Sponsored Links
Advertisement

Pwede Bang Ikasal Kahit Na Walang Marriage License?


ATTY., KUMUHA NA PO KAMI NG MARRIAGE LICENSE PERO IKAKASAL PO AKO AFTER 4 MONTHS DAHIL DOON PA LANG ANG BALIK NG SEAMAN KO NA BOYFRIEND. VALID PO BA ANG MARRIAGE NAMIN?

ANG MARRIAGE LICENSE ANG ANG LISENSIYA SA GOBYERNO NA KINUKUHA NG DALAWANG MAGPAPAKASAL PARA PATUNAYAN NA SILA AY NASA WASTONG GULANG AT PAREHONG SINGLE O MAY CAPACITY NA MAGPAKASAL SA ISAT-ISA. ANG MARRIAGE LICENSE AY BINIBIGAY NG GOBYERNO BAGO IKASAL AT ITO AY MAY EXPIRATION PERIOD NA ONE HUNDRED TWENTY DAYS MULA SA DATE OF ISSUE. ANG KAWALAN NG MARRIAGE LICENSE AY ISA SA MGA GROUND PARA MAPAWALANG BISA ANG KASAL. KUNG ANG MARRIAGE LICENSE AY EXPIRED NANG IKASAL ANG MAG-ASAWA, ITO AY PWEDE RING GAMITIN NA GROUND.

Ang marriage license ay ibang dokumento sa marriage contract. Marami ang nagtatanong kung ano ba ang dokumento na ito at ang kahalagahan nito sa isang kasal. Ganito ang question ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Atty., meron po ako fiancee from France at gusto niya ako pakasalan. Pwede po ba agad kaming ikasal kahit walang marriage license?”

“Gud pm po atty., ako po ay isang OFW na ikakasal sa May 2017. Pinag-apply ko na po ng marriage license ang BF ko ngayong 2016. Tama po ba?”

Ang marriage license ay isang lisensiya na binibigay sa mga ikakasal bago sila ikasal. Ito ay pahintulot ng gobyerno na ikasal ang babae at lalaki pagkatapos nilang patunayan na sila ay pwedeng ikasal ng naayon sa batas. Ang marriage contract ay ang kontrata ng ikinasal na may basbas ng batas at gobyerno na sila ay panghabang-buhay at permanenteng magsasama bilang mag-asawa at pamilya. Ang marriage license ay isa sa mga formal requirements upang may bisa ang isang kasal ayon sa Article 3 (2) ng Family Code:

Art. 3. The formal requisites of marriage are:

(1) Authority of the solemnizing officer;

(2) A valid marriage license except in the cases provided for in Chapter 2 of this Title; and

(3) A marriage ceremony which takes place with the appearance of the contracting parties before the solemnizing officer and their personal declaration that they take each other as husband and wife in the presence of not less than two witnesses of legal age. (53a, 55a)

Saan mo pwedeng kuhanin ang marriage license?

Ayon sa Article 9 and 10 ng Family Code, ito ay kinukuha sa local civil registrar kung saan residente ang isa sa mga ikakasal. Kung nasa Quezon City at Manila ang residence ng ikakasal, pwede sila mamili sa dalawang city kung saan sila kukuha ng marriage license. Ngunit kung ang ikakasal ay nasa abroad, pwede siya kumuha sa pinakamalapit na Philippine Embassy ng bansa na kinaroroonan niya.

Art. 9. A marriage license shall be issued by the local civil registrar of the city or municipality where either contracting party habitually resides, except in marriages where no license is required in accordance with Chapter 2 of this Title (58a)

Art. 10. Marriages between Filipino citizens abroad may be solemnized by a consul-general, consul or vice-consul of the Republic of the Philippines. The issuance of the marriage license and the duties of the local civil registrar and of the solemnizing officer with regard to the celebration of marriage shall be performed by said consular official. (75a)

Ayon sa Art. 20 ng Family Code, ang marriage license ay may validity at expiration period na 120 days from the date of issue, at ito ay automatically cancelled sa date ng expiration kung hindi ito ginamit. Kung ganon, ang kasal na ginanap na may expired marriage license ay pwedeng gamitin na ground para mapawalang bisa ang kasal sa korte.

Art. 20. The license shall be valid in any part of the Philippines for a period of one hundred twenty days from the date of issue, and shall be deemed automatically cancelled at the expiration of the said period if the contracting parties have not made use of it. The expiry date shall be stamped in bold characters on the face of every license issued. (65a)

Ang marriage contract naman ay ibang dokumento na ini-issue pagkatapos ng kasal. Karaniwang akala ng mga friends sa E-Lawyers Online na kung walang marriage contract or walang rehistro ng marriage sa NSO ay void na ang kasal at pwede na uling magpakasal. Mali ang pananaw na ito dahil ang isang kasal na walang marriage contract ay valid o may bisa at ito ay mawawala lamang kung ito ay ipa-annul sa korte. Ngunit ang kawalan ng marriage license ay isang ground sa annulment of marriage at ang kasal na ginanap ng walang marriage license ay null and void. Ang marriage license at marriage contract ay magka-iba.

Ang kawalan ng marriage license sa isang kasal except Art. 27-34 ay ground sa annulment ng marriage.

May mga exempted ba sa marriage license? Oo. Ang mga sumusunod na kasal ay exempted sa marriage license:

1. Marriage in articulo mortis o malapit nang mamatay o agaw buhay, kahit nabuhay pa ang nag-agaw buhay;

2. Marriage sa liblib at malayong lugar ang tirahan na hindi naabot ng transportasyon at mahirap makapunta sa local civil registrar;

3. Marriage in articulo mortis o malapit nang mamatay o agaw buhay na ginawa sa harap ng ship captain, airplane pilot o military commander sa gitna ng military operation;

4. Marriage ng muslim at iba pang ethnic communities provided na ito ay ginanap sa kanilang custom, rites at ritual;

5. Marriage ng single na babae at lalaki na nagsama ng 5 taon bilang mag-asawa (live-in common law husband and wife).

Ang kawalan ng marriage contract sa record ng local civil registry o NSO ay hindi ground sa annulment kung talagang may naganap na kasalan sa pagitan ng babae at lalaki dahil maraming iba pang evidence ng kasal katulad ng picture, video at testimoniya ng witnesses at solemnizing officer. Ang kawalang ng marriage license sa record ng local civil registry naman ay isang malaking dahilan para ipawalang bisa ang kasal.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa annulment at kailangan na mga dokumento nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply