Sponsored Links
Advertisement

Pwede Bang Kasuhan Ang Kapatid ng Anti-Violence Against Women and Children (VAWC)


“PWEDE MO BA KASUHAN ANG KAPATID MO NG VAWC O ANTI-VIOLENCE AGAINST WOMEN AND CHILDREN SA PANANAKIT SAYO?”

ANG REPUBLIC ACT NO. 9262 OTHERWISE KNOWN AS THE ANTI-VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR CHILDREN ACT AY BATAS NA APPLICABLE LAMANG SA MGA PHYSICAL, PSYCHOLOGICAL AT FINANCIAL/ECONOMICAL ABUSE NA GINAWA NG ISANG LALAKI SA ISANG BABAE KUNG SAAN AY MERON SIYANG DATING RELATIONSHIP O SEXUAL RELATIONSHIP. ANG PAGLABAG NG BATAS NA ITO AY ISANG KRIMEN UNDER REPUBLIC ACT NO. 9262 NA MAY PARUSANG KULONG.

May nagtanong sa E-Lawyers Online kung pwede bang kasuhan ang kanilang kapatid, tiyuhin o kapitbahay ng violence against women dahil sa pananakit sa kanila. Ganito ang katanungan ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Atty., may kapitbahay po ako nakasagutan dahil sa basura nila na tinapon sa bakuran namin, nasuntok po ako ng asawang lalaki sa pisngi at bumukol. Pwede ko ba siya kasuhan ng tinatawag na VAWC?”

“Kapatid ko po atty ay kasama namin sa bahay ng magulang ko habang nasa abroad ang asawa ko. Nag-away kami dahil sa pera at araw-araw ay binabantaan niya ako na papatayin kami at takot na tako na kami, pwede ko ba siya kasuhan ng psychological abuse sa RA 9262?”

“Hello po atty, tanong ko lang kung pwede ko kasuhan ng VAWC ang magulang ng mister ko dahil hindi nagsusuporta sa anak namin? Yong mister ko kasi wala work, pero parents niya meron.”

Ang Republic Act No. 9262 otherwise known as Anti-Violence against Women and their Children Act ay nagpaparusa ng kulong sa lalaki sa tatlong klase ng violence against sa isang babae at anak nila (a) physical abuse; (b) psychological abuse; at (c) economic abuse, kung saan ang lalaki at babae ay may sexual or dating relationship.

 

Ang basehan ng R.A. 9262 ay ang relationship ng babae at lalaki. Ang “dating relationship” o pakikipag-date ng dalawa ay sapat na basehan ng kasong RA 9262 as long as they are romantically involved. Ang “sexual relationship” naman ay pagkakaroon ng sekswal na ugnayan ang dalawa ayon sa Section 3 (D) ng R.A. 9262:

(e) “Dating relationship” refers to a situation wherein the parties live as husband and wife without the benefit of marriage or are romantically involved over time and on a continuing basis during the course of the relationship. A casual acquaintance or ordinary socialization between two individuals in a business or social context is not a dating relationship.

(f) “Sexual relations” refers to a single sexual act which may or may not result in the bearing of a common child.

Kung ang lalaki ay walang sexual or dating relationship sa babae, ang RA 9262 ay hindi applicable. Kahit ang lalaki ay walang sexual or dating relationship sa babae pwede pa rin siya makasuhan ng krimen under the Revised Penal Code kung siya ay sinaktan ng lalaki either Serious Physical Injury (Article 263), Less Serious Physical Injury (Article 265) o Slight Physical Injury (Article 266) depende sa injury na tinamo ng babae. Ganun din, kahit ang lalaki ay walang sexual or dating relationship sa babae pwede pa rin siya makasuhan ng krimen under the Revised Penal Code kung ang ginawang panghihiya sa babae ay libelous (Article 353), o slanderous (Article 358) o unjustly vexatious o matinding pang-aasar (Article 287).

Kung gusto nyo magtanong ukol sa Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Law, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply