Sponsored Links
Advertisement

May Karapatan Pa Bang Magmana Kung Hiwalay Na?


ANG HINIWALAYANG ASAWA AY PWEDE NIYA TANGGALAN NG KARAPATAN NA MAGMANA ANG ASAWA SA ISANG TESTAMENTO O LAST WILL AND TESTAMENT SA PAMAMAGITAN NG PROSESO NG “DISINHERITANCE” KUNG MERON SIYA GROUND PARA DITO. KUNG WALANG “DISINHERITANCE”, ANG ASAWA AY PATULOY NA TAGA PAGMANA O COMPULSORY HEIR NG KANYANG ASAWA HANGGAT HINDI ANNULED ANG KASAL O PINAGHIWALAY NG KORTE ANG KANILANG ARI-ARIAN.

Marami ang nagtatanong sa E-Lawyers Online kung ano daw ba ang magandang remedyo tungkol sa pagbili nila ng mga ari-arian na hindi na magiging kahati pa ang mga asawa nila na iniwan sila at sumama sa iba o nagkarelasyon sila. Ito ang karaniwang hinaing ng mga OFW na readers na nagpundar ng pera para makabili ng properties ngunit natatakot na baka ito ay makuha o mahati lamang ng mga asawa nila. Ganito ang tanong nila:

“Magandang umaga sa iyo atty! Nagpapasalamat po kami dahil may Facebook page na katulad nyo na nagseserbisyo sa amin ng ganito. Ito po ang tanong ko atty. Matagal na po ako sa abroad at may naipon na konting pera na gusto ko ibili ng properties sa Pinas kaso po ay kasal pa po ako ngunit hiwalay na. Natatakot po ako na pag binili ko ang property ay makinabang pa ang aking iresponsableng asawa. Ano po ba dapat gawin?”

Ang mag-asawa na naghiwalay o hiniwalayan ay patuloy ang kanilang property relation hanggat hindi napapawalang bisa ng korte ang kanilang kasal sa isang annulment of marriage o proseso ng judicial separation of property kung saan hinihiwalay ng korte ang kanilang ari-arian. Kung wala ang prosesong ito, ang asawang magkahiwalay ay may karapatan na magmana sa isat-isa kung mamatay sila mula sa mga naiiwang ari-arian nila.

Upang maiwasan ang mga sitwasyon kung saan ay matagal nang hiwalay ang mag-asawa ngunit may karapatan pa rin na magmana sa isat-isa kung mamatay sila, ang New Civil Code ay nagbibigay ng remedyo ng “disinheritance.” Pwedeng tanggalan ng karapatan ang isang tagapagmana na tumanggap ng kanyang mana sa pamamagitan ng proseso ng “DISINHERITANCE”. Ang proseso ng “disinheritance” na nasa Article 915 New Civil Code ay nagsasabi na ang sinumang tagapagmana ay pwedeng tanggalan ng kanyang karapatan na magmana bunga ng mga rason na tinatalaga ng batas at ayon sa Article 916, ang “Disinheritance” ay nagagawa lang sa pamamagitan ng paggawa ng “Huling Kasulatan” o “Last Will and Testament” kung saan ay specify o ilalagay doon ang dahilan ng pagtatangal ng mana. Ang Disinheritance ay dapat express, at may legal na dahilan na naayon sa batas. Kung kaya ang asawa ay pwede niyang i-disinherit o tanggalan ng karapatan ang kanyang asawa under Art. 921 of the New Civil Code sa mga sumusunod na dahilan:

[1] kung ang asawa ay nahatulan ng tangkang pagpatay sa asawa, anak o magulang;

[2] kung ang asawa ay nagsampa ng kasong krimen sa asawa na may imprisonment of six years or more, at ang akusasyon ay hindi totoo;

[3] kung ang asawa ay pinagawa ang asawa ng last will by fraud, violence, intimidation or undue influence causes or to change it;

[4] kung ang asawa ang nagbigay ng ground for legal separation;

[5]kung ang asawa ang nagbigay ng ground for loss of parental authority;

[6] hindi makatwiran o hindi pagsustento sa anak o asawa.

Kung gusto nyo magtanong ukol sa disinheritance, annulment of marriage o judicial separation of property kung may tanong tungkol sa documentation, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.


Leave a Reply