Sponsored Links
Advertisement

Ilang Taon Ang Pagproseso Ng Annulment of Marriage?


“ATTY., THREE WEEKS LANG PO AKO SA PILIPINAS DAHIL MAY WORK AKO SA ABROAD BILANG OFW, PWEDE KO PO BA I-PROCESS ANG ANNULMENT OF MARRIAGE PAGUWI KO AT MADALA ANG PAPERS BAGO AKO BUMALIK SA ABROAD?”

ANG ANNULMENT OF MARRIAGE O DECLARATION OF NULLITY OF MARRIAGE AY HINDI ISANG MERE APPLICATION NA PINAPASA SA KORTE AT KAAGAD NAKUKUHA. ITO AY ISANG PROSESO SA KORTE KUNG SAAN KAILANGAN NA MAGPRESENTA NG EBIDENSIYA, TUMESTIGO SA KORTE ANG NAGSASAMPA AT PATUNAYAN NA MAY GROUND NG NAAYON SA BATAS.

Marami ang nagtatanong sa E-Lawyers Online kung makukuha ba ng isang buwan o isang linggo at maprocess ang annulment of marriage sa isang korte. Ganito ang problem ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Nakahanda na Atty mga papel ko annulment ng kasal ko yong marriage contract namin at pagbalik ko from abroad, ito ba ay dadalhin lamang sa korte kasama application namin at magpipirmahan kami ng mister ko? Makukuha ko ba ito ng one week lamang?”

Ang annulment of marriage at declaration of nullity of marriage ay isang proseso sa korte kung saan ang binibigyan ng Rules of Court na magsampa nito ay ang husband or wife at walang ibang tao ang may karapatan na magsampa sa korte nito. Ang proseso na ito ay nasasakop ng Rules of Procedure for the Declaration of Nullity of Marriage and Annulment of Marriage, otherwise known as Supreme Court Administrative Matter No. 02-11-10-SC [MARCH 4, 2003]

Ayon sa nasabing rules of procedure, ang annulment of marriage at declaration of nullity of marriage ay kailangan na may trial na mismong ang judge ang kikinig sa kaso at magdedecide nito ayon sa napresetang mga ebidensiya ng mga partidos.

Sec.  17. Trial. – (1) The presiding judge shall personally conduct the trial of the case. No delegation of the reception of evidence to a commissioner shall be allowed except as to matters involving property relations of the spouses.cralaw

(2) The grounds for declaration of absolute nullity or annulment of marriage must be proved. No judgment on the pleadings, summary judgment, or confession of judgment shall be allowed.

(3} The court may order the exclusion from the courtroom of all persons, including members of the press, who do not have a direct interest in the case. Such an order may be made if the court determines on the record that requiring a party to testify in open court would not enhance the ascertainment of truth; would cause to the party psychological harm or inability to effectively communicate due to embarrassment, fear, or timidity; would violate the right of a party to privacy; or would be offensive to decency or public morals.

(4) No copy shall be taken nor any examination or perusal of the records of the case or parts thereof be made by any person other than a party or counsel of a party, except by order of the court.

Pwede bang magpirmahan na lang ang mag-asawa sa harap ng judge na sila ay pumapayag sa annulment of marriage?

Hindi. Malinaw sa Article 2035 ng New Civil Code na inulit ng Supreme Court sa Section 16 ng nasabing Rules of Procedure na hindi pwedeng magcompromise ang mag-asawa sa annulment of marriage o declaration of nullity of marriage:

Sec.  16. Prohibited compromise. – The court-shall not allow compromise on prohibited matters, such as the following:

(a) The civil status of persons;

(b) The validity of a marriage or of a legal separation;

(c) Any ground for legal separation;

(d) Future support;

(e) The jurisdiction of courts; and

(f) Future legitime.

Ang petitioner ay dapat personal na tumestigo sa korte. Upang makakuha ng favorable na decision sa korte, kailangan ng nagsampa na patunayan sa trial na meron siyang ground na naayon sa Family Code at meron siyang sapat na ebidensiya upang patunayan siya. Ang required na evidence sa annulment of marriage o declaration of nullity of marriage ay PREPONDERANCE OF EVIDENCE o nakakaraming materyal at relevant na ebidensiya upang patunayan na walang bisa ang kasal. Ang mga ground na ito o evidence ng nagsasampang asawa ay hindi niya mapapatunayan sa korte unless magbigay siya ng personal na testimoniya sa korte. Dahil siya ang personal na nakakaalam kung anong nangyari sa buhay niya, ang testimoniya ng petitioner ay mahalaga upang ma-establish ang preponderance of evidence. Kung ang petitioner o nagsampang asawa ay hindi personal na mag-aappear sa korte at magbibigay ng kanyang testimoniya, ang kanyang petition ay magiging “hearsay” o “second hand information” na hindi tatanggapin ng korte at walang magiging basehan ang korte para maaprobahan ang annulment of marriage.

Ang pagprepresenta ng petitioner o nagsampang asawa ay tinatawag na “trial proper” at pwedeng ischedule ng abogado sa kanyang vacation at hindi siya required na magtagal sa Pilipinas. Ang mahalaga ay dumating ang petitioner sa araw na tinakda ng abogado niya para sa pagpresenta niya ng evidence at pagbigay niya ng testimonya sa korte upang patunayan ang kanyang mga alegasyon sa petition for annulment of marriage. Kung natapos na siya magbigay ng testimoniya sa korte under direct examination at siya ay nacross examination na ng Fiscal/Public Prosecutor, pwede na agad siya umalis ng Pilipinas at bumalik sa bansa kung saan siya nakatira/nagtratrabaho.

Bibigyan din ng korte ng notice at pagkakataon ang iyong inihablang asawa na magpresenta ng kanyang ebidensiya. Pagkatapos nito ay, magdedesisyon na ang korte. Kung ang decision ng korte ay para sa annulment, kailangang maging final and executory ito. Mayroon 15 days ang iyong asawa, fiscal o OSG na magfile ng Motion for Reconsideration at i-apela ang desisyon sa Court of Appeals at kung hindi, magiging final and executory ito after 15 days mula sa pagtanggap ng decision ng korte.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa proseso ng annulment of marriage at kailangan na mga dokumento nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply