa balita na may expiration period ang isang secret marriage. Ayon sa sinabi daw sa kanila ng nagkakasal ay pwede sila bumalik within 6 months para pigilin ang pagrerehistro ng kanilang marriage certificate sa local civil registrar at mawalan ng bisa ang kasal nila. Mali ito dahil wala itong legal na basehan.

Ang kasal ay may bisa sa oras na natapos ang marriage ceremony ng naayon sa batas at ang epekto nito ay permanente hanggang mamamatay ang isa sa mag-asawa o kaya ay ipawalang bisa ito ng korte. Ito ay malinaw sa Article 1 ng Family Code.

Art. 1. Marriage is a special contract of permanent union between a man and a woman entered into in accordance with law for the establishment of conjugal and family life. It is the foundation of the family and an inviolable social institution whose nature, consequences, and incidents are governed by law and not subject to stipulation, except that marriage settlements may fix the property relations during the marriage within the limits provided by this Code. (52a)

Walang batas sa Family Code of the Philippines ang nagsasabi na may expiration period ang “secret marriage” o ang anumang marriage. In fact, walang karapatan ang solemnizing officer o nagkasal na pigilan ang pagrerehistro ng marriage certificate sa local civil registrar. Siya ay may duty sa batas na irehistro ito within 15 days from the date ng kasal ayon sa Article 23 ng Family Code:

Art. 23. It shall be the duty of the person solemnizing the marriage to furnish either of the contracting parties the original of the marriage certificate referred to in Article 6 and to send the duplicate and triplicate copies of the certificate not later than fifteen days after the marriage, to the local civil registrar of the place where the marriage was solemnized. Proper receipts shall be issued by the local civil registrar to the solemnizing officer transmitting copies of the marriage certificate. The solemnizing officer shall retain in his file the quadruplicate copy of the marriage certificate, the copy of the marriage certificate, the original of the marriage license and, in proper cases, the affidavit of the contracting party regarding the solemnization of the marriage in place other than those mentioned in Article 8. (68a)

Kahit hindi narehistro ang isang kasal o walang record ng marriage certificate, ang isang kasal ay may bisa provided merong naganap na marriage ceremony at may marriage license.

Art. 3. The formal requisites of marriage are:

(1) Authority of the solemnizing officer;

(2) A valid marriage license except in the cases provided for in Chapter 2 of this Title; and

(3) A marriage ceremony which takes place with the appearance of the contracting parties before the solemnizing officer and their personal declaration that they take each other as husband and wife in the presence of not less than two witnesses of legal age. (53a, 55a)

Walang batas sa Pilipinas at lalo na sa Family Code na kailangan nakarehistro ang marriage certificate para maging mabisa ang isang kasal. In short, kahit hindi irehistro ang isang secret marriage, ang kasal na ginawa ay may bisa at wala itong expiration period.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa annulment of marriage o legal separation at kailangan na mga dokumento nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply