Sponsored Links
Advertisement

May Parusa Ba Ang Paglipat ng Kustodiya Ng Bata Sa Ibang Tao Na Hindi Alam Ng Magulang?


“INIWAN KO ATTY. ANG ANAK KO SA SIS-IN-LAW DAHIL PUPUNTA NA AKO SA ABROAD DAHIL HINDI NA NAMIN MALOCATE ANG NANAY NILA. KASO ATTY. AFTER KO UMALIS AY PINA-AMPON SA IBA NG SIS-IN-LAW KO. ANONG KASO PWEDE KO ISAMPA?”

ANG PAG-ABANDONA SA ISANG BATA NG ISANG TAO NA PINAGKATIWALAAN PARA ALAGAAN ANG BATA AT IBIGAY SIYA SA AMPUNAN O SA IBANG TAO NG WALANG PAGPAYAG ANG MAGULANG O NG PROPER AUTHORITIES O PAGPAPABAYA NG MAGULANG NA PAG-ARALIN ANG ANAK NA MERON NAMAN SILANG KAKAYAHANG PINANSIYAL PARA DITO AY ISANG KRIMEN NA MAY PARUSANG KULONG UNDER ARTICLE 277 NG REVISED PENAL CODE AT NG ANTI-CHILD ABUSE LAW OTHERWISE KNOWN AS REPUBLIC ACT NO. 7610 IN RELATION TO PRESIDENTIAL DECREE NO. 603.

Marami ngayon na magulang ang iniiwanan ang kanilang anak na minor de edad sa mga kamag-anak at kung minsan ay binibigay o nililipat ang pag-aalaga ng bata sa ibang tao ng walang pahintulot ang magulang. Ito ba ay may parusa sa batas? Ito ang tanong ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Ako po ay 14 years na OFW at may anak sa Pilipinas na 4 years old. Naghiwalay kami atty ng misis ko dahil nag-abroad siya at nagka BF. Naiwan sa Pilipinas ang anak namin sa pamilya niya. Nalaman ko na lamang na wala na ang anak namin sa bahay nila at binigay sa kapit-bahay sa probinsiya na walang anak. May maikakaso po ba ako sa gumawa nito sa aking anak?”

Nasa Article 277 ng Revised Penal Code na ang pag-abandona sa isang bata sa pamamagitan ng pagbibigay ng kustodiya nito sa bahay ampunan o kaya sa ibang tao na walang pahintulot ang magulang o mga tao na may karapatan sa kustodiya ng bata at wala ring pahintulot ang proper authorities (DSWD) ay isang krimen na may parusang kulong.

Art. 277. Abandonment of minor by person entrusted with his custody; indifference of parents. — The penalty of arresto mayor (1 month and 1 day to 6 months imprisonment) and a fine not exceeding 500 pesos shall be imposed upon anyone who, having charge of the rearing or education of a minor, shall deliver said minor to a public institution or other persons, without the consent of the one who entrusted such child to his care or in the absence of the latter, without the consent of the proper authorities.

The same penalty shall be imposed upon the parents who shall neglect their children by not giving them the education which their station in life require and financial conditions permit.

Ganun din, ang pagpapabaya ng magulang na hindi pag-aralin ang mga anak kahit may kakayahang pinansyal ang magulang ay isang ring krimen na pinaparusahan sa Article 277 ng Revised Penal Code

Ayon sa Article 59 ng Presidential Decree No. 603 o Chil and Youth Welfare Code, isa sa mga acts kung saan pwedeng makulong ang isang magulang ay ang pagpapabaya ng isang magulang

Article 59. Crimes. – Criminal liability shall attach to any parent who:

1. Conceals or abandons the child with intent to make such child lose his civil status.

2. Abandons the child under such circumstances as to deprive him of the love, care and protection he needs.

3. Sells or abandons the child to another person for valuable consideration.

4. Neglects the child by not giving him the education which the family’s station in life and financial conditions permit.

5. Fails or refuses, without justifiable grounds, to enroll the child as required by Article 72.

6. Causes, abates, or permits the truancy of the child from the school where he is enrolled. “Truancy” as here used means absence without cause for more than twenty schooldays, not necessarily consecutive.

Ito ay isa ring halimbawa ng CHILD ABUSE. Ayon sa Republic Act No. 7610 known as “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act” or “Anti-Child Abuse Act”, sa Section 10 nito sinasabi na ang mga ibang gawain ng pagpapabaya, abuso, kalupitan o exploitation at iba pang kundisyon kung saan nakakaapekto ng masama sa paglaki ng isang bata o minor de edad including those covered by Article 59 of Presidential Decree No. 603, as amended, but not covered by the Revised Penal Code, as amended, ay makukulong ng prision mayor in its minimum period (6 years and 1-day to 12 years imprisonment).

Sinasabi rin sa batas na ito na – Section 10. Other Acts of Neglect, Abuse, Cruelty or Exploitation and Other Conditions Prejudicial to the Child’s Development. –

(a) Any person who shall commit any other acts of child abuse, cruelty or exploitation or to be responsible for other conditions prejudicial to the child’s development including those covered by Article 59 of Presidential Decree No. 603, as amended, but not covered by the Revised Penal Code, as amended, shall suffer the penalty of prision mayor in its minimum period.

Kung gusto nyo magtanong ukol sa Child Abuse o violation ng R.A. 7610, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply