Sponsored Links
Advertisement

Tax Identification Number (TIN)


ANG TAX IDENTIFICATION NUMBER (TIN) AY ANG NUMERO NA GINAGAMIT PARA SA PAGBABAYAD NG BUWIS SA PILIPINAS. BAWAL SA ISANG TAO ANG MAGKAROON NG DALAWANG TAX IDENTIFICATION NUMBER (TIN) AT ITO AY PINAPARUSAHAN NG PAGKAKAKULONG.

May nagtanong sa E-Lawyers Online tungkol sa paggamit ng Tax Identification Number kung saan ay mayroon siyang biniling lupa at gumamit siya ng dalawang TIN na nasa parehong name niya. Ganito ang tanong niya:

“Attorney, bumili ako last 2010 ng lupang sakahan sa probinsiya namin at upang malipat ang titulo sa pangalan ko ay kumuha ako ng BIR TIN Number. Ngayong 2013 ay nakaipon ako galing sa naipon ko sa abroad at bumili ako ng residential na tatayuan ko ng bahay ko at ako ang naglalakad ng paglipat ng titulo. Kumuha uli ako ng TIN number at nang babayaran ko na ang capital gains tax ay pinatawag ako. Pwede daw ako ipakulong sa ginawa ko. Totoo ba ito attorney?”

Yes. Ang pagkakaroon ng dalawang Tax Identification Number (TIN No) ng isang tao na kinuha sa Bureau of Internal Revenue ay isang criminal offense. Under Article 236 (J) ng National Internal Revenue Code otherwise known as Republic Act No. 8424, isa lang na Taxpayer identification Number (TIN) ang dapat na assigned to a taxpayer. Sinumang tao na mayroon mahigit sa isang Taxpayer Identification Number ay criminally liable under the provision of Section 275, kung saan ang penalty ay punishable ng fine of not more than One thousand pesos (P1,000) or suffer imprisonment of not more than six (6) months, or both.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa tax problem nyo at kailangan na dokumento dito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.


Leave a Reply