Sponsored Links
Advertisement

May Epekto Ba Sa Validity Ng Kasal Kung Hindi Pumirma Ang Magulang?


“ATTORNEY, MADALIAN PO ANG KASAL NAMIN. HINDI PO KAMI NAG FAMILY PLANNING SEMINAR PERO NAKAKUHA PO KAMI NG MARRIAGE LICENSE. PWEDE PO BA ITONG GROUND SA ANNULMENT OF MARRIAGE?”

ANG KAWALAN NG SEMINAR SA FAMILY PLANNING, POSTING OF APPLICATION FOR MARRIAGE LICENSE AT PARENTAL ADVISE AY WALANG EPEKTO SA BISA NG ISANG KASAL. ANG MGA ITO AY MGA IRREGULARIDAD SA PAGKUHA NG MARRIAGE LICENSE NA HINDI NAKAKA-APEKTO SA BISA NG KASAL AT ITO AY MANANATILING MAY BISA KAHIT HINDI NACORRECT ANG NASABING KAMALIAN.

Karaniwang tanong sa E-Lawyers Online ay ang tanong tungkol sa annulment of marriage. Isa sa mga laging tinatanong ay kung ang pagpirma ba ng magulang ay required sa validity ng kasal o ang kawalan ng family planning seminar dahil minadali ang kasal. Ganito ang tanong ng isang reader:

“Attorney, madalian lamang po ang kasal namin. Pumunta kami sa munisipyo at kumuha ng marriage license at hindi na po hindi na napost ito at wala kami family planning seminar. Hindi rin po pumirma ang magulang namin dahil wala sila. 23 years old na po ako at asawa ko noon ay 25. Hiwalay na po kami ngayon. Pwede po ba itong magamit sa annulment?

Maraming nag-aakala na ang posting ng application for marriage license, seminar para sa family planning at marriage counselling at parental advise ay kailangan para maging may bisa ang isang kasal.

Ang posting ng application for marriage license ay required under Article 17 ng Family Code kung saan ang names at address ng mga nag-apply ng marriage license ay ipopost sa bulletin board ng local civil registrar for ten (10) consecutive days at after the 10-day period ay saka lamang mag-iissue ng marriage license.

Ang requirement naman ng seminar para sa family planning at marriage counselling ay nasa Article 16 ng Family Code kung saan ang taong ikakasal na 18 years old hanggang 25 years old ay kailangan na umattend sa nasabing seminar at kumuha ng certification of attendance sa marriage counsellor. Ayon sa batas, ang hindi pag-attach ng nasabing certificate of attendance ay masususpende ang issuance of the marriage license for a period of three months from the completion of the publication of the application. Issuance of the marriage license within the prohibited period shall subject the issuing officer to administrative sanctions but shall not affect the validity of the marriage.

Ang parental advise ay kailangan para sa ikakasal naman na ang edad ay 21 YEARS OLD HANGGANG 25 YEARS OLD, ang kailangan nila ay parental advice na lamang. Ang kawalan ng parental advice ay walang epekto sa bisa ng kasal ngunit madedelay lamang ang pag-issue ng marriage license sa kanila ng three (3) months ayon sa Article 15 Family Code. Kakaiba ito sa parental consent na required kung ang ikakasal ay BELOW 21 YEARS OLD HANGGANG 18 YEARS OLD at ang kawalan nito ay pwedeng maging ground sa annulment of marriage.

Ang mga nasabing requirements ay hindi mga formal o essential requirements ng isang kasal at ang kawalan nila at anumang kamalian ay hindi makaka-apekto sa bisa ng kasal. Mananatiling kasal ang mag-asawa kaht may mali sa mga nasabing requirements dahil ang nasabing dokumento ay hindi isang mahalagang requirement sa validity o bisa ng isang kasal. Nasa Article 2 ng Family Code na ang mga mahahalagang requirement para sa mabisang kasal ay

(1) Legal capacity (AGE) of the contracting parties who must be a male and a female (GENDER); and

(2) Consent (CONSENT) freely given in the presence of the solemnizing officer.

Ang mga formal na requirements ng kasal ay nasa Article 3 ng Family Code ay (1) Authority of the solemnizing officer o ang taong nagkasal; (2) A valid marriage license; and (3) A marriage ceremony which takes place with the appearance of the contracting parties before the solemnizing officer and their personal declaration that they take each other as husband and wife in the presence of not less than two witnesses of legal age.

Ayon sa Article 4 ng Family Code and kawalan ng mga essential o formal requirements na nabanggit ay nakaka-apekto sa bisa ng kasal at pwede itong maging ground ng annulment of marriage ngunit ang anumang depekto dito katulad ng kawalan ng posting ng application for marriage license, seminar para sa family planning at marriage counselling at parental advise shall not affect the validity of the marriage but the party or parties responsible for the irregularity shall be civilly, criminally and administratively liable.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa annulment of marriage o legal separation at kailangan na mga dokumento nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply