Sponsored Links
Advertisement

Pwede Bang Direktang Singilin Ang Co-Maker?


ANG ISANG TAO NA PUMIRMA BILANG CO-MAKER AT SOLIDARY DEBTOR SA LOAN AGREEMENT NG ISANG TAO AY MAY OBLIGASYON NA BAYARAN ANG UTANG KAHIT HINDI SIYA TUMANGGAP NG PERA MULA SA NAGPA-UTANG O UMUTANG.

ANG CO-MAKER AT SOLIDARY DEBTOR AY PWEDENG DIRETSONG SINGILIN NG NAGPA-UTANG KAHIT MAY PAMBAYAD ANG TAONG TALAGANG UMUTANG.

Maraming insidente ang nangyayari kung saan ang kaibigan ay nagkakasira dahil sa pera. Isa na dito ang pagpapagamit ng pangalan at pirma bilang co-maker o solidary debtor sa utangan o loan agreement. Ganito ang problem ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Attorney, may kaibigan po ako, matagl ko nang kakilala at nakisuyo sa akin na maging co-maker at guarantor ko siya sa loan agreement niya. Dahil tiwala ako sa kanya ay pinagamit ko ang pirma at pangalan ko as co-maker. Dahil alam ko rin naman na may pambayad siya pumayag na ako. After 6 months ay bigla siya nawala at hindi na nagbayad. Ako ngayon ang sinisingil ng lending company. Pwede ba akong habulin nila kahit alam nila na may pambayad naman ang talagang umutang?”

Ang isang tao na pumirma na co-maker at solidary debtor sa isang loan agreement ng isang tao ay may obligasyon na bayaran ng buo ang utang kahit hindi siya tumanggap ng pera mula sa nagpa-utang o umutang. Ang pagpirma ng isang tao bilang co-maker o guarantor o surety sa isang kasunduan ng utangan ay may kaukulang obligasyon na bayaran niya ang utang kung ang ang taong umutang ay hindi na makabayad. Ibig sabihin nito ay maaring kunin ang mga property ng isang co-maker based sa procedure ng batas, ng nagpautang bilang kabayaran sa utang. Hindi mahalaga dito kong ang co-maker ay tumanggap ng pera o hindi sa umutang o may kapalit o wala ang kanyang pagpirma bilang co-maker. Pero ang obligasyon na ito ay pwede lang ipatupad kung ang co-maker ay pumirma sa promissory note o loan agreement at kung walang pirma, hindi siya pwede kasuhan bilang co-maker. Ang tawag dito ay “accommodation party”. Under Section 29 of Negotiable Instruments Law:

Sec. 29. Liability of accomodation party. – An accomodation party is one who has signed the instrument as maker, drawer, acceptor, or indorser, without receiving value therefor, and for the purpose of lending his name to some other person. Such a person is liable on the instrument to a holder for value, notwithstanding such holder, at the time of taking the instrument, knew him to be only an accomodation party.

Ang accommodation party ay walang “benefit of excussion”, kung saan ang nagpa-utang ay pwedeng direkta na maningil sa co-maker o accommodation party kahit may pambayad sa utang ang taong umutang. Ang benefit of excussion ay nasa Article 2058 ng New Civil Code: “The guarantor cannot be compelled to pay the creditor unless the latter has exhausted all the property of the debtor, and has resorted to all the legal remedies against the debtor.”

Kung gusto nyo magtanong ukol sa pagsingil ng utang o kung may tanong tungkol sa documentation, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.


Leave a Reply