Sponsored Links
Advertisement

May Karapatan Bang Singilin ng Guardian Ang Magulang ng Bata Kapag Kinuha Na Sa Kanya?


“ATTY., BILANG KAIBIGAN NA TEMPORARY NA BUMUHAY SA ANAK NG BESTFRIEND KO, PWEDE KO BANG SINGILIN SA PARENTS ANG NAGASTOS KO NA SUPPORT SA ANAK NILA PAG KINUHA NA SA AKIN ANG ANAK NILA?”

ANG SINUMANG TAO NA NAGBIGAY NG SUPORTA SA ISANG BATA, MALAYONG KAMAG-ANAK MAN O HINDI, AY MAY KARAPATAN NA SUMINGIL SA PERANG NAGASTOS NIYA PARA SA PAGSUPORTA SA BATA AT MAY KARAPATAN DIN SIYA NA MAGSAMPA NG KASO UNDER REPUBLIC ACT. NO. 9262 O ANG ANTI-VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR CHILD ACT SA MGA MAGULANG PARA PILITIN SILA NA MAGSUPORTA.

“Please atty, give me advice. May kapitbahay po kami, may anak na iniwan sa akin at sabi niya babawi siya sa akin kung maayos na buhay niya sa abroad. Ako gumastos sa kanya baby pa lang hanggang mag 5 years old. Iniwan sa akin at ngayon po bumalik galing abroad at kinukuha na sa akin. Ok lang naman po na ibalik ang bata pero malaki po kasi nagasto ko. pwede ko ba siya singilin?”

Nasa Family Code na kung ibang tao ang nagbibigay ng suporta sa bata, ang tao na nagbibigay nito ay may karapatan na sumingil sa nagastos niya sa suporta. Ito ay nasa Article 206 at 207 ng Family Code of the Philippines.

Art. 206. When, without the knowledge of the person obliged to give support, it is given by a stranger, the latter shall have a right to claim the same from the former, unless it appears that he gave it without intention of being reimbursed. (2164a)

Art. 207. When the person obliged to support another unjustly refuses or fails to give support when urgently needed by the latter, any third person may furnish support to the needy individual, with right of reimbursement from the person obliged to give support. This Article shall particularly apply when the father or mother of a child under the age of majority unjustly refuses to support or fails to give support to the child when urgently needed.

Kung ang nasabing tao na nagkukupkop sa bata na inabandona ay walang kakayahan o kapos din sa pera, pwede ba siyang magsampa ng kaso sa mga magulang?

Yes. Ayon sa Section 9 ng Republic Act No. 9262 o ang VAWC Law, kahit hindi kamag-anak, kahit kapitbahay ay pwedeng magsampa ng kaso sa mga magulang.

SECTION 9. Who may file Petition for Protection Orders. – A petition for protection order may be filed by any of the following:

(a) the offended party;

(b) parents or guardians of the offended party;

(c) ascendants, descendants or collateral relatives within the fourth civil degree of consanguinity or affinity;

(d) officers or social workers of the DSWD or social workers of local government units (LGUs);

(e) police officers, preferably those in charge of women and children’s desks;

(f) Punong Barangay or Barangay Kagawad;

(g) lawyer, counselor, therapist or healthcare provider of the petitioner;

(h) At least two (2) concerned responsible citizens of the city or municipality where the violence against women and their children occurred and who has personal knowledge of the offense committed.

Sa pamamagitan ng Protection Order na kinuha ng nasabing tao, pwedeng utusan ng korte ang mga magulang na magsuporta sa bata. Section 8, paragraph (g) of RA 9262 states that the Protection Order:

to direct the respondent to provide support to the woman and/or her child if entitled to legal support. Notwithstanding other laws to the contrary, the court shall order an appropriate percentage of the income or salary of the respondent to be withheld regularly by the respondent’s employer for the same to be automatically remitted directly to the woman. Failure to remit and/or withhold or any delay in the remittance of support to the woman and/or her child without justifiable cause shall render the respondent or his employer liable for indirect contempt of court.

Kung walang maganda at legal na dahilan ang isang magulang sa hindi pagbibigay ng suporta sa anak, ito ay isang krimen na “economic abuse. Ang R.A. 9262 otherwise known as Anti-Violence against Women and their Children Act ay nagpaparusa ng kulong sa hindi pagbibigay ng lalaki ng suporta sa kanyang asawa o kinakasamang babae (kalive-in) at kanilang mga anak at ito ay tinatawag na “economic abuse”. Ito ay naiiba sa “psychological abuse” o “physical abuse” na karampatang kaparusahan din. Ang krimen na ito ay applicable sa mag-asawa o magkalive-in, kasal man o hindi, kung saan merong anak sila. Kasama dito ang pagpaparusa sa hindi pagbibigay ng lalaki ng sapat o maayos na suporta sa kanyang asawa o kinakasamang babae at kanilang mga anak.

Ang krimen na ito ay pinaparusahan dahil ito ay isang uri ng “economic abuse” kung saan nalilimitahan at nakokontrol ang malayang paggalaw ng isang babae gawa ng ginagawa ng lalaki. Ang sitwasyong ito ay nakasaad sa Section 4 (e) ng R.A.9262 bilang isang uri ng “economic abuse” na magbibigay ng mental o emosyonal na pagdurusa sa biktima. Ang sinumang asawa o kasamang lalaki ang gumawa nito ay pinaparusahan ng prision correcional (6 months – 6 years imprisonment).

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa suporta o sustento ng magulang o Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Childr, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply