Sponsored Links
Advertisement

Ano Ang Ibig Sabihin Ng Judicial Property Separation?


“ATTORNEY, MAY PROSESO BA SA BATAS KUNG SAAN MADALI KUNG TANGGALAN NA NG KARAPATAN ANG ASAWA KO SA MGA PROPERTY NA AKING MAPUPUNDAR?”

ANG PROSESO NG JUDICIAL SEPARATION OF PROPERTY AY ANG SUMMARY PROCEDURE SA KORTE TUNGKOL SA PAGHAHATI NG CONJUGAL PROPERTY NG MAG-ASAWANG MAGKAHIWALAY NA WALA PANG NAKASAMPA NA ANNULMENT OF MARRIAGE/DECLARATION OF NULLITY OF MARRIAGE SA KORTE. ANG PROSESO NA ITO AY GINAGAWA UPANG ANG IPUPUNDAR NA PROPERTY O MGA FUTURE PROPERTY NG MAG-ASAWA AY HINDI NA MAITUTURING NA CONJUGAL PROPERTY AT UPANG HINDI NA MAGKAROON NG PARTE DITO ANG HINIWALAYAN NA ASAWA.

KUNG WALANG PROSESO NG JUDICIAL SEPARATION OF PROPERTY, ANG ANUMANG ARI-ARIAN NA NABILI NG MAG-ASAWA HABANG MAY BISA ANG KANILANG KASAL AT KAHIT HIWALAY NA SILA AY PARTE PA RIN NG CONJUGAL PROPERTY NA KANILANG PAGHAHATIAN.

Isa sa mga katanungan sa E-Lawyers Online ay kung paano makakapagpundar ng properties ang asawa na hiniwalayan ng kanyang asawa na hindi na kailangan na kahati o may kahati pa ang nang-iwan na asawa. Ito ang usual problem ng magkahiwalay na mag-asawa at nagpapagod sa kanilang trabaho upang makaipon at makapagpundar ng mga ari-arian at negosyo ngunit natatakot na ito ay mapunta lamang sa asawa dahil sila ay kasal pa. Ganito ang query ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Attorney, matagal na po kami hiwalay. Ako po ay nasa abroad at ang ex ko po ay nasa Pilipinas kasama ang kabit niya. Marami po akong naipon ngunit natatakot na ibili ng properties o magtayo ng negosyon dahil po makikinabang lang ang aking asawa na wala naman na naiambag at bagkus ay sinaktan ako ng labis. Paano po ba gagawin upang matanggalan na siya karapatan sa mga ipupundar ko?”

Ang karaniwan na payo ay irehistro ito sa pangalan sa maiden name o apelyido sa pagkadalaga ng babae upang hindi mahabol ng lalaki. Ngunit mali ang payo na ito bukod sa pwedeng makasuhan ng falsification of public document ito ay labag din sa Family Code dahil ayon sa Article 116 of the Family Code “all property acquired during the marriage, whether the acquisition appears to have been made, contracted or registered in the name of one or both spouses, is presumed to be conjugal unless the contrary is proved.” Sinasabi sa batas na ito na kahit ang ari-arian na nabili ay naka kontrata o nakarehistro sa isang asawa o kaya sa kanilang dalawa, kung ang property na ito ay nabili habang kasal pa sila, ang presumption ng batas ay ito ay conjugal property. In short, hindi ang pangalan na nakarehistro (REGISTERED NAME) ang mahalaga para malaman kung kasama ang property sa conjugal property kundi ang DATE OF PURCHASE nito. Kung ito ay binili habang kasal ang mag-asawa, ito ay conjugal property. Kung kaya ang paglalagay sa maiden name o apelyido sa pagkadalaga na napundar ng asawang babae habang kasal pa ay walang epekto sa conjugal property relation dahil considered parte pa rin ito ng conjugal property/absolute community property ng mag-asawa.

Ang magandang remedyo dito ay ang remedy ng “judicial separation of property” na sinasampa sa korte. Ito ay isang summary procedure na madali sa mga partidos dahil ito ay hindi nangangailangan na matagal na presentasyon ng evidence. Nasa Article 134 hanggang Article 142 ng Family Code ang proseso ng Judicial Separation of Property kung saan ang mag-asawang naghiwalay ng walang annulment of marriage or legal separation, ay magsasampa sa korte ng petisyon upang isaayos ang kanilang conjugal property sa pamamagitan ng paglilista ng kanilang conjugal properties at mga utang, pagbabayad ng mga utang, paghahati nito sa mag-asawa o paglilipat nito sa mga anak bilang advance na mana. Once na ma-aprobahan ng korte ang Judicial Separation of Property, ang mag-asawa ay may kanya-kanya nang ari-arian at wala na silang karapatan na mag-mana sa isat-isa.

Ang epekto ng Judicial Separation Property ay sa conjugal properties lang ng mag-asawa at wala itong epekto sa bisa ng kanilang kasal. Ang karaniwang ground na ginagamit sa Judicial Separation of Property ay ang abandonment ng isa sa asawa, hindi pagtupad sa marital or parental obligation o paghihiwalay ng at least 1 year at wala nang pag-asa na magkabalikan pa ang mag-asawa.

Nasa Article 135 ng Family Code ang mga groud o sufficient cause for judicial separation of property:

(1) That the spouse of the petitioner has been sentenced to a penalty which carries with it civil interdiction (NAKULONG ANG ASAWA);

(2) That the spouse of the petitioner has been judicially declared an absentee (NADEKLARA NG KORTE NA NAWALA ANG ASAWA);

(3) That loss of parental authority of the spouse of petitioner has been decreed by the court (NADEKLARA NG KORTE NA NAWALAN NG KARAPATAN SA ANAK ANG ASAWA);

(4) That the spouse of the petitioner has abandoned the latter or failed to comply with his or her obligations to the family as provided for in Article 101 (INABANDONA NG ASAWA ANG PAMILYA);

(5) That the spouse granted the power of administration in the marriage settlements has abused that power (UMABUSO ANG ASAWA SA PAGHAWAK NG CONJUGAL PROPERTY); and

(6) That at the time of the petition, the spouses have been separated in fact for at least one year and reconciliation is highly improbable (NAGHIWALAY ANG MAG-ASAWA NG ISANG TAO O MAHIGIT AT WALA NA SILANG POSIBILIDAD NA MAGKASUNDO).

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa proseso ng judicial separation of property, conjugal property at kailangan na mga dokumento nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.


Leave a Reply