Sponsored Links
Advertisement

Sino Ang Mas May Karapatan Na Magdesisyon Sa Pamilya Tungkol Sa Mga Anak Nila?


 

“SINO ANG MAY KARAPATAN NA MAGDESISYON SA PAMILYA TUNGKOL SA MGA ANAK NILA?”

ANG PAREHONG MAGULANG AY MAY JOINT PARENTAL AUTHORITY O PAREHO AT PATAS NA OTORIDAD SA MGA ANAK NILA. KUNG MAY HINDI PAGKAKASUNDO ANG MAG-ASAWA, ANG DECISION NG TATAY ANG MANANAIG SA PAGPAGPAPALAKI SA MGA ANAK NILA UNLESS MERONG ORDER ANG KORTE.

May nagtanong sa E-Lawyers Online kung ano ang batas tungkol sa mga desisyon sa pamilya at kung sino ang masusunod kung may disagreement sa pamilya. Ganito ang problem ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Atty., pareho po kami OFW ng mister ko pero magkaiba ng bansa. May anak po kami sa Pilipinas na gusto niya patirahin sa magulang niya sa province pero ayaw ko po. Paano po ba gagawin ko?”

Ang pagpapalaki sa mga anak ay dapat parehong nakaatang sa magulang at kung may disagreement dito, kailangan itong pag-usapan ng mabuti at magdesisyon based sa general welfare ng mga bata at hindi lamang dahil sa kagustuhan ng isang magulang. Nasa Article 211 ng Family Code ang nagsasabi na ang nanay at tatay ay magkasama na may otoridad sa pagpapalaki sa kanilang mga anak bilang mga magulang ngunit kung hindi sila magkasundo sa pagpapalaki, ang desisyon ng tatay ang mananaig unless meron utos ang korte na ang nanay ang dapat manaig. Sinabi sa batas na: “The father and the mother shall jointly exercise parental authority over the persons of their common children. In case of disagreement, the father’s decision shall prevail, unless there is a judicial order to the contrary.”

Sinabi rin sa Article 211 ng Family Code na ang mga anak ay dapat may respeto at gumalang sa kanilang mga magulang at sundi ang lahat ng kanilang mga utos habang sila ay nasa patnubay at otoridad ng mga magulang nila. “Children shall always observe respect and reverence towards their parents and are obliged to obey them as long as the children are under parental authority.”

Binibigyan ng batas ang korte na magdesisyon kung hindi magkasundo ang mag-asawa sa pagpapalaki sa kanilang mga anak under the doctrine ng “Parens Patriae” kung saan ang Estado ang tumatayong magulang ng bata. Parens patriae is Latin for “parent of the nation.” In law, it refers to the public policy power of the state to intervene against an abusive or negligent parent, legal guardian or informal caretaker, and to act as the parent of any child or individual who is in need of protection.

Kung may disagreement ang magulang sa pagpapalaki ng anak at hindi sila magkasundo, pwedeng pumunta sila sa korte at hayaan ang korte na magdecide. pero bago isampa ang kaso, kailangan muna nilang magkaroon ng earnest effort toward compromise o maigting na pagkilos para magkompromiso. Ito ay ayon sa Article 151 of the Family Code wherein it is provided that no suit between members of the same family shall prosper unless it should appear from the verified complaint or petition that earnest efforts toward a compromise have been made, but that the same have failed.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa parental authority at kailangan na dokumento dito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply