Sponsored Links
Advertisement

Mutual Fidelity

  • 646
    Shares

ANG MAG-ASAWA AY MAY OBLIGASYON SA BATAS NA MAGING MATAPAT SA ISAT-ISA O MAGKAROON NG MUTUAL FIDELITY HABANG MAY BISA ANG KANILANG KASAL AT HABANG HINDI PA ANNULLED ANG KANILANG KASAL. ANG OBLIGASYON NG MUTUAL FIDELITY AT MUTUAL SUPPORT NG MAG-ASAWA AY HINDI NAPUPUTOL DAHIL LAMANG SA MATAGAL NA HIWALAY O WALANG KOMUNIKASYON NG MAG-ASAWA. ANG PAGKAKAROON NG SEKSWAL NA RELASYON SA IBANG TAO NG ISANG TAONG MAY-ASAWA AY ISANG KRIMEN NA CONCUBINAGE, ADULTERY O PSYCHOLOGICAL ABUSE DUE TO MARITAL INFIDELITY UNDER R.A. 9262 DEPENDE SA EVIDENCE.

ANG EPEKTO NG MARRIAGE KATULAD NG OBLIGASYON NG SUPORTA SA ASAWA AT ANAK, KATAPATAN BILANG ASAWA AT ANG RELASYON SA ARI-ARIAN AY PERMANENTE O HINDI NAGBABAGO KAHIT HIWALAY NA ANG MAG-ASAWA DAHIL ANG LEGAL NA KONSEPTO NG KASAL O MARRIAGE AY ISANG PERMANENTENG PAGSASAMA O PAGIGING ISA NG LALAKI AT BABAE NA PWEDENG LANG MAPATIGIL SA KAMATAYAN NG ASAWA O KAYA SA DESISYON NG KORTE

Ang karaniwan na katanungan sa E-Lawyers Online ay tungkol sa problema ng mag-asawang magkahiwalay. Usually, ang tanong ay kung pwede na ba silang magkaroon ng sekswal na relasyon sa ibang tao dahil matagal na naman silang hiwalay ng kanilang asawa o matagal na sila na walang komunikasyon. Ganito ang tanong nila:

“Attorney, tama po ba ang gagawin ko. MGa 10 years na po na hiwalay kami ng mister ko at nasa abroad po ako. May nanliligaw po sa akin at gusto ko rin naman siya. Hiwalay rin po siya sa asawa niya ngunit naghahabol pa rin ang asawa niya. Niyaya niya po kami na magsama na sa Pilipinas pagbalik namin, legal po ba ang gagawin ko? Hindi po ba kami makakasuhan?

Ang Article 1 ng Family Code ay nagdefine ng “marriage” bilang isang special contract ng permanenteng pagsasama sa pagitan ng lalaki at babae ng naayon sa batas para sa pagtatayo ng buhay may asawa at pamilya. Ito ang pundasyon ng pamilya at hindi mabubuwag na institusyong sosyal kung saan ang saysay, bunga at insidente nito ay pinapamahalaan ng batas at hindi maaring pagkasunduan ng mag-asawa kundi ang kanilang relasyon sa ari-arian na pwedeng pagkasunduan bago sila ikasal na kung tawagin ay pre-nuptial agreement.

Once na nakasal ang isang tao, siya ay may responsibilidad na maging matapat sa isat-isa at sumuporta sa isat-isa ayon sa Article 68 ng Family Code: “The husband and wife are obliged to live together, observe mutual love, respect and fidelity, and render mutual help and support.” Dahil sa depinisyon ng kasal o marriage sa Family Code kung saan ito ay itinuturing na permanenteng pagsasama o pagiging isa ng mag-asawa, ang mga obligasyon ng mag-asawa ay hindi nawawala o tumitigil kahit sila ay naghiwalay na o kaya may kanya kanyang buhay na sila.

Walang batas o regulasyon sa Family Code o Rules of Court ang nagsasaad na ang mga obligasyon ng mag-asawa under Artilce 68 ng Family Code ay nawawala o tumitigil kung sila ay naghiwalay na o kaya may kanya kanyang buhay na sila. Ang mga obligasyon na ito ng mag-asawa (mutual love, respect and fidelity, and render mutual help and support) ay patuloy kahit wala na sila komunikasyon katulad ng obligasyon ng suporta sa asawa at anak, katapatan sa asawa o kaya relasyon sa kanilang ari-arian at hindi tumitigil ang epekto ng kasal o marriage unless mamatay ang isa sa kanila o kaya ay magdesisyon ang korte na ipawalang bisa ang kasal sa isang annulment of marriage case. Kung kaya ang may asawa ay hindi pwedeng makipagrelasyon sa ibang tao kahit matagal nang hiwalay siya sa asawa dahil required pa rin siya ng batas na maging tapat (mutual fidelity) sa kanilang asawa at pwede silang makasuhan ng krimen na concubinage/adultery kung hindi nila ito susundin. Ang pagiging hiwalay ng matagal o walang komunikasyon ng mag-asawa ay hindi defense o valid na defense sa kasong krimen na adultery o concubinage.

Kung gusto nyo magtanong ukol sa annulment of marriage o kung may tanong tungkol sa documentation, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.


  • 646
    Shares

Leave a Reply