Sponsored Links
Advertisement

Ang Pag-Iwan Ba Ng Anak Dahil Nag-abroad ay Matatawag Na Abandonment?


ANG ANAK AY HINDI MATATAWAG NA INABANDONA O WALANG ABANDONMENT NA MATATAWAG KUNG WALANG DESISYON ANG KORTE DITO. HANGGAT WALANG DESISYON ANG KORTE, ANG KARAPATAN NG MAGULANG SA BATA AY MANANATILI KAHIT MATAGAL NANG WALANG KOMUNIKASYON O SUPORTA SA BATA. ANG JUDICIAL DECLARATION OF ABANDONMENT OF CHILD AY ISANG PROSESO SA KORTE KUNG SAAN ANG INABANDONA NA ANAK AY MAKUHA NANG ISANG MAGULANG ANG SOLE CUSTODY NITO AT HINDI NA KAILANGANIN ANG CONSENT NG NAG-ABANDONA NA MAGULANG PARA SA PAG-MIGRATE SA IBANG BANSA O PAG-AADOPT.

Marami ang nagtatanong sa E-Lawyers Online kung ang pag-iwan ba sa anak dahil nag-abroad ang nanay o tatay ay matatawag na itong abandonment:

“Atty.! matatawag ba na abandonment of child kung iniwan ko ang mga anak ko ng ako ay pumuntang abroad?”

“Atty.! Limang taon ko nang hindi nakikita ang anak ko ngunit nagpapadala naman ako ng suporta, matatawag ba itong abandonment?”

Walang batas sa Pilipinas at sa Family Code na nawawala ang karapatan ng magulang dahil lamang sa matagal na paghihiwalay o kawalan ng komunikasyon. Ang karapatan ng magulang sa kanyang anak ay isang likas na karapatan na hindi basta-basta nawawala at mawawala lamang ito ng naayon sa batas. Tatlong sitwasyon lamang na automatic na nawawala ang karapatan ng magulang sa anak ayon sa Article 228 ng Family Code, nawawala ang karapatan ng magulang sa anak: (1) Upon the death of the parents; (2) Upon the death of the child; or (3) Upon emancipation of the child;

Ayon naman sa Article 229 ng Family Code, ang karapatan ng maulang sa anak ay nawawala lamang kung may decision ang korte (1) Upon adoption of the child; (2) Upon appointment of a general guardian; (3) Upon judicial declaration of abandonment of the child in a case filed for the purpose; (4) Upon final judgment of a competent court divesting the party concerned of parental authority; or (5) Upon judicial declaration of absence or incapacity of the person exercising parental authority.

Kung kaya ang mere abandonment ng bata ng kanyang magulang ay hindi nakakawala ng karapatan ng magulang sa anak unless merong desisyon ang korte sa kanyang abandonment. Ang pag-aabroad ng magulang para magtrabaho at upang suportahan ang mga anak ay hindi matatawag na abandonment. Ang bata ay masasabing “abandoned child” kung ang taong kumukupkop dito ay nagsampa ng judicial declaration of abandonment sa korte. Ang Republic Act No. 8369 otherwise known as “Family Courts Act of 1997” ay nagbibigay ng jurisdiction sa Family Court upang i-process ang judicial declaration of abandonment of child o Petitions for declaration of status of children as abandoned, dependent o neglected children, petitions for voluntary or involuntary commitment of children; the suspension, termination, or restoration of parental authority and other cases cognizable under Presidential Decree No. 603, Executive Order No. 56, (Series of 1986), and other related laws.

Ang proseso na ito ay mahalaga upang patunayan na ang nasabing bata ay inabandona na nang isa o parehong magulang kung kaya ay tinatanggalan na ng karapatan ang nasabing magulang na nag-abandona sa bata at binibigay ang custody nito sa magulang o taong nagfile ng petition. Ang proseso na ito ay ginagawa o kinukuha nang natitirang magulang kung siya ay magmimigrate sa ibang bansa, o dadalhin ang bata sa abroad o i-aadopt para hindi na kailanganin ang written consent ng magulang na nag-abandona.

Kung gusto nyo magtanong ukol sa Petitions for declaration of status of children as abandoned, dependent o neglected children o kailangan nyo ng tulong sa pag-prepare ng documents, register at my website at www.e-lawyersonline.com .

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang linkhttp://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply