Sponsored Links
Advertisement

Paano Ibebenta Ang Conjugal Property Kung Ayaw Ng Isang Partido?


“ATTY., PAANO KO PO BA MAIBENTA ANG CONJUGAL PROPERTY NAMIN PARA SA SUPORTA NG PAMILYA KUNG HINDI NA NAGPAPAKITA SA AMIN SI MISTER?”

ANG PAGHIHIWALAY NG MAG-ASAWA AY HINDI MAKAKAAPEKTO SA KANILANG CONJUGAL PROPERTY RELATION KUNG SAAN LAHAT NG ARI-ARIAN NA NAPUNDAR NG BAWAT ISA AY PARTE PA RIN NG CONJUGAL PROPERTY KAHIT HIWALAY NA SILA AT HINDI PWEDENG IBENTA NG WALANG PIRMA NG PAREHO. NGUNIT ANG ABANDONADONG ASAWA O PAMILYA AY PWEDENG HUMILING SA KORTE SA ISANG SUMMARY PROCEEDINGS NA IBENTA ANG CONJUGAL PROPERTY PARA SA SUPORTA KAHIT WALANG PIRMA ANG NAG-ABANDON NA ASAWA.

Usual na tanong sa E-Lawyers Online ay kung paano makakakuha ng suporta ang abandonadong pamilya at pagbebenta ng conjugal property kahit walang pirma ang asawa na nag-abandona. Ganito ang question ng reader:

“Atty., 3 years na po kami iniwan ng mister ko at hindi na nagpakita. Wala siya suporta at need ko po pera sa college ng anak namin. Pwede ko po ba ibenta ang lupa niya kahit wala siya pirma o kahit hindi siya pumapayag?

Nasa Article 100 ng Family Code na ang separation de facto o paghihiwalay ng mag-asawa at hindi na nagsasama sa iisang bubong pero walang legal separation o annulment of marriage galing sa korte ay hindi naapektuhan ang kanilang relasyon sa kanilang conjugal properties. Kung kaya ang anumang naipundar habang merong separation de facto ay kasama pa rin sa conjugal property at ito ay paghahatian pa rin ng mag-asawa. Ang mga epekto ng separation de facto ay:

1. ang asawa na umalis sa bahay o ayaw tumira dito ng walang sapat na dahilan ay walang karapatan sa support;

2. kung kailangan ang consent ng isang asawa sa isang transaksiyon involving conjugal property, sa korte kukunin ang consent sa isang summary proceedings;

3. kung walang sapat na conjugal property para sa support ng family, ang separate property ng mag-asawa ay parehong liable sa support ng pamilya at ang present spouse ay pwedeng humingi sa korte ng power na i-administer ang separate property ng absent spouse para pantustos sa share niya.

Kagaya ng question ng nasabing reader, ang conjugal property ng mag-asawa ay pwedeng ibenta kahit walang pirma o consent ang absent na asawa sa pamamagitan ng paghingi sa korte ng court order. Kailangan na patunayan sa korte na sila ay na-abandona ng kanyang asawa at hindi na siya nagsusuporta at kailangan din na i-justify sa korte na kailangan na ibenta ang conjugal property o separate property ng absent na asawa para ipantustos para sa suporta ng pamilya. Ang procedure na ito sa korte ay mabilis dahil ito ay isang summary proceedings lamang. Kung walang court order na kinuha, ang anumang pagbebenta ng conjugal property ng walang written consent ang absent spouse ay magiging null and void ang bentahan.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa mga problema nyo about separation de facto at ang epekto nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply