Sponsored Links
Advertisement

May Parusa Ba Ang Pag Dirty Finger Sa Ibang Tao?


“ATTY., MAY PARUSA BA ANG PAG DIRTY FINGER KO SA KAAWAY KO?

ANG SLANDER BY DEED AY PANINIRANG PURI SA KILOS O GAWA NA NAKAKASIRA SA REPUTASYON AT KARAKTER NG ISANG TAO NA MAY PARUSANG KULONG UNDER ARTICLE 359 NG REVISED PENAL CODE. ANG PAG SENYAS NG ISANG TAO NG “DIRTY FINGER” NA GINAWA DAHIL SA MATINDING GALIT AT DAHIL SA PROVOCATION NG OFFENDED PARTY AY ISA LAMANG SIMPLE SLANDER BY DEED NA MAY LIGHT PENALTY.

Meron ba parusa ang pag-dirty finger mo sa kaaway mo? May nagtanong nito sa E-Lawyers Online at alamin natin kung may parusa ba ito sa batas. Ganito ang tanong ng reader sa E-Lawyers Online:

Hi atty, may kaaway po ako sa barangay namin at minsan nagkasalubong kami sa sakayan ng tricycle, habang paalis ako sakay ng tricycle, sinenyasan ko siya ng dirty finger habang nakatingin sa kanya. Pinabarangay po ako atty, may kaso ba ako atty?

Ang kasong ginawa ay Simple Slander by Deed. Ang “Slander by Deed” ay isang gawaing kriminal na paninira na ipinahayag mula sa kilos na nakakasira sa isang reputasyon o karakter ng isang tao. Ito ay pinaparusahan ng kulong under Article 359 ng Revised Penal Code:

Art. 359. Slander by deed. The penalty of arresto mayor in its maximum period to prision correccional in its minimum period or a fine ranging from 200 to 1,000 pesos shall be imposed upon any person who shall perform any act not included and punished in this title, which shall cast dishonor, discredit, or contempt upon another person. If said act is not of a serious nature, the penalty shall be arresto menor or a fine not exceeding 200 pesos.

Iba pang example ng slander by deed ay ang pananampal, pambabatok at pandudura ng tao. Ang krimen na Slander by Deed ay may dalawang klase, ang Simple Slander by Deed na may mababang parusa dahil ito ay isang light felony lamang at Grave Slander na may mataas na parusa.

Slander by deed is a crime against honor, which is committed by performing any act, which casts dishonor, discredit, or contempt upon another person. The elements are (1) that the offender performs any act not included in any other crime against honor, (2) that such act is performed in the presence of other person or persons, and (3) that such act casts dishonor, discredit or contempt upon the offended party. Whether a certain slanderous act constitutes slander by deed of a serious nature or not, depends on the social standing of the offended party, the circumstances under which the act was committed, the occasion, etc. [Villanueva vs. People, G.R. No. 160351, April 10, 2006]

Ang rule sa slander by deed ay kung ang ginawa ay dahil sa init ng ulo at galit ng akusado at may pagpapagalit o paghahamon ng sinaktan na tao o offended party, ito ay isa lamang simple slander by deed na light felony at hindi grave slander by deed. Kung walang paghahamon o dahilan ng pagpapagalit galing sa offended party at seryoso at grabeng pang-iinsulto ang ginawang paninirang puri, ito ay Grave Slander by deed.

Sabi sa mga Supreme Court ruling, kung ang aksyon ay dahil sa matinding galit o habang galit ang akusado at dahil may provocation o pagpapagalit dahil sa ginawa ng offender party o ng complainant, ito ay matatawag lamang na Simple Slander by Deed na isang light felony na may parusang arresto menor o 1 day up to 30 days na kulong.

Sa nasabing case na Villanueva vs. People, “pointing a dirty finger ordinarily connotes the phrase F*** You which is similar to the expression Puta or Putang Ina mo, in local parlance. Such expression was not held to be libelous in Reyes v. People, where the Court said that: This is a common enough expression in the dialect that is often employed, not really to slander but rather to express anger or displeasure. It is seldom, if ever, taken in its literal sense by the hearer, that is, as a reflection on the virtues of a mother. Following Reyes, and in light of the fact that there was a perceived provocation coming from complainant, petitioners act of pointing a dirty finger at complainant constitutes simple slander by deed, it appearing from the factual milieu of the case that the act complained of was employed by petitioner “to express anger or displeasure” at complainant for procrastinating the approval of his leave monetization. While it may have cast dishonor, discredit or contempt upon complainant, said act is not of a serious nature, thus, the penalty shall be arresto menor meaning, imprisonment from one day to 30 days or a fine not exceeding P200.”

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa krimen na Slander by Deeds at kailangan na mga dokumento nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.


Leave a Reply