Sponsored Links
Advertisement

Paano Malalaman Kung Illegitimate o Legitimate Ang Isang Bata?


“ATTY., LEGITIMATE CHILD BA AKO KASI MAY PIRMA NAMAN ANG TATAY KO SA BIRTH CERTIFICATE KO NA ANAK NIYA AKO?”

ANG BATA AY MATATAWAG NA LEGITIMATE CHILD DAHIL SIYA AY PINANGANAK HABANG KASAL ANG KANYANG MGA MAGULANG AT ANG NASABING KASAL AY HINDI VOID FROM THE BEGINNING. ANG LEGITIMACY NG ISANG BATA AY HINDI DAHIL SA PAGPIRMA NG TATAY SA KANYANG BIRTH CERTIFICATE. ANG PAG-ACKNOWLEDGE NG TATAY SA KANYANG ANAK SA BIRTH CERTIFICATE NG BATA AY PAG-ADMIT O PAG-AKO NA SIYA ANG AMA NG BATA AT ANG NAGBIBIGAY NG LEGITIMACY NG BATA AY ANG PAGIGING KASAL NG TATAY AT NANAY SA PANAHON NG KAPANGANAKAN NG BATA. KUNG HINDI KASAL ANG MAGULANG, ANG BATA AY ILLEGITIMATE CHILD.

May nagtatanong sa E-Lawyers Online kung legitimate child siya ng tatay niya dahil pumirma naman ang tatay niya at nag acknowledge ng paternity ng tatay sa birth certificate niya. Ganito ang tanong ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Meron po ako mga half-sister dahil second family po kami dahil may first marriage po tatay ko. Atty. sabi po ng half-sister ko ay illegitimate child po ako, ang sabi ko naman na legitimate child ako dahil may pirma ang tatay namin sa birth certificate ko na anak niya ako. Tama ba sinabi ko dahil naghahabol po ako ng mana. Maliit lang share na binigay sa akin e legitimate child naman ako?”

Ito ang common misconception tungkol sa issue ng legitimacy ng isang bata in relation sa kanyang tatay. Ang pag-acknowledge ng paternity ng tatay sa birth certificate ng anak o pagpirma ng tatay sa birth certificate ng bata ay hindi legal na rason para matawag na lehitimong anak o legitimate child ang bata. Ang valid na kasal ng mga magulang ang nagbibigay ng legitimacy sa isang bata bilang lehitimong anak. Magkaiba ang legitimacy ng bata at ang paternity ng bata. Ang legitimacy ay ang status ng bata in relation sa kanyang magulang while ang paternity ay ang relasyon ng bata sa kanyang tatay. In fact, kahit walang pirma ang tatay sa birth certificate ng kanyang anak na pinanganak habang sila ay kasal ng nanay ng bata, may sapantaha o presumption ang batas na ang bata ay “legitimate child”. Ito ay ayon sa Article 164 ng Family Code: “A child born to a husband and wife during a valid marriage is presumed legitimate.”

Also Article 167 of the Family Code provides:

Article 167. The children shall be considered legitimate although the mother may have declared against its legitimacy or may have been sentenced as an adulteress.

The law requires that every reasonable presumption be made in favor of legitimacy. We explained the rationale of this rule in the recent case of Cabatania v. Court of Appeals [G.R. No. 124814, 21 October 2004, 441 SCRA 96, 104-105; Concepcion v. Court of Appeals, G.R. 123450, 31 August 2005, 468 SCRA 438, 447-448]:

“The presumption of legitimacy does not only flow out of a declaration in the statute but is based on the broad principles of natural justice and the supposed virtue of the mother. The presumption is grounded on the policy to protect the innocent offspring from the odium of illegitimacy.”

Ang bata na pinanganak o isinilang habang kasal ang kanyang mga magulang ay tinatawag na “legitimate child” at ang kanyang apelyido na dapat gamitin ay dapat sa tatay na apelyido.

Ang bata na pinanganak o isinilang na hindi kasal ang kanyang mga magulang ay tinatawag na “illegitimate child” at ang kanyang apelyido na dapat gamitin ay dapat sa nanay na apelyido ngunit nasa Republic Act No. 9255 na pwedeng ipagamit ng tatay ang kanyang apelyido. Pero ang pagpapagamit ng apelyido ng tatay sa illegitimate child niya ay hindi nagbabago sa status niya bilang illegitimate child. Mananatiling illegitimate child ang isang bata kahit gamit niya ang apelyido ng kanyang tatay unless siya ay ampunin o i-adopt ng kanyang tatay sa korte.

Ang bata na pinanganak o isinilang na hindi kasal ang kanyang mga magulang at pagkatapos ay nagpakasal sila ay tinatawag na “legitimated child” pagkatapos mag-submit ng affidavit of legitimation. Ang kanyang apelyido na dapat gamitin ay dapat sa tatay na apelyido at ang bata ay may karapatan bilang legitimate child.

Kung ang bata ay pinanganak o isinilang habang kasal ang kanyang mga magulang at pagkatapos ay nadeclare na null and void ito due to psychological incapacity, ito ay tinatawag na “legitimate child”. Ngunit kung nadeclare na null and void ang kasal due to other grounds of annulment katulad ng bigamous marriage, lack of marriage license at iba pa, siya ay “illegitimate child” at ang kanyang apelyido na dapat gamitin ay dapat sa nanay na apelyido.

Ang bata na anak ng ibang tao na inampon ng naayon sa batas at proseso ng korte ay “adopted child” at ito ay merong karapatan katulad ng isang legitimate child katulad ng paggamit ng apelyido ng nag-ampon, magmana at makatanggap ng suporta.

Malaki ang pagkakaiba ng legitimate, legitimated and adopted child sa illegitimate child pagdating sa share sa inheritance ng magulang nila. Ang legitimate, legitimated and adopted child ay entitled sa full share ng kanyang inheritance sa kanyang magulang. Ang share ng illegitimate child naman ay katumbas sa kalahati ng matatanggap ng isang legitimate child. For example, ang inheritance ng isang legitimate child ay P1,000,000.00, ang share na matatanggap ng isang illegitimate child ay kalahati lamang, P500,000.00. Ito ay ayon sa Article 176 ng Family Code:

Art. 176. Illegitimate children shall use the surname and shall be under the parental authority of their mother, and shall be entitled to support in conformity with this Code. The legitime of each illegitimate child shall consist of one-half of the legitime of a legitimate child. Except for this modification, all other provisions in the Civil Code governing successional rights shall remain in force.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa status ng isang bata at kailangan na dokumento dito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply